Chapter 13-Paglusob

729 29 2
                                    

Napabangon naman ako ng makarinig ng katok ng buksan ko nakita ko naman si ma'am Regina sa pinto

"Magandang Umaga,Mag ayos na kayu At bumaba kailangan nating magsanay agad Hihintayin ko kayu sa baba"Sabi nya saka naglakad papunta sa kwarto ng ibang royalties.Niyugyug ko naman si jes para magising kaya napamulat nalang sya

"Ley,Pagod ako pwedeng wag Mona mamaya na ako magbibihis"sabi nya saka pumikit.

"Jes,Nandun Si Maam regina sa labas naghihintay magbihis na tayu"Sabi ko pero walang epekto hinampas ko naman sya ng unan kaya napaupo

"Ley,naman masakit ang katawan ko sa training kahapon"reklamo nya agad naman syang naglakad palabas ng silid ko at bumalik sa silid nya
Habang ako naman agad na nagbihis.Kasabay ng pagbukas ng pinto ko ganun din ang pagbukas ng pinto ni jes halatang antok pa at nakapikit pa ang isang mata

Napatanaw naman ako sa baba nakita ko nalang si ma'am Regina at ang iba pa nanaghihintay samin

"Pumunta na tayu sa ground"sabi ni Maam regina agad namang nagreact si jes

"Maam regina di ba tayu kakain muna bago umalis gutom na ako!"reklamo nya napatingin naman ako Kay Maam regina

"Isa rin to sa magiging pagsubok nyu kapag di pa tayu natapos sa training.Walang kakain "naglakad naman palabas si ma'am Regina kaya wala kaming nagawa kundi sumunod habang nasa daan nagrereklamo Si jes habang si Lea at Azer ay tahimik lang na nakasunod si Kate naman nagaayos ng buhok habang Si Raven at Vince nagkwekwentohan habang kumakain ng chocolate lumapit naman Si Vince Kay jes saka inalok ito ng chocolate pero di nya tinanggap.Lumapit naman si Raven sakin

"Magandang Umaga,Kamusta ka naman Clea?"sabi nya napatingin naman ako Kay Kate ramdam ang masama ang tingin sakin Anong problema nito?
 
"Maayos naman ako, Ikaw ba?"tanong ko.Habang papunta kami sa ground kwentohan ang gawa namin ni Raven habang ang iba may kanya kanya ring ginagawa

"Ang mga tatawagin ko ay pumunta sa Kaliwa,Azer, Kate Jessie, at Clea "sabi ni ma'am pumunta naman Kami sa kaliwang bahagi

"Tulad ng kahapon Team 1 vs Team 2 ang rules ganun parin Walang may gagamit ng kapanyarihan kung hindi Lilinisan nya o nila ang Academya plus maseseal ang kapangyarihan.Let the battle begin Azer vs Raven, Kate laban sakin,Jessie vs Vince at Clea vs lea"sabi ni Maam regina agad naman kaming humanda.Kalaban ko ang isa sa pinakamalakas na Estudyante ng Academy at ang dating nakatalo sakin noon.Halos mahimatay na ako sa kaba pero pilit kung pinatatatag ang sarili ko

Nagkatinginan naman Kami ni lea Mata sa mata.Ramdam na ramdam ko ang matinding tension sa pagitan naming dalawa

Nauna namang sumugod si Lea halos paulanan nya ako ng suntok kaya napaiwas nalang ako muntikan na akong matamaan buti nasalo ko ang kamao nya.Agad ko namang sinipa sya kaya napaatras sya tumakbo naman ako palapit sakanya para atakihin sya.

Susuntokin ko na sana sya nang sipain nya ako napatalon naman ako.At saka sinakal sya pero pumapalag naman sya kaya nahihirapan akong patigilin sya siniko nya naman ako kaya nakawala sya.Nawala naman ang depensa ko kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na masuntok ako sa tyan agad ko namang sinipa ang tyan nya kaya Napa atras rin sya

Napahapo hapo naman kami habang nakatinginan  kaming dalawa.Sabay naman kaming bumwelo saka umataki sa isat isa.

--

"Aray ko masakit"reklamo ko habang ginagamot ni jes ang pasa sa mukha ko nasuntok kasi ako ni lea.Kaya mamula ang pisnge ko napakalakas pa naman ng suntok nya parang lalaki parang di kona nga maigalaw ang panga ko

"Parang magpapatayan na kayung dalawa tignan nyu nga ang natamo nyung dalawa kung may gamitan ng armas o kapangyarihan sigurado patay talaga kayung dalawa"sermon ni jes at ma's diniinan ang kamay na gumagamot

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now