Chapter 1

85 1 0
                                    

"Goodmorning bratty! ang ganda ko talaga at ang sexy sa salamin nato! Hmmp..."
"Anak, halika na at kakain na bumaba ka na."
"Opo mi"
"goodmorning ate"
"goodmorning klarence, hmmm ang bango bango naman niyan papi siguradong masarap yan o klarence kumain ka ng marami ayokong magpapa-api ka sa school ah isumbong mo agad kay ate pag meron lagot sila sakin. Naku mami, papi okay na po ito mauna na po ako at baka malate ho ako."
"O sige mag-iingat ka brattinella." "Goodmorning ho mang jorge."
"O, magandang umaga Ms. bratty. Papasok ka na ba? Halika at ihahatid na kita."
"Salamat ho mang jorge buti pa ho kayo e hindi mapili sa pasahero, di bale ho dadagdagan ko na lang ang bayad sa metro niyo."
"Nako e hindi na."
Ako nga pala si Bratty short for Brattinella Domingo, 25 years old, real estate agent, single and happy. Maraming nagsasabi na forever single na raw ako. Okay lang kung yun ang tadhana ko but i believe may someone na hinanda sakin si lord sa tamang panahon. *daydreaming* "Ms. Bratty andito na po tayo."
At nakalimutan ko weighs 168 pounds.
"Okay mang jorge eto ho ang bayad at tip salamat ho."
Hindi ko naman talaga gusto maging real estate agent ang pangarap ko maging......
"Uy bratty hinahanap ka ni bogs uyyyy."
"Goodmorning bratty andyan ka na pala, flowers for you." (Oh my bogs! Ikaw na ba ang pinadala para makasama ko habang buhay) "bratty??"
"Ah.. Thank you dito bogs, anong meron?"
"Gusto ko lang magpasalamat sa tulong mo sa presentation ko. Kung hindi dahil sayo hindi magugustuhan ni boss yung gawa ko."
"Ahh yun ba nako bogs wala yun workmates and friends naman tayo db? Its okay."
"Pwede din ba kita sabayan mag-lunch?"
"Ahh oo naman sige mamaya."
"Sigee brat...ty"
"uy friend! ikaw na talaga ang haba ng hair mo ah kaloka ka."
"Ano ka ba drake hindi mo ba narinig gusto lang magpasalamat nung tao tska friends nga db."
"Nako ah, e dyan nga nag-uumpisa lahat sa friends friends."
"Well he's nice naman and cute"
"sinasabi ko na kinikilig ka din naman pala dyan." (Oo naman sino bang babae ang hindi kikiligin sa flowers tska ang gwapo niya kaya mukha pang matino at desente 😃)
At nasundan pa ang lunch out namin ni bogs hanggang sa...
"brat..ty gusto mo bang manood ng sine? (teka ano raw? Sine? 2 lang tayo? Kailan? Saan? Anong panonoorin?)
"ah kung ayaw mo okay lang ako na lang mag-isa"
"ah ano ka ba sympre okay lang sine lang pala."
"TALAGA? Thank you bratty." (hindi ko alam kung bat ako pumayag pero sine lang naman at wala naman sigurong masama dahil friends naman kami pero part of me tuwang tuwa dahil first time akong niyaya ng guy sa edad kong to o dahil gusto ko na nga talaga siya) at hinatid na rin niya ako sa bahay namin.
At dumating na nga ang pinakahihintay ko ganito pala ang pakiramdam pag yung crush mo na ang katabi mo sa sinehan hindi ako makagalaw kahit sobrang gusto ko na kumuha ng popcorn o dahil nasisikipan lang ako sa inuupuan ko (nakakahiya baka ganun nga ang iniisip niya medyo nasa gitna na yun palabas pero hindi ko pa nababawasan yun popcorn ko)
"okay ka lang ba bratty?" (Hinawakan niya yung kamay koooo... teka lalo na akong hindi makagalaw)
"ahh oo medyo masikip lang." (Haay ang gwapo padin niya kahit sa dilim *kilig* ang swerte ko naman po Lord Sana hindi na matapos ang gabi... anyways sayang man yung binayad niya dahil hindi ko naman talaga naintindihan yung pinanood namin sulit padin dahil kasama ko siya ngayon 😃ayoko masyadong kiligin dahil hindi ko pa naman alam ang magiging ending namin pero hindi talaga mapigilang hindi)
"nagustuhan mo ba yun movie?"
"Ahh oo sana nga may part 2."

"Thank you ulit bogs nag-enjoy ako, teka gusto mo bang pumasok?"
"Hindi na siguro bratty maaga pa tayo bukas, magpahinga ka na and good........night." (Omg!!! He just kissed me sa pisngi totoo ba to at pakiramdam ko nag- freeze yung buong katawan ko)
"Oh bratty, napapadalas na yata ang paghatid sayo ng taong yun."
"Papi naman katrabaho ko lang po yun."
"Nako brattinella ibang klase na mga lalaki ngayon pinaaalahanan lang kita, ayokong masasaktan ang prinsesa ko."
"Alam ko ho un pa, malaki na ho ang prinsesa kailangan na maghanap ng prinsipe."
"Sobrang laki na nga eh."
"Mami naman kahit malalaki tayong lahat sa pamilya magaganda naman ang lahi natin ang ganda nga ng bunga niyo ni papi eh."
"Hahahahaha"
"hahahahaha"

My Funny Sexy AgentWhere stories live. Discover now