Chapter 3

35 1 0
                                    

Nakarating na kami sa hotel na venue ng meeting at tumulong na rin akong mag-ayos at mag set-up ng ibang gamit. Medyo napagod ako sa biyahe and preparations kaya nag check-in muna ako para magpahinga.

"Oh nooo! Anong oras na.... Nako bratty dalian mo!" Sa sobrang pagod ko nakatulog na ako, nag-ayos agad ako at nagpunta sa meeting.
"Kailangan maunahan ko dun si sir nick."
"Ms domingo? What are you doing here?" (Nakoo si sir nicka)
"Heellooo po! Pinapunta po ako ni ms dindy."
"Nasan siya?"
"Ako daw po muna bahala dito sir."
"Okay lets go."
Na-meet ko na nga ang ilang members of the board including mr. Santiago, nasa lahi na nga siguro nila ang mga gwapo.
"You must be nick's new secretary."
"Goodevening mr.santiago. Im brattinella domingo. Nice to meet you po."
"Nako iha, ngayon pa lang sinasabi ko na pagpasensiyahan mo na lang tong pamangkin ko ah."
"Uncle..."
"Yes po mr. Santiago."
At nagsimula na nga ang meeting siyempre nasa gilid lang ako. Ang dami palang bagong projects ng sky lands at kitang kita ko sa muka ni sir nick ang excitement. Hindi din nagtagal ang meeting at sinerve na nga ang dinner namin. Hindi ko man katabi si sir nick sa table nakikita ko naman siya habang kumakain at pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao. (Hindi na inis ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya kundi tuwa, parang mas gusto ko siyang nakikita palagi. Ayan ka nanaman bratty malabong magustuhan ka ng boss mo, kinakausap ko nanaman sarili ko alam ko naman yon pero ewan ko sa nalaman ko tungkol sakanya parang naawa ako at mas gusto ko siyang kilalanin. Alam ko mabuti siyang tao)
9pm na nang matapos ang dinner, nakaalis na rin ang ibang board members. Pero mag-kausap pa si sir nick at ang uncle niya. Siguro dito na lang muna ako mag-stay gabi na rin para bumiyahe pa siguradong mag-aalala sila mami at papi.
"Ms domingo its already late, ihahatid na kita." (Anong sabi mo sir....)
"Ms domingo ano pang hinihintay mo tara na!"
"Ahh nako sir salamat po pero hindi na po, mag check-in na lang po ako dito."
"No, ihahatid na kita."
"Hindi na sir, wala ho akong pambayad pag na-flat yung gulong niyo."
"Hindi mo na kailangan bayaran, pero kailangan kita bukas ng umaga kaya kailangan na natin bumalik ng manila."
"Kailangan niyo po ako?"
"Ikaw na ang secretary ko di ba. May meeting ako with the investors you need to be there."
"Ahh okay sir, copy that."

Parang ayoko na matapos tong gabi, katabi ko siya habang nag-dadrive, ang seryoso ng mukha niya, parang ang lalim ng iniisip.
"Anong type of music ang pinapakinggan mo?"
(Parang sa moment na ganito masarap pakinggan ang mga kanta ni ed sheeran)
"Sige mag-radyo na lang tayo. Madalas ka bang ganyan?"
"Ha?"
"Bigla ka na lang minsan hindi makasagot."
"Hahaha yun po ba? Mahilig po kasi akong mag-isip... Ng mga bagay bagay."
"Tulad ng?"
"Wala po sir."
Gusto kong mag-tanong sa kanya, tungkol sa parents niya pero hindi pa nga siguro ito yung perfect timing. Hindi na siya nag-salita at ganon din ako naging tahimik ang buong biyahe namin pero buti na lang may radyo kahit paano. Nakarating na nga kami saamin at hinatid niya naman ako hanggang sa gate namin.
"Goodnight ms domingo and see you tomorrow."
"Bratty na lang po sir, thank you po."
At bumalik na siya sa kotse niya...
"Sir! Goodnight din po."
Ngumiti siya sakin at doon na natapos ang gabi.

Maaga akong dumating sa office dahil kailangan daw ako ni sir nick. Kaya i was expecting na dito sa office ang meeting at bigla akong tinawag ni ms dindy...
"Sir nick wants you to be in his condo at 9am."
"Pero ang sabi niya po may meeting kaming pupuntahan."
"Ang sabi niya lang kailangan na agad kitang papuntahin sa unit niya. Ito yung address ng unit niya."
Ano nanaman kaya ang pinaplano ng lalaking yun! Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod.
*ding....dong....*
"Goooooodmorning po sir nickaa!! May dala po akong breakfast niyo."
"Sir what?!"
"Sir nicka po hindi ho ba nicka-elo ang pangalan niyo."
"I prefer nick! Call me nick."
(Okay sir nicka...) "uhm sir nick san po ba yung meeting?"
"Oh, sorry i forgot to tell you, nag change ng venue mas gusto ng investors na sa tagaytay ulit yung meeting."
"Ah ganun po ba.. Sayang po pala sana nag-stay na lang ako sa tagaytay."
"Ms domingo kailangan natin yung mga investors kaya kailangan din natin silang pakisamahan. By the way salamat dito kainin na lang natin to sa kotse, we need to go."
Naging mabilis ang biyahe namin at nakarating naman kaming on time sa tagaytay. Nakipag-meet sa investors at nag-lunch. Hanga talaga ako kay sir nick pagdating sa trabaho, sobrang dedicated at masipag siya, kaya siguro ganun na lang ang naging impression niya sakin sa unang pagkikita namin. Sympre hindi ko naman hahayaan na ganun padin yon hanggang ngayon. Nakipag shake hands na si sir at ganon din ako at sa wakas natapos na ang meeting makakabalik na kami sa manila.
"Thank you ms domingo."
"Thank you ho saan?"
"For helping me with the investors."
"Nako sir, e kayo nga ho ang nakipag-usap."
"May kailangan pa akong asikasuhin dito, bukas na lang tayo bumalik ng manila."
"Ganon po ba sir? Kahit po ako na lang mag-isa pabalik kayang kaya ko naman po."
"No, i need you here." (He needs me here.... Kailangan ako ni sir nick..)
"Tara..."
"Saan?"
"You'll see.."

My Funny Sexy AgentWhere stories live. Discover now