Chapter 27-Parusa

418 20 0
                                    

Mabilis na Lumipas ang dalawang araw sa hindi nagparamdam ang mga kalaban medjo kinakabahan nga ako dahil nanahimik ang mga kalaban naging mabuti naman ang ugnayan namin nang royalties naguusap na kami lagi ni Lea ganun nadin si Kate medjo lumalambot na ang puso nila sakin

Napatayu naman ako saka lumabas sa silid ko agad namang bumungad sakin ang mukha ni jes sa harap nang kwarto ko baka pupuntahan talaga nya ako

"Ley naman kinabahan ako bigla sayu bakit ka bigla biglang nambubukas nang pinto?Kakatok na sana ako"reklamo ni jes kaya napakamot nalang ako nang ulo

Hindi ko naman alam na nanjan sya.Nabigla nanga ako

"Pasensya naman lalabas na sana ako para maglakad lakad palabas"sabi ko kaya agad nya naman akong hinila.Ito nanaman sya sa panghihila.Wala kaming pasok ngayun dahil naguusap usap ang mga nakakataas hindi ko naman alam kung ano pinaguusapan nila

Habang tinatahak namin ang daan narinig ko naman ang boses ni head kaya napayuko ako sa bintana nasa tapat na pala kami nang Opisina nya

"Ang magagawa nalang natin ngayun at maghanda.Sa paparating na digmaan bukas na bukas magsisimula ang pageensayu nang mga estudyanteng nandirito sa academia"sabi ni head napaupo naman si jes sa tabi ko saka nakinig tinitignan ko naman ang paligid baka mahuli kaming nakikinig sa usapan nila siguradong mapaparusahan kaming dalawa

"Sang ayun kami sa iyong sinabi ngunit pano naman Si Clea?Anong gagawin natin sakanya?"sabi nang isang lalaki di ko makita ang mukha nya dahil nakayuko kami.Bigla naman akong kinabahan nang subra

Anong gagawin nila sakin?Baka ipapapatay na nila ako?Nagdududa parin sila sakin hindi kuna alam ang gagawin ko

"Kay Clea hayaan na natin sya wala namang ginagawang masama yun dapat ma's intindihin natin ang malaking suliranin sa paaralan.Isa pang problema ay tungkol kina Jessie at Vince may estudyanteng nakakita sa kanilang naghahalikan ang sabi sabi pa may relasyon silang dalawa nang palihim alam nyung bawal yun sa batas"sabi ni head medjo nabunotan naman nang tinik ang lalamonan ko pero parang bumalik nang maalala ko ang relasyon pala nila jes at Vince malaking problema to kung tutuosin

"Hindi hindi yan totoo hindi magagawa yan ni jessie alam nya ang batas alam kung di sya sasaway doon!"rinig na rinig ko ang hagulgul nang ina ni jes napatingin naman ako sa kanya agad naman syang tumayo saka tumakbo sinundan ko naman sya Kailangan nya nang makakausap ngayun kailangan nya ako

"Jes buksan mo ang pinto"sabi ko sabay katok sa pinto pero di si jes sumasagot rinig na rinig ko ang hagulgol ni jes.Napilitan naman akong gamitin ang kapangyarihan ko para mabuksan ang pinto

Nang makapasok ako agad na bumungad sakin si jes na nakahalapag lang sa sahig habang umiiyak ngayun ko lang nakitang ganto sya hinang hina ang lagi ko kasing nakikita noon ang masyahin at makulit na si jes pero ngayun nakita ko ang isa pang sya

Nilapitan ko naman sya saka niyakap.Niyakap nya naman ako pabalik iyak lang sya nang iyak sa braso ko pero hinayaan ko nalang sya.Kailangan nya nang karamay ngayun nakakaawa ang kalagayan nya ngayun namumula na ang mga mata nya kakaiyak dahil narin sa galaw na galaw sya gulong gulo ang buhok nya

"L-ey,A-alam na nila"sabi nya hinagod ko naman ang likod nya saka ma's piniling manahimik.Ang pinakamabuting gawin ngayun

"M-mapaparusahan k-kami nito"sabi nya mas napahagulgol pa sya.Hinayaan ko naman si jes na umiyak nang umiyak para mailabas nya ang sakit na nararamdaman nya

"L-leyy,Sinuway ko si ina"sabi nya Hindi naman ako sumagot mas minabuti kung manahimik parin.Mga ilang minuto kami sa ganoong posisyon nang makatulog na sya habang umiiyak sa braso ko

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon