Chapter 6

9 0 0
                                    

It's official hindi na ako ang secretary ni nick, oo malungkot ako dun pero mas maganda na nga siguro to para kahit pano mawala siya sa isip ko at mag-focus sa dapat kong ginagawa kundi ang magtrabaho ng maayos para kayla mami, papi at klarence. Binigay na sakin ang bago kong department at pinakilala na rin sa head ng department namin si sir billy. Okay naman silang lahat, friendly at mukang masaya din kasama. Siyempre first day kaya medyo busy ang peg ko. Mabilis naman akong nakapag-adjust dahil hindi na rin naman bago ang mga gawain dito para saakin, hanggang sa naging komportable na ko sa department ko.

At isang umaga sa office...
"Bratty para sayo daw."
"Ha? E kanino raw galing?"
"Tignan mo may note."

"Goodmorning! Smile."
Ang sabi sa note.. Wala naman nakalagay kung kanino galing. At sa mga sumunod pang araw may bulaklak nanaman akong natanggap at everyday iba-iba din ang note na nakasulat. Like "have a good day" "you're beautiful".Na-curious na talaga ako kung sino ang nagpapadala pero dahil wala namang nakakaalam at kung meron man mukha namang hindi niya rin sasabihin saakin kaya hinayaan ko na lang na padalhan ako ng bulaklak ng taong yon, okay nga eh feeling ko ang haba ng hair ko.
Ilang buwan na rin ang lumipas at si kuya consistent padin sa pagpapadala ng bulaklak, isang piraso lang naman pero parang makakapagpatayo na ako nito ng flower shop. Haha o.a lang...

Marami-rami na rin ang mga naipon kong contacts ( clients ) from my past list at yun iba e active pa naman.. Tulad nila mr and mrs. Santos na talaga namang best clients ko. This month na ang opening ng bagong condo ng sky lands at kailangan ko ng kumilos at kumita ulit. Sobrang dami kong ginagawa sa office hindi ko nanaman namalayan ang oras... "Ahh anong oras na rin pala makauwi na nga.."

Wala na rin akong kasabay mag-antay ng elevator at.... *ting....* pagbukas....
"Sir nick."
"Ms domingo!" ( biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. Lubb dubb lubb dubb..)
"Kamusta na ms domingo?"
"O....kay naman sir." ( teka bakit ako nauutal )
"So do you like the flowers?"
"What flowers?" (Wait!! OMG!!! Wag mo sabihing sayo galing yung mga bulaklak)
"The flowers everyday?"
"The flowers everyday.. Yah! So it's you?"
"Yes.."
"But why sir?"
"I just want you to feel comfortable sa bagong department mo. So how was it?"
"Thanks sir pero sa tingin ko po hindi niyo na kailangan gawin yon. Okay naman sila and lalo na si sir billy."
"But i want to bratty.."
"Ganyan ka ba talaga sir nick sa mga empleyado mo?"
"Hindi lang naman kita empleyado bratty..." (Ano... Ano nick?)
"Naging kaibigan nadin kita at gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pinakita mo sakin." (Kaibigan bratty! Narinig mo ba yon! )
"Kaibigan?"
"Bakit may problema ba?"
"Wala sir sabi ko nga magkaibigan na tayo."

Pinatawag ako ni sir nick sa office niya kinabukasan. Ako daw ang gusto niyang mag-organize ng opening ng condo niya, well hindi naman mahirap yon pero para sa baguhan sa department namin parang unfair naman yon sa iba. Pero dahil siya ang boss sinunod ko siya. Doble ng effort ko ang binigay ko para mapaganda ang opening namin at lahat naging maayos na bago pa dumating ang araw ng opening.
"Are you ready for tomorrow? Is everything okay?"
"Yes sir! Simula sa invitation, venue, food and guest. We're ready!"
"Thats my girl!" (Medyo kilig)
"Thank you sir pinagkatiwala niyo sakin to."
"Because i know you can!"
At ramdam ko ang koneksyon naming dalawa ng gabing yon.

Hindi ko bibiguin si nick kaya maaga pa lang nasa venue na ako para i-check kung may kulang o may dapat pang gawin.
At unti-unti ng dumating ang mga heads ng department at pati staff, even sir nick and mr. Santiago were here. At mga investors, boards and guest na lang ang hinihintay.
"Are you okay?"
"Medyo kinakabahan lang sir nick."
"Congratulations ms domingo! I heard ikaw ang responsible sa lahat ng to. Well done." ( coming from mr santiago. Its just WOW)
"Thanks sir."

Makalipas ang ilang minuto...
"Sir billy! Sir billy"
"Anong problema?"
"May tumawag at nagagalit na yung mga investors."
"Bakit daw? E wala pa nga sila dito."
"Hindi sir nasa ibang venue sila nagagalit sila dahil wala naman daw nakareserve na event ang sky lands doon."
"Ano?!!"

"Ms domingo! Whats going on?? Tumawag ang isa sa board member at galit na galit ang mga investors natin at ilang board member. Bakit wala sila dito sa venue?!!"
"Siiir...." ( teka hindi ko alam, anong nangyayari.. Bakit biglang ganito...)
"Wait uncle.. Nasan daw sila?"
"Iba daw ang venue na nasa invitation nila! Ano na lang iisipin ng mga investors natin nick! Ayusin mo to nick!!"
"Anong nangyari bratty?! Akala ko okay na lahat? Hindi ko dapat hinayaan sayo tong project na to. Nagkamali ako bratty!"
"I'm ssssorry..."
Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.. Ano to? Hindi dapat ganito.. Bakit ganito ang nangyari, at ang mas masakit pa don ang mga salitang binitawan ni nick.

My Funny Sexy AgentWhere stories live. Discover now