"Okay na nga." pairitado kong anas. "Bakit ba ng bait mo sa akin ngayon ha? Hindi ka naman ganiyan ah? Usually, sesermunan mo ako o hindi kaya ay sasamaan ng tingin." because that is what he is when it comes to me. Bakit biglang ganito? Ayokong isipin na may gusto siya sa akin. Nakakapagod talaga maging assuming.

"I'm a student council, trabaho kong siguraduhin na nasa maayos ang mga kapwa ko estudyante rito." aniya na siyang ikinadismaya ko.

Kaya nga pala siya naroon kanina sa canteen dahil balak niyang awatin ang pag-aaway at hindi iyon dahil sa nag-aalala siya sa akin.

Nagkibit-balikat ako at sumunod sa kaniya sa clinic. May isang nurse na naka-duty roon. Akala ko aalis na si Jacques at hinatid lang ako sa clinic, but then he stayed and take over the job.

"A-ako na lang niyan, umalis ka na baka may klase ka pa." naiilang kong anas habang marahan niyang dinadampian ng bulak na may betadine ang mga galos ko. "Ako na lang kasi."

"Masakit ba?" hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mas lalo akong nailang. Hindi talaga ako sanay na ganito siya kabait at malumanay sa akin.

"H-hindi na nga." pairitadong anas ko. Pinagpatuloy niya ang ginagawa kahit puro reklamo ako. Natapos na niyang lagyan ang nasa dalawang braso ko. Hindi kalaunan ay nag-angat siya ng tingin sa akin hanggang sa bumaba iyon sa leeg ko.

I gulped several times because of fear.

"Nakikipag-away ka hindi ka naman pala marunong." aniya sa nang-iinis na paraan. His serious eyes remained staring on my neck.

"Hindi mo ba ako irereport sa disciplinary office?"

Napalunok ako nang dumampi ang mainit niyang balat sa akin. He's seriously treating the scratches on my neck. Hindi ko alam na meron din pala roon, ang alam ko lang ay mahapdi.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang atensyon sa leeg ko. He's slowing doing his work. Mabagal at dahan-dahan. Kita ko rin ang pagpasada ng tingin niya sa collarbone ko hanggang sa may itaas ng aking dibdib.

Mabilis akong napatayo nang hindi ko na makayanan.

"O-okay na, papasok na ako." saad ko saka dali-daling lumabas ng clinic ng hindi siya nililingon. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makabalik ako sa department namin. Late na ako, pero imbes na pumasok ay nanatili ako sa labas ng classroom at nakasandal sa pader habang sapo ang dibdib ko.

"Lokong Guevarra 'yon ah, masyadong pa-fall. Mabuti na lang talaga at hindi ko na siya crush." crush na crush na lang.

Kaya nang nga sumunod na araw, ginawa ko ang lahat para iwasan si Jacques. Kapag hindi naman kayang iwasan, pinipilit ko na lang na huwag siyang pansinin at tingnan. Hindi naman nakakahalata ang mga kaibigan namin lalo na at alam nila na hindi pa rin namin magawang magkasundo ni Jacques.

Affected pa rin talaga ako noong dinala niya ako sa clinic. I found his moves too special kahit alam kong walang meaning. Ganito kasi talaga ako, konting pakita lang ng kabutihan at pag-aalala, nahuhulog na kaagad.

Kaya nga iniiwasan ko na. Besides, he told us that he already have a girlfriend. Hindi ko alam kung totoo dahil hindi ko naman kilala at hindi pa niya ipinapakilala sa amin. It's just that... habang maaga pa, kailangan ko ng pigilan itong damdamin na namumuo para sa kaniya. As what I've said, he's off limits. Meron parte sa utak ko na nagsasabing patulan ko na lahat, huwag lang siya.

"Madelaine, may naghahanap sa'yo sa labas." pag-agaw sa atensyon ko ni Samara, isa sa mga kaklase ko.

Kaagad akong bumaling sa may pintuan at saka tumayo.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Where stories live. Discover now