Pagkababa namin ay dumiretso na agad kami sa parking lot hindi naman ako nahirapang hanapin dahil magkakasama ang mga motor sa isang side at tatlo lang nandito.

Humarap naman ako kay Josh para kunin ang helmet ko pero to my suprise si Josh ang nagsuot sa akin ng helmet hindi ko tuloy maalis ang tingin ko sa mga mata niya habang inaayos niya ang helmet ko.

Binigay niya sa akin yung isang helmet at lalo akong napatulala sa ginawa niya bhiee!! Grabe so ako magsusuot sa kaniya. Sinalubong ko ang nakabungisngis niyang mukha na siyang kinapula ng mukha ko buti naman buo ang helmet ko hindi niya makikita ang namumula kong pisngi. Tumiyad ako para maisuot kay Josh yung helmet matangkad kasi si Josh siguro nasa 185 cm to nasa 170cm lang ako eh. Anyway binilisan ko na ang pag suot ng helmet kay Josh dahil ayoko ng ma fall pa lalo hahaha.

Sumakay na ako sa motor at hinatay siyang sumakay bago ko iistart. Aandar na sana ako pero nagitla ako sa paglagay ni Josh ng kaniyang mga kamay sa bewang ko. Grabe yung ground na naramdaman ko nung hawakan niya bewang ko.

Tumingin ako kay Josh. "Saan tayo?"

"SM na lang tayo para medyo malayo ang drive mo haha" di parin nawawala ang baby smile niya. Geez focus ka Tommy mag focus ka!!

Nag umpisa na ako sa pagmamane-obra ng aking motor. Mabagal lang takbo normal lang gaya nga ng nasabi ko ayoko sa lahat ay magdrive na parang byaheng langit hindi naman sa hindi ko kaya dahil takot ako hahaha kaya ko naman siya kaso ayoko lang talaga.

Pagkadating namin sa parking lot ng mall ay agad na kaming bumaba at tinagnag ang aking helmet. Agad naman itong hinablot sa akin ni Josh.

"Akin na yang isa na lang bitbitin mo, ilagay ko na lang yan sa top box para hindi madami ang bit bit mo"

Hindi naman siya umimik at inaabot sa akin agad ko namang nilagay yung helmet sa top box at baka magbago pa isip nito.

"Saan pala tayo kakain?" Tanong ko sa kaniya.

"Saan mo ba gusto? Dun ako sa gusto mo hihi" sabay ngiting nakakatunaw ang gwapo.

"Hmm.. gusto ko sana mag samgyup? Keri?" sagot ko na hindi ko naitago ang pagkamalambot ng boses ko ahha.

Tinaas niya lang ako ng kilay at hinila kung saan man kami papunta. Tumigil kami sa tapat ng Romantic Baboy hahaha romantic yarn hahaha.

Pumasok na kami at nag ano order na kami ng unli beef at pork.

"Feeling ko kaya mo naman magmabilis bakit hindi mo binilisan ang takbo?"

"Hmm ayoko lang haha"

"Or baka gusto mo lang hawakan ko ang bewang mo" bulong niya kaya naman hindi ko narinig ng maayos.

"Huh?" Tanong ko na nagsasabing paki ulit.

"Wala wala... nevermind haha nandito na order natin" iwas niya sa akin.

Inumpisahan na niyang ilagay yung mga meat sa lutuan at ito ako tamang lupak lang sa mga side dishes dahil ayaw niyang ibigay sa akin ng tong. Kaya pinabayaan ko na siya at inubos ko na itong side dish na fishcake at napakasarap.

Nakita ko sa gilid ng vision ko na nagbabalot na ng meat si Josh sa lettuce akala ko kakainin pero nagulat na naman ako for the nth time sa ginawa ni Josh. Pinanganga ako wala naman akong magawa at ayaw ibigay sa akin kaya ngumanga na lang ako. Dahan dahan niyang isinubo sa akin at hmm masarap yung combination ng mga nilagay niya.

"How is it?" Parang kabado niyang tanong.

Ngumiti ako at hindi ko maiwasan malagyan ng tunog ang pag ngiti ko hehe. Sabay pakita sa kaniya ng double thumbs up!!

"Masarap siya!! Ughh"

"Hahahah thank you thank you!!" Masaya siyang tumawa at bumalik ang focus niya sa mga meat na niluluto niya.

"Expert ah? Siguro madalas kayo dito ng jowa mo" sabi ko habang bumalik ang focus ko din sa fishcake.

"FYI haha wala akong jowa"

"Ahh talaga? Maganda yan baka may pag asa pa ako hehe—"  agad kong tinakluban ang bibig ko grabe kala ko sa isip ko lang sinasabi yun.

"Hehe sorry akin" sabi ko sabay tungo para itago ang nahihiya kong mukha. Geezz.

Pinet naman niya ang akin ulo at ginulo ng kaunti ang aking buhok. Tumingala naman ako para makita ang mukha ni Josh at nakita ko na napaka aliwas ng kaniyang mukha na para bang wala lang sa kaniya ang narinig niya.

Napahinga naman ako ng malalim para mawala ang kaba ko. Tulad ng last time no comment parin siya sa mga ganitong bagay. Tumahimik na ako at inumpisahan ko ng kumain ng kumain para mawala na sa utak ko ang nasabi ko kanina.

Naka ilang order kami hanggang sa mabusog kami although hindi ako umiimik kahit na kinakausap ako ni Josh. Sala sa tango ay ahh, hmm, oo or hindi lang sinasabi ko at never ulit akong tumingin sa mukha niya dahil nahihiya parin ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

Pagkatapos naming magbayad ng bill namin lumabas kami nangunguna ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupumunta ang gusto ko lang ngayon ay lumubog sa lupa dahil sa hiya geezzz.

Halos tumalon ako sa gulat ng maramdaman kong may umakbay sa balikat ko. Agad kong nilingon ang may ari ng mga braso na ito kahit na alam ko na kung sino tiningnan ko parin ang mukha ni Josh.

"Hey there miss? Gaano katagal kaba ulit bago ako kausapin?" Sabay ngiting malungkot ni Josh.

"Sorry hindi ata ako ang dapat niyong kausapin kasi first hindi ako miss hehe" biro ko sa kaniya na medyo na aawkwardan parin ako haha.

"Pero mas malala kapa sa babae kung magtampo, para bagang nagtampo ka haha bakit? Anong nangyari?" Tanong niya sa akin na ikinamula ko.

Haha napaka arte ko pala kung ganon. Haha sorry akin Josh.

"Wala naman tahimik naman talaga akong tao eh." Palusot ko which hindi naman makakalusot kay Josh yan dahil alam ko namang alam niya kung bakit.

"Talaga ba? Dito na tayo sa super market" sabay hila papasok sa akin.

Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami basta na lang akong nadala sa paghila ni Josh haha.

Tinagtag na niya ang pagkakaabay sa akin at kumuha ng cart at nilagay sa baba ng cart yung helmet na daladala niya.

Tinabihan ko siya at sumunod lang sa kaniya. Nagpunta kami sa meat section at parang mamili ng mga meat na gusto niyo. Tinatanong niya ko if kaya ko bang lutuin yung ganito ganiyan hahah. Kaya ko naman lutuin lahat ng sinasabi niya kaso nakakagulat naman na ang gusto niyang servings ay hindi lang para sa aming dalawa dahil baka mabitin daw siya.

Hindi naman ganun kasarap ang mga luto tama lang nothing special hihi.

Ipagpapatuloy...

PS: Thank you sa nagbabasa..

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now