Chapter 28-Peke

409 21 0
                                    

"Magandang umaga!"sigaw ni jes sa tainga ko parang nabingi naman ako dahil doon kaya agad kung kinuha ang unan saka binato sa kanya ang sarap pa sana nang tulog ko

"Ley!Bumangon kana jan may pasok pa tayu"sabi ni jes kaya napaupo nalang ako sa kama.Gusto ko pa sanang matulog pero may pasok pala kami.Doon bigla ko namang naalala ang nangyari kahapon as in Lahat Lahat nang nangyari napatingin naman ako Kay jes na nakabihis nakacross arm pa sya habang nakatingin sakin.Ang galing talaga nitong magtago nang emosyon sinasarili nya lang ang problema nya.

"Jes Ano yung nangyari kahapon"yun palang ang nasabi ko nang patigilin nya ako.Bilib na talaga ako dito sa kaibigan kung to parang kahapon lang nasira ang mundo nya dahil nawalan sya nang posisyon bilang Royalties tapos hindi na nya pwedeng manahin ang kanilang kaharian na nasa tradisyon na nila ang huli pilit daw silang ipapakasal sa hindi naman nila Mahal may narinig akong kwento kwento nga na ikakasal sila sa lalong madaling panahon sa mga anak nang pumapangalawa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa kanilang kaharian hindi ko alam pano pa nya nagagawang ngumiti nang ganya siguradong dahil alam na nang mga estudyante dito sa academia na Hindi na princesa si jes siguradong lalabas at lalabas ang mga nakaaway nya noon pati narin ang nakaaway nya nang ipagtanggol nya ako sa mga estudyante dito nanganganib si jes kaya dapat akong maging maingat sa mga kilos namin pati parin ako marami ang may galit sakin.

"Wag ka nang magsalita pa ley,Oo totoo yun di yun panaginip o ano.Hayaan Mona pwede bang kalimutan muna natin na bumaba na ang posisyon ko gusto ko tulad parin tayu nang dati"sabi nya saka ngumiti.Napangiti nalang ako pabalik.Kahit ako gusto ko munang kalimutan ang mga problema kahit sandali nakakapagod ring magproblema

"Oo naman jes tulad parin nang dati"sabi ko niyakap ko naman sya saka niyakap nya naman ako pabalik.Nang medjo ramdam na ramdam kunang maiiyak na sana ako pero biglang nagsalita si jes kaya napabusangot nalang ako damang dama kuna pero pinutol nya pa

"Ley,Maligo kana dun amoy tuyong laway kana"sabi nya.Ang sama talaga nitong kaibigan kung to nagdradrama na nga ako pinutol nya pa

"Sige na nga jes ligo na ako"sabi ko saka naglakad papunta sa banyo.Hindi talaga mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon parang sa isang kisap mata nagbago bigla ang takbo nang mundo ko.Alam kung nahihirapan talaga nang subra ngayun si jes pero pilit nyang Tinatago sa kanyang mga ngiti para di lang kami nagaalala mga kaibigan nya.

Matapos akong maligo pagkabukas ko palang nang pinto nang banyo agad na bumungad sakin ang nakangiting mukha ni jes.Minsan naiinis na ako sa kanya lagi nya nalang tinatago ang problema nya dahil ayaw nyang mag alala kami.Ang bait nya naman bakit ganun sya pa ang nakakaranas nang mga gantong paghihirap sa mundo talagang ito kung mahina ka talo ka

"Hali kana ley naghihintay na ang iba sa baba"sabi ni jes sabay hila sakin.Yan nanaman sya sa panghihila pero ma's mabuti nang ganito ang nakikita ko dahil Hindi ko kayang makita syang nahihirapan nagdurosa.Gagawin ko ang lahat para lang sa kanila sila na ang naging pamilya ko sila ang pumuna sa pagmamahal na kinakailangan ko

"Magandang umaga"bati ni jes sa kanila habang di parin nawawala ang ngiti nito.Napatingin din ako kay Vince ganun din sya nakangiti lang na parang walang nangyari.Napatingin din Samin ang ibang royalties na nakaupo lang sa hapag kung noon 7 kami pero ngayun 6 nalang dahil di pa nakakabalik si raven sa misyon nya.Namiss ko nga Rin ang isang yun ang pagkasweet at pagkamakulit nya.

"Nandito na pala kayu maupo na kayu kakain na tayu"sabi ni lea saka ngumiti naman sya sakin Kaya nginitian ko sya pabalik.Napaupo naman kami saka nagsimula nang kumain nang una tahimik lang kami pero binasag naman ni azer ang katahimikan

" Kaninang umaga sabi ni Head ang lahat daw ay mageensayu kaya wala nang klase ma's pagtutuonan muna nang pansin ang pagpapalakas nang mga estudyante kung noon dalawang beses ito sa isang linggo noon pero ngayun araw araw na wala nang pahinga dapat magpalakas tayu ma's lalo na sabi nang isang babaylan nararamdaman nyang paparating na ang digmaan pero hindi ibig sabihin nun di na tayu mageensayu kung Gabi tuloy parin ang pageensayu maliwanag?"sabi ni azer di ko akalain na ganun kahaba magsalita si azer lagi kasi tahimik.

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Where stories live. Discover now