18. A Gentleman's Cop-Out

91.2K 3K 87
                                    


Thank you for your interest in this story. This story can also be viewed on Dreame app.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories.

***

A day.

Two days...

Three.

And-

A week.

He never showed. Missed his training, which I thought he no longer needs, and all the events of Cairos Academy.

All this longing... all this wanting to see him kahit na nagsusungit pa siya araw-araw just mean one thing - I miss him.

They say when you are missing someone... they are probably feeling the same, but I don't think it's possible for him to miss me as much as I'm missing him right now. It felt weird. Nakakamiss din pala ang loko kahit na nagsusuplado ito at hindi nagsasalita. Nasaan na kaya siya? Isang linggo na siyang hindi nagpapakita at ni anino


nito sa Cairos Academy ay walang nakapansin.

"Ruuuuu!" Yakap ko si ruru habang nakaupo sa may bench malapit sa forbidden garden along Road of Moondane. Maraming abalang estudyante ang nagkukwentuhan at nag-eensayo. Ruru became almost everyone's pet though may mga keeper's of witch class ang may mga dalang companion o mga alagang animals na bahagi


ng kanilang craft.

Ruru grew quite fast... tinutubuan na ito ng balahibo both fur and feathers. Alam kong hinahanap din nito si Laurent na unang kumarga sa kanya nang ito'y isilang.

"Namiss mo rin siya?" Tanong ko kay ruru habang marahang pinipisil ang tainga nito.

"Ruuuruuu!" Sagot nito. Ramdam ko, kahit na hindi nakakapagsalita ang munting nilalang na alaga ko ay nangungulila din ito kay Laurent.

Nasaan na kaya yun? Ang huli naming pagkikita ay nung magising ako. Pagkatapos nun nawala na siya ng tuluyan hindi lang sa paningin ko kundi sa buong academy.

"Ruuruuu!" Parang naexcite na sabi ni ruru. Napabagwis pa ito ng mabilis at halatang may nakita. Naging malakas na ang pang-amoy at pandama nito habang lumalaki.

"Baby what's it?" Kako habang inaamo ang hindi mapakaling alaga.

"Hey, ruuh! Come here!" Narinig ko sabi isang pamilyar na boses - si Laurent.

Siya nga. Nasabi ko pa ng palihim. Siyang siya nga!

Pinakawalan ko si Ruru at agad naman itong kumaripas ng takbo patungo sa lalaki. Naexcite magpakarga sa kinikilalang ama.

Hindi ako agad nakapagsalita. I lost my tongue. Lihim ko na lang siyang kinilatis. Wala namang nagbago sa dito. Matikas parin, gwapo at mukha paring suplado. Lihim akong napangiti habang kinakarga at nilalaro nito si ruru. Napasulyap ito sa kinaroroonan ko. Bigla akong natigilan. Agad itong bumawi ng tingin at agad na naglakad


palayo saakin.

"S-san mo siya dadalhin?" Nag-alanganin kong tanong.

Without looking back', sumagot ito habang papalayong naglalakad patungong lagoon. "Maglalaro lang kami sa may lagoon. Mukhang nabore ito ng isang linggo na wala ako."

Hindi na ako nakapagsalita pa. May punto din naman ito dahil ilang araw ding nagmukmok si ruru kasama ako.

Pinabayaan ko na lang kunin si ruru at makipaglaro dito. Naiwan akong mag-isa sa kinauupuan ko.

Nang maglaon ay dumating si Amber kasama si Alvis. Himalang hindi kasama ngayon ng babae


ang unaware nitong nobyo. Himala ding magkasama ang dalawa gayong medyo ilag si Amber kay Alvis dahil si Laurent lang daw ang gusto nito para saakin.

"Oh ba't parang napakaseryoso niyo?" Tanong konsa dalawa nang makalapit ang mga ito.


Nag-antayan pa ang mga ito kung sino ang magsasabi ng balita na pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan.

Sa wakas ay nagsalita si Alvis. Naupo ito sa tabi ko.

"Pinapaimbestigahan ng hari ang nangyari sa Garon at kung saan nagmula si ruru. Ang mga pinakamagagaling na mercenary keepers ang ipinadala niya para dito."

Seryoso ang tingin ni Amber nang bumaling ito saakin. "Gusto kang kausapin ni Master Uran..." napakagat ito ng labi bago nagpatuloy, "I mean gusto pala tayong kausapin ni Master Uran kasama sina Silex at Laurent."

"Kakadating lang ni Laurent. Nasa lagoon siya," I almost whispered.

"Yeah... Tatawagin ko siya. Si Silex patapos na sa klase niya kaya malamang papunta na yun. Tawagin ko lang si Laurent," ani Alvis bago tumayo para tunguhin si Laurent.

Nang makalayo si Alvis ay lumapit at umakbay saakin si Amber. Ramdam nitong may mali. "Hindi ka kinausap o sinungitan ka?"

"Anong aasahan mo do'n? Di naman kami close," sagot ko na napahalukipkip ng kamay.

"Hmmm," Amber gave me an intriguing look, "eh bakit parang napakalungkot mo? Gusto mo ba may kiss at may konting pagpapaliwanag kung bakit siya nagpakalayu-layo muna? Uyyyyy."

"Hindi ko kasi alam... para kasing mas lumayo ang loob niya saakin nung nagkasakitan kami sa Garon. Well hindi ko naman sinasabing close na kami before pero parang naputol yung chance na maging magkaibigan kami."

"Kaibigan o kaibigan? Same words. Same spelling. Different meaning?" Napahagikgik si Amber.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon