Chapter 2

43 2 0
                                    

"Bratty wait...."
Ano to.. Isang palabas? Anong klaseng palabas? Romance? Comedy? Horror? O reality show?

"Bratttttty....braaaatttty"

"Brattinella....!!!!"
"Bratty ano bang nangyayari? Sabihin mo sakin please?"
"Draaaake... Hindi ko alam pero bat ang sakit ng nararamdaman ko, ayoko paniwalaan yung mga naririnig ko sa ibang tao tungkol sa relasyon namin ni bogs dahil mas pinili kong maniwala kay bogs. Na kahit ganito ako mahal niya ko, pinilit ko siyang intindihin nung una kung bakit ang dami dami niyang tinatago sakin pero ngayon ko lang naintindihan ang tanga tanga ko drake. Ako, ako dapat ang pupuntang singapore pero niloko niya ko ginamit niya lang ako drake. Ang sama sama niya....."
"Ang kapal naman ng muka ng lalaking yon!!! hindi pwede to bratty kailangan malaman to ng management."
"Hindi na drake! Ayoko drake.. Tapos ano pagtatawanan lang nila ako, pagtsi-tsismisan. "
"Hindi ako papayag ng ganun ganun na lang, sasapakin ko yung kumag na yon hindi porket babae ako di ko kayang gawin yun."
"Hayaan mo na drake aalis na rin naman siya, mabuti na ngang umalis na siya agad agad. Ayoko na siyang makita. "

At ilang araw ang dumaan nabalitaan kong naka-alis na nga si bogs papuntang singapore. Oo, walang usap usap o goodbye kiss man lang. Pero gets ko na yon, yun na ang ending ng love story ko. At kumalat na nga ang tsismis sa office ayoko ng pumasok.....
Naglakad na lang ako ng naglakad at di ko na namalayan ang oras. Gabi na pala ayokong makita ako nila papi ng ganito, umupo at nagpahinga muna ako sa park malapit saamin. Napagod pala ako.... Natulala na lang ako at biglang bumuhos ang luha sa mata ko. Sana.. Sana parang katulad na lang sa mga koreanovela na biglang maiisipan ng lalaking bumalik dahil na-realize niya na mahal niya yung babae at yung tipong bigla bigla na lang nasa tabi mo na. At matapos ang ilang minuto may kamay na nag-abot ng panyo sa harapan ko. (Bogs... Bumalik si bogs hihingi siya ng tawad sakin magmamakaawa siya at sasabihin niyang mahal niya ko at masaya siya pag kasama ako tapos patatawarin ko siya at magsisimula ulit kami) at pag lingon ko...
"Mang jorge???"
"Anong ginagawa mo dito ms. Bratty? Gabi na. May problema ba?"
(Ay... Si mang jorge lang pala)
"wala ho mang jorge sa trabaho lang ho. "
"Nakooo.. Alam ko na yang mga ganyan, dahil ba yan sa binatang naghahatid sayo? Madalas ko kayong makita non pag pauwi na ko."
"Ayy hindi ho mang jorge. Wala ho.. Sige ho mauna na ho ako. "
"O siya sige at gabi na."

Pinuntahan ako ni mami sa kwarto habang nanonood ng koreanovela.
"Ginabi ka ata ngayon nak."
"Nakipag meet po sa isang client. "
"Ang daming junk foods naman nito nak, may problema ba?"
Minsan kahit hindi naman natin sinasabi nalalaman na lang ng mga magulang natin kung may problema o tinatago tayo. At eto na nga ang ayokong mangyari na makita nilang nasasaktan ako dahil alam ko doble pa sa sakit na nararamdaman ko ang mararamdaman nila. Iba ang comfort ng mga magulang natin at subukan ko mang pigilan napaluha na lang ako.
"Bakit ganon mi? Bakit kailangan pang masaktan? Bakit may mga taong kaya manakit ng kapwa? kaya nilang lokohin yung tao. bakit kailangan pang makilala ang isang tao kung siya lang din yung magiging dahilan para masaktan ka? Bakit kung kailan akala ko may totoong tao na na tatanggap sakin isang malaking kalokohan lang pala? Bakit ang sakit mi? Bakit.... "
"Hindi lahat ng palay maganda ang ani, yung iba kailangan dumaan sa hagupit ng bagyo, matabunan ng putik, mabilad sa init ng araw hanggang sa hindi na ito mapapakinabangan pero tandaan mo na lahat ng bagyo, putik at init ng araw ay hindi permanente at sa pagdating ng magandang panahon panibagong palay ang itatanim at kailangang mag-antay para sa magandang ani."
"Parang ganito lang yan anak, isipin mo na lang na ang diyos ang magsasaka, tayo ang palay at ang bagyo, putik at araw ang iba't- ibang klaseng pagsubok sa buhay natin. Magiging handa lang ang palay sa tamang panahon dahil hindi aanihin ng magsasaka ang palay pag alam niyang hindi pa ito ang panahon ng ani."
"At lagi mong tatandaan anak, na may mga taong darating sa buhay mo para maging lesson o di kaya maging isang blessing."
Ito ang pinaka-masarap na feeling, sa piling ni nanay.

My Funny Sexy AgentOnde histórias criam vida. Descubra agora