Chapter 30-Biglaan

356 21 0
                                    

Nakaupo lang ako sa Silid ko habang nakatulala sa kesame.

Anong gagawin ko nasa panganib Si ama?Kung ililigtas ko sya pano?Parang nagpapakamatay na ako kung susugod ako nang walang plano.Tama sila kailangan Kong pagplanohan nang mabuti ang gagawin kung hakbang pero pano?

Napatingin naman ako sa pinto nang ma kumatok bumukas naman ito saka niluwa sa harap ko si jes.Nag aalala parin ang mukha nito pero di manlang ako kumibo muli akong napatingin sa kesame.

"Ano kaba ley,Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo wala kapang kain mula nang kahapon.Pano mo maliligtas kung sakali ang ama mo kung ganyan ka?Pinapabayaan muna ang sarili mo!"sabi ni jes pero di parin ako umimik.Nakatingin lang ako sa kesame at parang walang narinig.

"Ley,naman kumain kana.Saka wag kang gamanyan nagaalala lang kami sa kaligtasan mo kaya ka namin pinipigilan"sabi nya pero wala parin akong reaksyon.Napabuntong hininga naman Si jes.

"Sige aalis muna ako ayaw mo naman akong makausap.Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka"sabi nya saka naglakad palabas.Napapikit naman ako kasabay nang pagtulo nang mga luha ko.Rinig ko naman ang pagsara nang pinto.

Tumayo naman ako saka napadungaw sa bintana normal lang naman ang lahat nang nangyayari sa paligid.May mga naglalakad na mga estudyante papunta sa kanikanilang silid aralan napatingin naman ako sa ibang paligid parang may mali.

Lalabas na sana ako nang marinig ang malakas na pagsabog napadungaw naman ako muli sa bintana nagkakagulo na sa labas ang isang building nang academia ay tuloyan nang nawasak Hanggang sa magsunod sunod ang mga build sa pagbagasakan may mga umaapoy Ring mga lugar may nakita naman akong dark magician sa baba sa hindi malamang dahilan May namuong Plano sa isip ko sa kanila ko ilalabas ang buong galit ko napangiti naman ako saka agad na tumakbo palabas nang silid nakita ko naman si jes na nakikipaglaban ang mga dinadaanan nyang kalaban ay agad nyang pinapatay kung hindi aatakehin nang kanyang kapangyarihan sinasaksak nya ang mga ito Hanggang sa maging abo.

Inisip ko namang magkaroon ako nang espada kaya may lumabas namang itim na usok sa kamay ko saka pumorma na parang espada alam kung di yun nakita kahit nino na ma's mabuti aakalain nilang wala parin akong kapangyarihan pero kung magtataka sila kung pano ko nakuha ang espada magdadahilan nalang ako.

Nakita ko naman may papalapit saking dark magician kaya agad kong hinampas saka sinaksak ang isa habang sinipa ko muna ang espada nang isa kung di ko yun ginawa siguradong nasaksak na ako.Agad ko naman yung nilingon saka sinagga ang espada nya sinuntok ko naman ang mukha nya gamit ang isang kamay naiinis ako ngayun at sainyu ko ilalabas ang galit ko kaya pasensya nalang kayu.Napaatras naman sya kaya kinuha ko yung chansa para hampasin ang leeg nya.Napahiwalay naman ang ulo at isang kamay nya dahil sa ginawa ko kaya bumagsak ito at naging abo.Napangisi nalang ako.Gusto kopa sisiguradohin kung magiging masakit ang kamatayan nila.

Tumakbo naman ako sa direksyon nang trangkahan nang academia marami pa kasing sumusogod bawat dinadaanan ko pinagpapatay ko kung hindi saksak pinupugutan ko ang mga yun nang ulo kahit na dark magician sila ibig sabihin nun wala silang dugo marami na ngang dugo ang nagkalat sa kamay ko buti nalang itim ang tela nang damit ko kung hindi siguradong mukha na akong killer sa mga movie mga ilang magician narin ang napatay ko saka nagkalat ang mga dugo sa daan naghalo ang dugo nang mga White at Dark magician kahit na naglalaho ang mga dark magician may mga tira paring dugo nila sa sahig.Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa dinadaanan ko halos saan ako tumingin may mga dugo at mga White magician na naglalaban ang iba nakahandusay lang sasahig napatingin ako sa kalangitan dumidilim ito tila alam nyang may ganitong nangyayari dito.

Sana panaginip lang to.Kung panaginip lang to nagmamakaawa ako gusto ko nang magising sa bangungut nato.

Nakapunta naman ako agad sa sentro nang labanan malapit sa trangkahan hinaharap sila nang ibang estudyante para di na makapasok sa loob pero di nila kaya ang ganito karami may mga halimaw pang nanggugulo.

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now