Chapter 14-Misyon

692 30 0
                                    

"Ley, Bakit pa may gulo lagi kang nasasangkot?Hinahabol ka talaga ng Gulo"Sabi ni jes habang ginagamot ang mga sugat ko

"Hindi ko alam jes basta nasasangkot lang ako lagi.Di ko naman alam na ganito ang manyayari"sabi ko saka napatingin sa gawi ni Azer sya kasi ang mas napurohan saming lahat.Nagaalala nga ako ng di ko maintindihan

"Ewan ko lagi talaga akong mamamatay sa kaba dahil sayu.Naku Hinahabol ka talaga ng Gulo"sabi nya kasa kinuha ang kamay nya sa leeg ko ramdam ko namang gumaan ang pakiramdam ko matapos nun

"Matagal akong mamatay jes,Joke lang.Maiba nga ako kamusta na ang kalagayan ni Azer?"hinampas nya naman ako sa braso saka napangisi na parang Baliw

"Yiee concern ka Kay Azer?"sabi nya may pakurot kurot pa ng tahiliran ko buti nalang medjo malayu ang iba samin

"Kamusta na nga sya?"tanong ko medjo natatawa na ako dahil sa pinagagawa nya

"Okay naman sya kailangan lang ng pahinga saka magrerecover nayan kilala ko Si Azer matatag yan,Pero seryoso Mahal mo na si Azer no?"bigla namang nanginit ang pisnge ko dahil sa pinagsasabi nya.Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko pagnakikita o nakakasama ko Si Azer

"Mabuti naman,Hindi ko alam jes nagugulohan ako"napatingin naman ako sa bintana.

"Pero naniniwala ako ley,Mahal mona Si Azer halata sa kilos mo ley pagmagkasama kayu,Sige punta muna ako sa kusina dito maiwan muna kita dito"sabi nya Saka naglakad papuntang kusina napaisip naman ako sa sinabi ni jes Mahal?Di ako sigurado nagugulohan talaga ako napatingin naman ako ulit Kay Azer na natutulog sa sofa

Bakit Anong hiwaga ang dala mo sakin Bakit ako nagkakaganito azer.

--

"Ley,Sumama ka samin pinatatawag tayu sa office"bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni jes.Bakit kasama pa ako?Naku baka ano nanamang gulo ang nasangkotan ko pero wala naman akong nagawang mali?

Sumama naman ako sakanila wala naman akong magagawa.Ng makarating kami sa tapat ng office kinakabahan talaga ako baka parusahan nila ako?Wag naman sana gusto ko pang mabuhay

Ng buksan nila ang pinto bumungad naman sakin ang malawak na paligid may mahaba namang mesa sa pinakacenter nito may mga magician namang nakaupo sa upuan.Mukha silang makapangyarihan ang gagara at gaganda ng damit nila seryoso lang naman ang tingin nila meron ding mga may korona na parang Hari at Reyna pero talagang mga maharlika sila

Masama naman ang titig ng iba sakin.Yumoko naman ang mga royalties kaya yumuko nalang ako para magbigay ng galang

"Bakit nandito ang isang kalaban?"tanong ng isang lalaki na may korona.Puno ng utoridad ang boses nya

"Pinatawag rin namin sya,Hindi ito ang tamang oras para mag away Tayu ang kailangan ngayun ay magtulongan,Magsiupo na kayu"sabi pa ng Isang hari kaya sumunod naman ako kina jes

"Pwede na ba nating umpisahan ang usapang ito?"sabi ng isang Reyna kaya sumang ayon naman ang iba pang nandirito bago pa sila naumpisa may nilagay muna silang barrier sa paligid namin para narin sa siguridad mahirap na baka makarating sa kalaban

"Pinatawag namin kayu ngayun dahil pauusapan natin ang nangyari kahapon lang.Napansin rin naman siguro natin na marami nang kalaban ang nakapasok dito sa academya at unti unti naring humihina ang barrier ng buong academya nakakabahala"sabi nang isang lalaki na nasa pinakaharap nagsitanoan naman ang mga nandirito tinaas ng isang Reyna ang kanyang kamay at tumayo

"Nakakabahala nga yan pero sinasabi mo bang may espiya dito sa academya?"tanong nya saka umupo nagbulong bulongan naman ang iba pang nabibilang sa nakakataas.Sila ang batas dito sa mundong to.

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon