Chapter 7

9 0 0
                                    

Oo tanggap ko ang pagkakamali ko deserve ko kung ano ang mga sasabihin sakin, pero bakit ang sakit pag galing kay nick. Nung una pa lang kasi pinaalalahanan na kita brattinella na hindi pwedeng mahulog ang loob mo sa boss mo. Kaya ayan, ngayon nasasaktan ka.
Naging mailap ang mga tao saakin sa office. Expect ko na yon, pero ano to parang naulit na to. Haay.. Tulad din ba ng dati aalis ako at ipapakita sakanila na panalo sila at talo ako. Kinausap ako ng head namin na si sir billy, inintindi niya ako at naunawaan..
"Alam ko ang hirap mo sa event na yon, at alam ko ring hindi mo magagawa yon."
"Salamat sir billy, kayo na lang po siguro ang naniniwala saakin."
"At alam nating lalabas din ang katotohanan. Mas gawin mo ang lahat ng makakaya mo para ipakita sa lahat na magaling ka! Naniniwala ako sa kakayanan mo ms domingo. Gusto ko ding ipaalam sayo na karamay mo ako dito." (Eto nanaman ang luha sa mga mata ko parang may karera at nag-uunahan pa sila)
Bakit hindi ko yon narinig kay nick, kahit sana magkunwari na lang siya na naniniwala siya sakin mas gagaan na yung pakiramdam ko non.
At wala na nga akong narinig kay nick simula non. Ako ang nagkamali ako dapat ang lumapit at makipag-usap kay nick.
Sinubukan kong pumunta sa office niya.
"Huwag muna ngayon bratty. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon, hayaan na muna natin siyang makapag-isip. Naniniwala ako sayo bratty alam ko ang dedikasyon mo sa trabaho at alam kong hindi mo magagawa sa sky yun."
"Salamat po ms dindy, pero hindi ko maintindihan sino po ang gagawa ng ganung bagay sakin."
"Yun na lang muna siguro ang dapat nating gawin, marami dyan na hindi natin alam ang totoong motibo sa kompanya. Pero wag kang mag-alala sasabihin ko parin na dumaan ka."
"Sige ho ms dindy kayo na pong bahala kay sir nick."

Dahil sa sinabi ni ms dindy mas nanaig ang kagustuhan kong malaman kung sino ang may kagagawan nito kaysa umalis at iwan ang sky. Nagmasid masid ako sa office at nagpaka-spy ng konti. Wala.. Hindi bagay sakin..
Pinuntahan ko na lang sa office si sir billy para sabihin na gusto kong malaman at imbestigahan kung sino ang traydor sa kompanya pero wala siya don. Hinanap ko siya sa buong building at nang makita ko siya malapit sa parking lalapitan ko na sana siya pero may kausap siya at..
"Anong ginagawa mo! Huwag kang maingay baka may makarinig sayo. Hindi ba sabi ko wag natin dito yan pag-usapan! Magkita tayo mamaya."
Hindi man ganon ka-klaro ang mga narinig ko pero ang alam ko lang na hindi pala dapat si sir billy ang pagkatiwalaan ko. Nagtago agad ako habang hindi pa nila ako nakikita at paglingon ko...
"Sir nick!" (Agad niyang tinakpan ang bibig ko)
"Sssshhhh.. Wag ka maingay."
Tinignan namin kung nakita o narinig ba kami nila sir billy. Okay wala na sila. Tinanggal na ni nick ang mabango at malambot niyang kamay sa bibig ko.
"Kanina pa po ba kayo dyan sir nick?"
"Galing akong parking nakita kita kaya sinundan kita."
"Sir nick gusto kasi kitang makausap, please pakinggan mo naman ako."
"Narinig ko lahat ng sinabi ni billy, naintindihan ko na ngayon. Patawarin mo ako bratty sa lahat ng nasabi ko, hindi muna kita pinakinggan. O hindi man lang inintindi, mas nanaig yung galit ko bratty. Sana naintindihan mo ko pinaghirapan to ng mga magulang ko at ito na lang ang meron ako na alam kong magiging proud sila saakin."
"Naintindihan ko sir nick, pero aaminin ko nasaktan ako sa mga sinabi mo. Hindi ko alam dahil ba totoo lahat ng yon o dahil sayo galing na kaibigan ko."
Masyadong mabilis ang mga nangyari at hindi ko na napansin na akap-akap na ako ni nick.
"Im sorry bratty.. Im really sorry for hurting you. And i promise na gagawin ko lahat para mapa-alis ang taong gumawa sayo nito. Papa-imbestigahan ko si billy."

My Funny Sexy AgentWhere stories live. Discover now