I felt betrayed. I felt like everything has been wiped out completely of the wind.

"Reeve, bakit ka ba ganito? Bakit ba kung kailan maayos na ang lahat saka may mangyayari? Hindi ba ako pwedeng sumaya nang walang inaalala? Bakit ba ang hirap ng pagmamahal na 'to? Bakit ba ang hirap na manatili ka sa buhay ko? Bakit ba kailangang maging ganito? Do I deserve this? Sa tingin mo ba, kailangan kong maramdaman ito mula sa'yo? Don't you think you're being unfair to me all this time?"

I was staring at him. Lumalabo na siya sa paningin ko dahil sa panibagong luha na namumuo. He took a step forward and I stepped back immediately. Ayaw kong mahawakan niya. I don't want to melt in his arms while he couldn't give me an answer.

"Ada, it's not true," aniya at halos abutin na ang kamay ko. Iniwas ko iyon mula sa kaniya. May dumaang sakit sa kaniyang mga mata at nagbaba siya ng tingin.

He swallowed hard. Sa pagkagat ng dilim, halos hindi ko na maaninag ang kaniyang mukha.

"Ano bang hindi totoo? Hindi pa ba sapat ang nakita ko para sabihing totoo iyon? Ano pa bang dapat kong malaman?" galit kong sambit. "All this time that you were pursuing me, there's a woman miles away who's waiting for you to come back."

"She's not my girlfriend, Ada." Umiling siya.

"Hindi mo girlfriend pero asawa ng iba. Reeve..." Mangha kong sinambit ang pangalan niya. "You got someone else's wife pregnant! And seeing her reaction upon seeing you, alam ko ng matagal na kayong magkakilala. It looks like you were lovers to me."

"I am not into any kind of relationship with her, Ada. Hindi ba't sinabi ko na sa'yo? I never liked or loved anyone else but you. You're always on my mind, kaya paano ako makikipagrelasyon sa iba?" He was all red from the frustrations. Even when I don't want to set him on details, I just couldn't help it.

Ang kaniyang mga mata ay puno ng pagsisisi. He was breathing heavily. Kahit ilang talampakan pa ang layo niya, ramdam ko ang init na nanggagaling sa kaniya.

He licked his lower lip and stared at me. "It's not mine..the baby."

Umiling lang ako. Sarado na ang isip sa kaniyang mga paliwanag. Isidore was right. Sana ay hindi na lang ako nakinig kay Reeve. Sana ay hindi na lang ako umasa. Sana ay hindi na lang ako naging mabuti. I should've stayed on my high ground. Sana nagpatuloy ako sa pagiging mapagmataas para hindi na niya maabot.

"How could you even deny the baby in front of me? Nagpa-DNA ka ba? Did you get some test to prove it?"

"No. But I know that it's not mine. I am sure of it, Ada."

Umiling ako. "It's not a proof. Kahit naman itanggi mo, kung wala kang maayos at matibay na ebidensya ay wala rin." I sighed. "I just...can't listen to you right now. I can't even look at you. Ayaw ko ng maniwala pa sa kahit ano mong salita o pangako."

We stared at each other. Pumintig ang aking dibdib ngunit hindi ko iyon pinansin. Love right now has no place in this kind of situation. Kailangan ko ng katapatan and surely, Reeve didn't give me that.

"Uuwi na ako," sambit ko pagkailang segundo ang lumipas. His eyes displayed disagreement and disbelief at my decision.

Sinubukan niyang humakbang ngunit nakatalikod na ako. Saktong may dumaang tricycle doon. Hindi ako nagdalawang isip na pumara at sumakay.

"Huwag mo na muna akong kausapin. You have a visitor to attend to. Aalis na ako," matigas at may pait kong sambit.

He couldn't react faster than the vehicle. Bago ko pa marinig ang pagpigil niya ay umandar na ulit ang tricycle.

Napasandal ako sa upuan at napahinga nang malalim. Natulala na lamang ako habang nakatingin sa binabaybay na daan. When I was nearing home, I fixed myself. Ayaw kong makita ako ng mga magulang ko na gulong-gulo at parang wala sa sarili.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now