Nakatatlong balik si Reeve sa pagbubuhat. Tinatapunan niya ako ng tingin sa tuwing bumabalik siya at parang ipinapakita sa akin na kaya niya at nagkakamali ako.

Sa muling niyang balik ay inirapan ko siya. Tumawa lang siya na para bang may nakakatawa roon.

"See? I know how to do it. Easy," pagmamayabang niya.

From the moment there, I actually saw the Reeve I used to know before. Mayabang, tunog nagmamataas, at parang walang pinoproblema sa buhay. Staring at this Reeve right now, I am sure that a part of him as the Reeve before is still there.

"Ang yabang mo," sambit ko. Sinundan ng mata ko ang pagbubuhat ng kaniyang braso. His muscles in the upper limbs flexed. Hindi siya naka-long sleeves kaya kitang-kita ko ang batak niyang braso.

"Because you were suspicious of me. I just have to prove you wrong, Ada," aniya at inilagay pa sa balikat ang nakuhang dayami.

Umirap ako ulit. Tingnan natin kung kailan ka tatagal diyan. He was not wearing long sleeves, that's why I'm sure he's probably itching now. Kita ko iyon base sa pamumula ng kaniyang maputing balat. It was no doubt that he was just enduring the itch. Maya-maya lang ay mangangati rin siya.

Laglag ang panga ko nang makaya ngang mabuhat ni Reeve ang dayaming naroon. If I had counted, from the moment they started, I would assume that he had the most carried hay stack. Kahit si Mang Juni ay hindi makapaniwalang nailipat nila ang lahat ng iyon doon.

Pawis na pawis silang dalawa. Reeve was sweating all over. Ang mukha at braso ay namumula. I could make out the scratches on his skin due to the nail marks.

"Tigas ng ulo ni Sir, Doc. Sinabi ko pong nangangati na siya ay ayaw tumigil," naiiling na sabi sa akin ni Mang Juni habang pareho naming tinatanaw si Reeve.

Suminghap ako nang hubarin niya ang damit na suot. Namilog ang mata ko nang makitang namumula na ang kaniyang likod. Walang kamot roon pero namumula nga. Hindi ko alam kung papabayaan ko pa ba siya gayong mukhang malala na ang pamumula.

Agad akong lumayo kay Mang Juni at lumapit kay Reeve. Mula sa damit na bitbit ay lumundag ang tingin niya sa akin. His forehead knotted but I did not care as I was busy eyeing his skin.

"Ada, it's fine," aniya agad nang lumapit ako.

"Fine?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "It's not fine, Reeve. Malala na ang pamumula. You need to at least put some ointment in those." Itinuro ko ang pantal pantal sa kaniyang balat.

"It was worth the risk. I was able to help," aniya pa.

Hindi ko tinanggap iyon. I don't care if risked his skin for this. Kahit ano pa sigurong gawin niya, kahit ilang beses pa siyang matuto, kinukumbinse ko na lang ang sarili ko na hindi niya rin iyon magagamit. Sooner or later, if his suspension will be lifted, he won't have a second thought of leaving this place. Ganoon naman siya.

"Tigilan mo ako riyan," I said in a monotone. "You should probably have some warm bath to ease the itch. Maglagay ka na lang din ng ointment."

Hindi ko na siya tiningnan pa at naglakad na ako. I heard the shuffle of the grass indicating that he was following me.

"Do I still have a work at the clinic?" habol niyang tanong.

"Wala na. Mukhang malala iyang pagpapantal pantal mo kaya huwag ka na munang bumalik sa hapon."

Hindi ko na siya nilingon pa. However, I could still hear his footsteps following me behind. Akala ko ay hihiwalay na siya sa akin nang nasa intersection na kami.

"Diba ang sabi ko sa'yo ay maligo ka?" Lumingon ako sa kaniya.

Kumunot ang noo ko dahil paradang-parada ang kaniyang hubad na pang-itaas. Napalingon ako sa palagid. Karamihan sa farm workers ay mga lalaki pero may iilang babae rin. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang siyang maglalakad ng ganiyan dito.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon