"Hello po, Doc. Dalhin niyo na lang po ang kinakailangan. Papunta na po ba kayo?"

"I'm still here at the clinic. I'll be bringing the vaccines there. Ihanda niyo na lang po muna siya sa chute system para agad kong mabigyan."

"Noted po, Doc. Salamat po."

Ibinaba ko na ang tawag.

"You could just tell me to call them," ani Reeve matapos kong tumayo sa kaniyang gilid ng ilang segundo.

"Nakalimutan ko," sambit ko. "Hindi pa ako sanay na may receptionist kaya pasensya ka na."

Hindi naman siguro sarkastiko ang dating ng aking pananalita. I'm sure it doesn't sound rude to him seeming that he just nodded at me.

"Aalis ka na ba?" aniya pa.

"Later. I'll just prepare the vaccine before I go."

Bumalik ako sa lab at inilagay na ang kakailanganin sa cold box. Naka-set iyon sa tamang temperatura kaya hindi maiinitan ang vaccine na dala ko.

I fixed my hair and grabbed my bag. Dinaanan ko si Reeve doon dala-dala ang cold box na maliit at ang aking bag na sobrang handy'ng dalhin.

"Ingat!" rinig kong pahabol ni Reeve kaya kumunot lang ang noo ko. I don't know what's up with him but he seems nice and friendly to me, despite my hostility. Kaya napipilitan din akong maging mabait dahil nakokonsensya ako sa pagiging approachable niya at magalang.

Maingat kong inilagay ang cold box sa passenger seat ng aking kotse. I tried to turn on the ignition pero mukhang hindi gumana ang aking sasakyan. Kumunot ang aking noo at inulit ang aking ginawa pero wala pa rin.

Napahampas ako sa aking manibela at ni-check kung full tank pa ba ako. Hindi naman ako namamasyal kaya sigurado akong hindi pa ubos ang gasolina nito.

Nadismaya ako sa nakita sa maliit na screen. Wala ng laman ang tank ko kahit na alam kong sapat pa ito sa buong linggo.

Kumalma ka lang, Ada. Kumalma ka lang.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang cold box sa passenger's seat. Lumabas ako ng aking sasakyan at babalik muna sa clinic para hiramin ang isang truck ng farm.

Nagkagulatan kaming dalawa ni Reeve dahil magkakasalubong sana kaming dalawa. Parehong kumunot ang aming noo.

"Where are you going?" tanong ko.

"Tapos ka na?" he asked at the same time.

Agad akong umiling. "My car won't start. I had to go back and borrow the farm's truck."

"You know that the farm's truck is quite big, right?" aniya at tinitigan ako na para bang isa akong weirdo.

Inirapan ko siya. "Alam ko, pero wala akong choice. Baka matagalan itong vaccine kaya kailangan kong umalis."

Bumaba ang tingin ko sa dala niyang folder. "Oh," sambit ko nang maalalang kailangang dalhin ko iyon.

"I was about to give this to you." Iniabot niya iyon sa akin. Hirap na akong kunin iyon dahil hawak ko ang aking bag sa isang kamay at ang isang kamay naman ay okupado ang cols box.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita kong nagpipigil si Reeve ng ngisi niya kaya agad akong sumimangot.

"Walang nakakatawa. Samahan mo na lang ako sa truck para mailagay ang gamit ko roon."

"You know what? I can take you there. You don't need to drive the truck," offer niya.

Tumaas lang ang sulok ng labi ko. "Sino naman ang magbabantay sa clinic?"

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now