Chapter 8

17 0 0
                                    

At tinupad nga ni sir nick ang pangako niyang papa-imbestigahan si sir billy. Ayoko na sanang umabot pa sa ganito alam kong may pamilyang binubuhay si sir billy at alam ko ring marami na siyang nagawa sa kumpanya at.... Bigla na lang akong hinatak ni sir nick.
"Sir nick? Teka, bakit po?"
"May pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Basta.."

At dinala niya nga ako sa isang tahimik at madilim na lugar... (Teka bakit andito kami, anong gagawin ni nick saakin)
"Relax ka lang.. Ang lamig ng kamay mo."
"Ano pong ginagawa natin dito sir?"
Inalalayan niya ako at pina-upo kasabay ng pag-bukas ng mga ilaw.
"Wow" ( ang tanging salitang nasabi ko.. )
"Nagustuhan mo ba?"
"Sobrang ganda po sir nick! Para po saan to?"
"Gusto ko lang mag-sorry at makabawi sayo bratty." ( sobra sobra na to nick, ang haba na talaga ng hair ko isang CEO ng kumpanya sosorpresahin ako sa isang dinner na tulad nito.. At kaming dalawa lang)
"Thank you sir, pero tungkol po kay sir billy hindi ba mas maganda kung kausapin na lang natin siya ng maayos. Marami na din po siyang nagawa sa sky at alam ko may reason siya kaya nagawa niya yon."
"Magaling si billy at tama ka marami na siyang nagawa at natulong sa kumpanya pero kung ano man ang rason niya hindi ko tatanggapin yon, malaki ang nagawa niyang pagkakamali at alam niya kung ano ang dapat gawin dun."
"Pero....
"Bratty ako ng bahala dun, ayoko ng mag-isip ka pa ng kung anong tungkol dun. Kaya nga dinala kita dito para makapag-relax ka. Stop worrying na, okay?"

Hindi na namin pinag-usapan ang kahit na ano sa kumpanya at tulad ng sabi ni nick nag-relax at nag-enjoy na lang akong kasama siya.

Ilang araw ang lumipas at tuluy-tuloy padin ang pag-iimbestiga kay sir billy. Hanggang sa isang umaga pinatawag ako ni nick sa office niya.
"Nag-report na saakin yun tao ko, ilang araw niya ng sinusundan si billy at kahapon may pinuntahan siya sa batangas, tignan mo to hindi ba siya rin yun taong nakita nating kausap ni billy sa parking?"
"Siya nga.. Ano raw relasyon nung dalawa?"
"Nalaman niyang tauhan to ni billy, at si billy raw mismo ang nagpatira sakanya sa batangas."
"Bakit sa batangas?"
"Exactly! Bakit sa batangas? Bakit hindi dito sa manila kung san malapit lang kay billy."
"May gusto ba siyang itago?"
"Siguro... At yun ang kailangan nating malaman."

Gusto ko tuloy kausapin si sir billy.. Isa siya sa mga tumulong saakin sa event. Teka! Tama! Tinulungan niya ako sa mga invitations at madalas sakanya ako nag-coconsult. Kailangan ko na siyang kausapin... Nasa pinto na ako ng office niya at napansin kong bukas ang pinto kakatok na sana ako at....
"Oo ipapadala ko ang pera ngayon huwag ka lang magsalita. Ayoko mawalan ng trabaho, sige huwag ka ng tatawag ako na lang tatawag sayo."
Natigilan siya ng makita niya ako sa pintuan.
"O ms domingo! Kanina ka pa ba dyan?"
"Huwag magsalita? Mawawalan ng trabaho???! Anong ibig sabihin niyo dun?"
"Sandali lang ms domingo, pumasok ka muna at mag-usap tayo."
"Sabihin niyo ho saakin sir billy kayo ang tumulong sakin sa mga invitations sa event, kayo ho ang nagsabing kayo na ang bahalang magpadala sa mga investors nun hindi ba? Bakit pinaniwala niyo sakin na kakampi ko kayo??!! At ang tanga ko dahil ngayon ko lang lahat naisip to!"
"Please bratty huminahon ka muna, mag-usap tayo."
"Huminahon?!"
"Please wag mo sasabihin kay mr santiago at kay nick."
"Bakit sir billy? Bakit niyo ginawa to?!"
"Please bratty nakiki-usap ako, wag mo akong ipakulong! Patawarin mo ako sa nagawa ko... Hindi ko alam na ganito ang mangyayari natakot ako... Oo natakot ako na mawala yung posisyon sakin dahil ikaw na ang laging pinapaburan ni nick nakita ko kung gano ka kahalaga sakanya."
"Sir billy... Dahil lang dun?? Hindi mo ba naisip yung pamilya mo sa ginawa mo??"
"Nagmamaka-awa ako bratty kailangan ako ng pamilya ko.." ( at lumuhod siya sa harap ko.. Ano to eksena sa mga palabas? Hindi ako masamang tao para hindi maawa kay sir billy naintindihan ko siya lahat tayo gagawin ang lahat para sa pamilya..) at tumulo na nga ang luha ko, ayoko ng ganito, ayoko ng may nasasaktan, umiiyak, nalulungkot, natatakot, nagmamaka-awa sa harapan ko hindi ko kayang makita silang ganun. Mas gugustuhin ko pang ako na lang.

Umamin si sir billy sa mga nagawa niya at hinayaan na din siya nila sir nick na umalis na lang ng maayos sa sky. Dahil sa nangyari, nagkaroon na kami ng bagong head department at si ms velasco na nga ang pumalit kay sir billy. Medyo masungit at matapang raw si ms velasco okay na yon keri lang. Panibagong challenges nanaman siguro ito pero atleast ngayon alam ko na andyan lang si nick para suportahan ako at buti na lang nalaman namin kung sino ang may kagagawan ng lahat.

Naging maayos naman ang isang buwan na lumipas under ms velasco.
"Guys.. May announcement daw si ms velasco pumunta daw sa conference room lahat."
At lahat kami agad-agad na nagpunta..
"Goodmorning guys! So since ako na ang bagong head ng department natin, lahat ng gusto kong mangyari e dapat gagawin niyo at ayoko sa lahat kinakalaban ako. Naintindihan niyo ba??" (Masungit at matapang nga)
"Dahil tahimik kayo ibig sabihin nagkakaintindihan na tayo."
"Oh come on guys! Siyempre nagbibiro lang ako!" ( ohh mabuti naman)
"Alam ko naman na may kumakalat na tsismis na masungit at matapang ako. Well hindi naman totoo yun gusto ko kayong lahat makilala at alam naman natin yung nangyari with mister billy db. Alam ko naman ayaw nating lahat na maulit yun. At dahil tapos na yun kalimutan na natin yun. Kaya ko kayo pinatawag dahil nag-organize ang lahat ng heads ng bawat department to come up with a party! Sino bang ayaw ng party??"
"Yeah!"
"When?"
At isa isa na nga silang nabuhay.. (E okay naman pala si ms velasco )

"Sexy Agent Couples Night.. Isn't it exciting?"

"Woooooo"
"Yes!"
( sexy? Hindi ako sexy.. Couple? Wala akong partner.. Nah! Not exciting)
"So ipopost na lang namin yun info by next week. See you there guys!"

Naging excited ang lahat sa darating na party, kailangan namin to dahil nadin sa nangyari. After one week nagpost na nga sila ms velasco ng info sa party sa buong building.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Funny Sexy AgentWhere stories live. Discover now