Chapter 28

127 8 0
                                    

"What the fuck is wrong with you two?! You were with her yet this happened? I sent you all to be her back up!" Sigaw ng pamilyar na boses.
        
       
        
Hindi ko alam kung nasaan ako sapagkat hindi ko maimulat ang mga mata ko. Parang nawalan ako ng lakas sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
        
       
        
Ang nararamdaman ko lang ay nakahiga ako sa malambot ngunit malamig na upuan. Gumagalaw din ito. Siguro ay nasa kotse ako.
        
       
        
"My family.." Walang boses kong saad. My throat was dry and I'm catching my breath.
        
       
        
"Dad.."
        
       
        
"It's okay Marga, your mom and dad's in the hospital now, they're gonna be fine. We're gonna take you there too." Saad nang isang boses sa tabi ko. Kaboses ni Hagar.
        
       
        
"N, si Galle.. si Galle, take care of her while I'm in p-pain." Kada segundo ay parang humihinto ang paghinga ko.
        
       
        
"You're gonna be alright."
        
       
        
Nagising ako sa isang puting kwarto. Walang ingay ang loob ng kwarto kung nasaan ako. Nasa hospital ako, at ako lang mag-isa.
        
       
        
Akmang babangon ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay ang nakapatong sa kaliwang kamay ko. When my eyes settled to that direction, I saw a familiar figure.
        
       
        
He was asleep.
        
       
        
"Please, God.. I'm-I'm begging you, make her.. okay. I wanna be with her, please take ger pain away... I-I beg you.." He's praying in his dreams? Inabot ko ang buhok niya. I caressed his hair. A small smile plastered on my face.
        
       
        
Biglang umangat ang kaniyang ulo. Kinusot niya ang mga mata niya nang makita niya akong nakatitig sakaniya, nagulat.
        
       
        
"Oh God! Thank you! Thank you.. I love you so much baby.. I love you so much." Pinupog niya ako ng halik habang sinasabi niya 'yon. I chuckled, nakikiliti.
        
       
        
"Mahal din kita, Caios." Nakangiti kong sabi.
        
       
        
He looked at me deep on the eyes. He bit his lower lip while looking down until his eyes reached my lips.
        
       
        
"Don't you dare, wala pa akong toothbrush."Saad ko at pinigilan ang mukha niya gamit ang palad ko nang lumapit ito ng kaunti.
        
       
        
"Damn, I can't wait to taste those seductive lips." He said, gasping. Nasabunutan niya ang buhok niya, nagpipigil.
        
       
        
He composed himself, he stood up, and went outside to call the doctor. Nang makapasok na sila ay agad akong ch-in-eck up ng doctor. Okay na daw ako.
        
       
        
I was here for almost 1 week. Tumama raw kasi ang bala na nasa braso ko papunta sa buto ko. The good thing is, hindi malalim. Kaya pala ang hirap igalaw kanina.
        
       
        
Marami pang pinag-usapan ang doktor at si Caios ngunit hindi na ako nakinig pa. Ginutom ako bigla at parang gusto kong kumain ng maanghang na medyo maalat. Nakahiga parin ako sa hospital bed at walang ginagawa. Medyo tinatamad na ako. Gusto ko nang makita ang anak ko.
        
       
        
Oo nga pala. Wala pang alam si Caios dito. Nang tignan ko ang gawi nila, nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero iniwas ko bigla ang paningin ko.
        
       
        
"Thank you doc." Caios uttered.
        
       
        
The doctor left after nodding to Caios. Si Caios naman ay pumunta sa tabi ko, umupo siya sa isang silya at kinuha ang kaliwang kamay ko.
        
       
        
Dinala niya ang kamay ko malapit sa mukha niya. He closed his eyes, and kissed the back of my hand. Namiss ko si Caios. Ngayong alam ko na ang lahat, unti-unti nang nawawala ang galit na itinanim ko sa puso ko. Masyado akong nagpadalos-dalos at hindi pinakinggan ang side niya. Nakinig lang ako sa sarili kong opinyon.
        
       
        
"Baby.. I hope this is the last."
        
       
        
Kumunot ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin? "What?"
        
       
        
"I hope this is the last. I don't wanna see you get hurt. Ayokong bigla-biglang may tatawag sa phone ko at sasabihing nasa ospital ka at kritikal. I was damn nervous. Isang taon kang nawala saakin Marga. Isang taon ngunit para saakin ilang taon akong nawalan. At ayokong mangyari ulit 'yon, what if—"
        
       
        
"I die?" Bigla siyang naging balisa.
        
       
        
He held my chin and made me look at him. "No baby.." His jaw clenched, "Damn, yes! Ayokong mawala ka sa'kin at iwan mo ako habang buhay. That one year is enough to lose my mind. Ayoko nang tuluyang mabaliw sa pagkawala mo. Please, stay with me."
        
       
        
"Caios.."
        
       
        
"Baby.. sabihin mo sa'kin na mananatili ka. I want you to stop running away from me. Kung kailangang anakan kita, aanakan kita kaagad. Pakakasalan kita. Itatali kita saakin."
        
       
        
Biglang tumibok ang puso ko nang malakas. Tama ba ang narinig ko? Pakakasalan niya ako? Teka, tama ba talaga?! "W-What are you talking about?"
        
       
        
Biglang kumalabog ang pintuan kaya doon napako ang tingin ko. Biglang pumasok sa loob ng kwarto ang mga kaibigan ko dala ang kulay pulang mga balloon at may dalang.. confetti?
        
       
        
Kumunot ang noo ko. "What's all this?" Nilingon ko si Caios.
        
       
        
My jaw dropped, frozen in shock. Nakaluhod si Caios habang nakatingin saakin, seryoso ang mukha. He took something from his pocket.
        
       
        
"Go, Caios! Ipaglaban mo!!" Sigaw ni Z na ikinangiwi ko.
        
       
        
He took a deep breath, kinakabahan. "Marga Michelle Muñoz-Daserio, marry me."
        
       
        
Tumaas ang kilay ko, "Nasaan ang 'will you?' Bakit walang 'will you?'"
        
       
        
He smirked, "So I could keep you. I don't take no as an answer, baby. Pakakasalan mo ako o pakakasalan kita. There, choose wisely."
        
       
        
"Tumayo kana nga lang diyan, oo nga. Sino ba namang tatanggi sa isang Caios Daserio?" Saad ko at inirapan siya.
        
       
        
Ang hawak niyang sing-sing ay sinuot niya sa daliri ko. He kissed my hand after that. Nagsigawan ang mga taong nasa pinto at nagpasabog ng confetti. Hindi ko na sila narinig pa nang magsalita si Caios.
        
       
        
"Minsan mo na akong tinanggihan Marga. I won't do the thing I did to make you push me away or run away from me. Kung tatakbo ka man ulit.. then I'll make sure you can't run away because I'll make you sore."
        
       
        
"Damn you, Ciaos." Saad ko at hinila siya para sa isang halik, ngunit agad din akong tumigil nang sumagi sa isip kong. Wala pa akong toothbrush.
        
       
        
The next day, nandito parin ako sa hospital. Caios was here for me the whole time. Kaya naman pinauwi ko nalang siya, pinilit ko na umuwi siya para makapagpahinga. Kaya ko naman ang sarili ko.
        
       
        
"Okay, okay. Uuwi na ako, no need to push me like that." He chuckled after.
        
       
        
Inirapan ko siya at agad kong kinuha ang kaliwang kamay niya. "'Wag kang magalit saakin Caios."
        
       
        
His forehead creased, "What are you talking about? Bakit naman ako magagalit sa'yo?" He then plastered a smile before leaning in to kiss my forehead.
        
       
        
"Uuwi na ako, magpahinga ka diyan at 'wag mag-isip ng kung ano-ano. I'll call Hagar to be with you. I love you."
        
       
        
A smile escaped from my lips. I can't stand being cold to him, he deserve my love, all of it.
    
     
      
Hinatid siya nang mga mata ko nang lumabas na siya sa pinto. Ilang minuto ang nagtagal ay bumukas ito at iniluwa si Hagar.
     
      
       
Sumama agad ang mukha ko. "Nasaan ang anak ko?"
      
       
         
"Relax.. she's with Z." She said while looking at me with her famous emotionless expression. Lumapit siya sa sofa di kalayuan saakin st prenteng umupo. Nilagay niya ang kaniyang braso sa likod ng ulo niya at sumandal.
        
       
       
"Are you okay now?" Hindi niya ako tiningnan nang sabihin niya 'yon.
      
     
       
"Who are you talking to?" Tinignan ko ang pader na tinitignan niya. "'Yung pader ba?"
     
          
       
"Stupid." She sighed.
      
       
      
"Ako pala tinatanong mo e ba't hindi mo 'ko tignan sa mga mata?" Pang-aasar ko. Concerned ang boss ko saakin. Nakakakilig 'yon, once in a blue moon lang 'yan mangamusta.
      
    
     
"I won't repeat myself. Edi bahala ka—"
     
     
    
Tinitigan ko siya sa mga mata. Hindi man lang ako binigyang tingin pabalik. "Okay na ako.. salamat N."
    
    
     
"Good to hear that, ayokong nalalagasan ng kakampi." Saad niya nang hindi parin nakatingin. Nahihiya siguro siya. Hindi ko alam.
      
    
    
"N? Kamusta si A-Ate?"Pumiyok ako nang banggitin ko siya.
     
     
      
Doon lang naantig ang atensiyon niya. Tumingin siya saakin at kinunutan ako ng noo. May mali ba sa sinabi ko? Umupo ako mula sa pagkakahiga.
     
     
       
"I let them brought her to a mental institution."
      
        
       
"H-Ha? What do you mean?" I asked her. Naguguluhan ako. Pero..
       
      
       
"Baliw siya Marga."
      
     
    
No..
        
       
        
Bigla siyang umupo nang maayos. She brought herself up. "I think you need an explanation from her."
      
       
         
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa doon ang mama ko. May benda siya sa ulo at malungkot ang kaniyang mukha.
      
      
        
"I'll leave you two, to give some respect to your privacy."
      
      
       
Hindi ko na siya napansing lumabas dahil nakatutok lang ako sa ina ko.  Dahan-dahan siyang naglalakad hanggang sa makalapit sa upuang nasa tabi ko lang.
      
     
       
I saw a tear escaping from her eyes. Hindi ko alam kung bakit, pero naudyok din akong paiyakin ang sarili ko dahil sa nakikita ko siyang umiiyak. Sumakit ang lalamunan ko at ramdam ko na ang init sa magkabilang pisngi ko.
       
     
        
"Patawarin mo ako anak.. patawarin mo si mommy ha.." Humagulgol siya sa harapan ko habang nakahawak sa magkabilang kamay ko.
      
       
         
"Ma.. wala po k-kayong kasalanan—" Naiiyak ako dahil sa nakikita ko siyang umiiyak. Masakit sa dibdib na makita ang aking ina na umiiyak sa harapan ko. Nakakadurog ng damdamin.
     
      
            
"Mayro'n. Mayro'n anak.. I lied to you, I lied to you two. May sakit ang ate mo Marga." Lumakas ang iyak niya. "May sakit ang ate mo sa utak."
      
      
        
"Patawarin mo ako sa mga ginawa k-ko sa'yo anak. Patawarin mo kami ng dad mo. Dapat ay noon ko pa sinabi sa'yo ito nang tumuntong ka ng sekondarya." She went down on her knees.
      
       
         
Nanlaki ang mata ko sa kaniyang ginawa kaya agad akong umalis sa hospital bed at pumunta sa direksyon niya. "Ma.. tapos na 'yon. Alam ko na ngayon ma."
        
       
        
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahikbi. Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.
      
      
        
"I'm sorry if I wasn't there for you to support you. Masyado akong nakatutok sa pagbabantay sa ate mo dahil may sakit siya at ayokong mawala siya saamin."
      
      
       
Napaluhod ako habang nakatingin ng walang buhay sa kaniya. Tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata. Ito na naman ako sa walang ingay na pag-iyak.
        
       
        
"Ma.. si ate lang ba ang anak niyo? Ma.. takot kayong mawala siya sa inyo? How about me? Natatakot din ba k-kayong mawala ako? Ang dami kong tanong ma. Pwedi n-niyo namang alagaan si ate nang hindi ako sinasaktan e. Ma, hindi lang po si ate ang anak niyo. Ako din ma. It hurts inside ma.. sana may sakit din ako para ayaw niyo rin akong mawala."
        
       
       
"I'm sorry.." Umiiyak siya habang nakatingin sa sahig.
     
      
        
"A-All those years.. si ate lang ba ang nasa isip niyo ma? Ni minsan ba natakot din kayong mawala ako? Ni minsan ba sumagi sa isipan niyo na ito pa ako, na may isa pa kayong anak?" Pumiyok ang boses ko. "Mahal niyo ba ako bilang anak niyo, ma?"
     
      
          
Sumisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pagsakit ng lalamunan ko nang pigilin ko ang sarili kong mapahagulgol.
       
      
        
"Patawarin mo ako anak.." Lumapit siya saakin at niyakap ako nang mahigpit. Humahagulgol siya at nanghihingi ng patawad saakin.
        
        
        
"Mahal ko kayo ma kahit kayo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Wala akong karapatang magalit sa inyo dahil kayo ang mga magulang ko. P-Pero nakakatampo, ma."
      
      
       
Nanikip ang dibdib ko at bigla akong kinapos nang hininga. My eyes widened when I felt like I'm losing my breath.
       
       
       
"I can't breathe.." Nanghihinang saad ko.
      
        
       

LE.DEM.

Caios Daserio (Seduction Series #1)Where stories live. Discover now