Chapter 37-Lunas

319 17 0
                                    

Palakad lakad ako sa loob nang sinung pangkagubatan madilim na ang paligid napakatahimik pa nagbabadya ito nang panganib ramdam ko namang may nagmamasid sakin pero hindi ko pinansin masyado nang malalim ang Gabi pero ito parin ako naglalakad magisa sa madilim at nakakakilabot na gubat ang tanging ilaw ko lamang ay ang maliwanag na buwan napatingin naman ako sa mapa medjo malayo pa ako sa pupuntahan ko kaya dapat ma's bilisan ko ang paglalakad saka ma's nagiging mapanganib ang gubat kung ma's lumalalim ang Gabi ramdam na ramdam ko naman ang malamig na hangin na dumasampi sa balat ko nilalamig na ako pero hindi parin ako tumitigil sa pagtahak sa daan papunta sa puno nang Sahwan hindi ko alam kung hanggang kailan ang paglalakbay kung to pero sana lang ay mahanap at makakuha ako nang bunga nayun agad kailangang kailangan ako nang mga mabubuting magician at ni ama dapat akong makabalik sa lalong madaling panahon sa kuta baka matuntun kami muli nang kalaban at manganib nanaman sila ayaw kunang mawalan nang mga mahahalaga sakin ayoko na kailangan naman ako ni ama dahil kritikal sya alam kung malala ang mga Tama nya dahil unti unti syang nanghihina dapat makabalik ako sa tamang oras kung hindi baka abo nalang no ama ang maabotan ko na hindi ko mapapayagang mangyari.

Naalerto naman ako nang may lumabas na mga maliit na halimaw halos kasing laki lang sila nang mga 10 taong gulang na bata pero kahindik hindik ang mga mukha nila kahit nga ako natakot pero pilit ko namang nilalabanan ang takot ko para Kay ama para sa mga kaibigan,Kakilala at para sa academia.Mahahaba at matatalas ang kanilang mga kuko.Ang kanilang balat naman ay kayumangi puro itim ang mga mata nila parang maligno.Hindi naman ako nakapagsalita pa ma's tumitindi ang takot ko sa tuwing nakikita ko sila mga 5 sila.

Tumalon naman nang mataas ang isa saka susunggaban ko sana pero nasipa ko sya agad nagpalabas naman ako nang espada pero nawawala bigla ko namang naalala na nasa isinumpang gubat nga pala kami Hindi ko talaga magagamit nang maayos ang aking kapangyarihan.Kaya napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Sumigaw naman ang isa pa na umalingawngaw sa paligid nakakatakot ang tinig nya subrang lalim napakacreepy pa.Sinugod naman nila ako sabay sabay pero hindi sila nagtagumpay dahil nakatalon ako agad paalis sa kinatatayuan ko sana sinuntok ko naman ang isa sa mukha kaya napatalsik habang aatakehin sana ako nang isa pa pero sinipa ko lang sya para makaalis sa harap ko.Pero sa kasamaan palad nakalmot ako nang isa dahil bumaba ang depensa ko napatulo naman ang dugo sa pisnge ko kaya agad kung pinahiran saka inatake ang kumalmot sakin medjo malalim ang kalmot nya pero binalewala ko Lang ang sakit kailangan kung makaalis rito ang pakay ko lang ay ang Sanhay na makakagamot kay ama at wala nang iba pa tatakasan ko muna ang mga ito baka bago ko pa makuha ang gamot naging malamig na akong bangkay kung lalabanan ko sila lalo na Hindi ako nakakapagpalabas nang kapangyarihan.

Sinipa ko naman nang napakalakas ang isa nakaharang sya kasi sa daan medjo malayo ang narating nya sa lakas ba naman nang naging sipa ko sa kanya napatakbo, lakad,Takbo ganyan lang ang nagawa ko pagod na pagod na ako pero hindi ako papatalo.

Agad naman ako nakalayu sa mga bulingit na mga yun ang liliit at ang cute nang size nila parang sa baewang ko lang ang tangkad pero malakas sila aaminin ko.

Sa subrang Takbo ko naman nadapa ako sa ilog anong swerte ko naman nabasa ang mapa nang hanapin ko naman yun sa nilagyan ko pero wala.Napatingin ako sa tubig nakita ko itong palutang lutang sa tubig tinangka ko naman iyung habulin hanggang sa mahulog ito mula sa taas nang talon at dahil desedido akong makuha yun tumalon nadin ako sa ilalim kahit masyado akong kinabahan napakataas nang kinalalagyan ko alam kung napakalakas nang impact nito sa Tubig pero hindi na ako takot mamatay ngayun.Kailangan ko ko magpakatatag para sa mga natitira kung kaibigan pero alam kung di rin maiiwasan na ganun ang malungkot pero normal lang yan dahil may mga mahahalaga sayu ang nawawala.

Buti nalang talaga nahulog ako sa malalim na parte kaya di ako masyadong nasaktan.Agad ko namang hinabol pa ang mapa pero patuloy yun sa pagsunod sa tubig napatigil naman ito nang makasabit iyun sa isang bato kaya wala na akong sinayang na panahon pa para kunin yun halos sapakin ko ang sarili ko dahil hindi kuna naiintindihan ang mapa saka bigla itong nahati sa maraming parte malamang lumambot ang papel dahil sa pagkababad sa tubig.Halos maluka ako dahil doon.Pero kailangan kung magpatuloy sa paglalakad para hanapin ang punong yun.Hindi naman ako pwedeng gumamit nang kapangyarihan ko para makabalik sa tirahan nang babaylan para makahingi ulit nang mapa dahil hindi nga masyadong gumagana ang kapangyarihan dito.

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now