"Baka ayaw niya akong makita sa ngayon. Mas mabuting ikaw na lang muna. At least he could talk to you while not being angry at me," aniya sa akin.

Tumango na lang ako.

Mabilis ang aking paglalakad. Nang makarating ako sa clinic ay naabutan ko siya roon sa labas. Mukhang hindi siya mapakali at nagpapabalik-balik ang paglalakad.

I stopped a few meters away from him. Binabasa ko ang kilos ni Isidore at iyon lang ang nakikita ko. He looks like he was about to burst any minute. Natigil lang iyon nang bumaling ang kaniyang atensyon sa akin.

"Ada!" His face brightened like a sun in the sunny day. Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa.

Kumunot ang kaniyang noo nang makitang hindi ko nga kasama si Reeve.

"Where is kuya? I thought you were with him."

"Nagpaiwan siya sa sasakyan. He thought that maybe you don't want to see him," tugon ko.

"Talaga ba?" He smirked. "O baka naman may itinatago si Kuya, Ada?"

Ako naman ay napakunot ang noo. Sa tanong niyang iyon ay parang gusto ko ng umatras. His eyes silently spoke evil. Ang dating malambot na pagtingin ay nabahiran ng kakaibang saya, sayang hindi dapat ipagmalaki.

"Sid...what are you saying? Akala ko ba ay ayos na? I thought that——

"Ada, hindi maaayos ang lahat hangga't hindi mo nalalaman ang sikreto ni Kuya. Don't you wanna know why he's here?"

"Sid...sinabi na ng Papa mo kung bakit siya nandito. Reeve told me honestly that he was here because of your dad's condition."

"Condition?" He chuckled without humor. "Ada, Dad is as healthy as our horses in the stable! Walang kondisyon si Dad. I was sure of it. Bakit ka ba naniniwala sa kasinungalingan ni Kuya?"

Umiling-iling agad ako. "Sid, ang dad mo mismo ang nagsabi sa akin na may sakit siya. He was prone to stroke that's why he left half of the farm's properties to Reeve."

"Hindi, Ada!" Umiling siya pabalik. His face displayed disbelief. Ang mga mata niyang nagsasaya kanina ay napuno ng pagtataka.

"I was sure of it! Baka niloloko ka na lang din ni Dad, Ada! He's close with Kuya. Of course, he'll do things for Kuya, too."

"Sid, hindi naman alagad ni Reeve ang dad niyo. Ganyan ka na ba mag-isip ngayon? Bakit naman susundin ni Sir Julio ang sasabihin ni Reeve, huh?"

"He is his favorite child, Ada! Of course, he'll do him favors. At gusto ka ni Dad para kay Kuya. Do you know who he's been rooting for Kuya? Ikaw iyon, Ada. Kahit alam ni Dad na wala na kayo, ganoon pa rin. Kahit alam ni Dad na nasa akin ka naman!"

"I am no one's property, Sid. Hindi ako naging kailanman sa'yo. I never gave you a promise. Kaya sana naman iwala mo na sa isip mong magkakaroon ng tayo dahil imposible na." I smiled sadly. He should understand this by now. Inilang ulit ko ng sabihin iyon sa kaniya at sa totoo lang, parang ako ay napapagod na ring ulitin iyon.

"Boyfriend ko na si Reeve ngayon, Sid. Nagkabalikan kami. I told him that I love him today." I smiled more. Ayaw ko ngang sabihin iyon sa kaniya habang ganito siya pero kailan ko ba dapat balak na sabihin ang lahat ng iyon? Wala namang tamang oras. Kasi baliktarin man ang mundo, magagalit siya at kukuwestiyunin pa rin ang desisyon ko.

"Do you even know Kuya, Ada? Do you even know what I know?"

"Hindi naman siguro kailangan iyon, Sid. Kusa namang sasabihin ni Reeve sa akin ang lahat kung mayroon pa rin siyang inililihim. Kung ikasisira man naming dalawa iyon...then maybe, I can only blame myself for not asking."

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now