Sa tagong lugar ba naman na 'to sinong tao ang makakakita ng mga gawa niya, at isa pa hindi sikat ang pangalan niya sa larangan ng pagdi-disenyo kaya ang mga customers niya ay commoner o 'di kaya nasa middle class.



"Let's talk about business now, Ms. Chiara." Diretso kong sabi bago umupo sa maliit na sofa na nasa kwarto na 'to. 



Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya at umupo na rin sa kaharap kong upuan. So this is the start huh? Napangisi na lang ako bago ibigay sa kaniya ang black folder na kanina ko pa hawak-hawak.





"Look at this and sign it if you agree."  nakangiti kong sabi.






Mukhang nagulat pa siya sa kinikilos ko dahil ang mga business man dito sa mundong 'to ay marami pang proseso na ginagawa o pinagsasabi bago ang pirmahan ng kontrata. Well ibahin nila ako dahil wala akong oras makipag-chikahan pa sa kanila. 



Kung agree ka sa proposal ko pumirma ka, kung ayaw mo naman ay ako mismo ang magpapapirma sa'yo at wala kang magagawa kung hindi ang sumunod. Kung ayaw mong madaan sa mabuting usapan, dadaanin kita sa nakamamatay na paraan. That's my law and I am the law!





Nang mabasa niya ang proposal ko ay nanlalaki ang mata niyang tumingin sa'kin. Hindi siguro siya makapaniwala sa mga nakalagay sa kontrata. Hahaha! Her reaction is satisfying!




"T–this? A–are you sure about this, m–my lady?" hindi nito makapaniwalang tanong sa'kin. 



Nakita ko ang pagtingin ni Pira sa gawi ko na parang nagtatanong kung ano ang nasa kontrata. Well nakalagay lang naman doon ang mga plano na magpapabago ng buhay ni Chiara.





"I'm sure about it. Are you satisfied with my proposal? If yes, sign it immediately." nakangiti kong sabi sa kaniya.





  "I–I am, but I–I want to change something..." nahihiya nitong sabi.




  "What is it?"




  "T–the profit ratio... Ahmm----"




"Is it too small?" nakataas kilay kong tanong. "N–no! I–I think it's too much f–for me. I–I want it to be 7:3 instead of 6:4." Napangisi ako sa narinig.





Tignan mo nga naman at nasa akin pa rin ang huling halakhak. Hahaha! Actually, ini-expect ko na nasasabihin 'yan ni Chiara kaya hindi ako nagdalawang-isip na gawing 60 and 40 ang hatian namin. 



Ginawa ko lang naman 'yon para ipakita sa kaniya na mapagkakatiwalaan niya ako. Tsk! Kung alam niya lang na kasama siya sa plano ko... Too bad! Napailing na lang ako sa kasamaang naiisip.



"Alright... Ipapahatid ko na lang kay Pira ang bagong kontrata bukas." nakangiti kong sabi.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now