After nun umakyat na kami as usual tahimik lang kami sa loob ng lift.  Malapit palang mag 9:00 pero naliligo na si Josh para daw makapag uli uli daw kami at ng maaga daw kami makauwi para matry yung indoor pool.

Dahil wala akong magawa humiga muna ako sa  bed ko hindi kay Josh haha duon na ako nakatulog kagabi eh.

Habang nasa cr parin siya nanunuod na lang ako ng BL habang nakahiga ayokong dumapa baka makita niya pinapanood ko ahaha.

Anyway nirerewatch ko ang 2gether the series dahil ang ganda ng chemistry ng brightwin. Pati lovely writer mga dayyy super ganda grabe ang tandem ng kaoup hihi ang hot dun ni kao agree ba kayo?

"Tommy maligo kana" sabi ni Josh tapos lumabas ng kwarto.

Kumuha na ako ng damit kong susuotin sa closet ko tapos tuwalya at saka pumasok sa cr. Pagkabukas ko ng shower grabe ang sarap ng tubig may stack ang heater siguro kaya matagal si Josh pinag istack niya yung heater hahaha assumera na naman tayo mga dayy.

Tinagtag ko na ang pagmumuni muni ko haha dahil aabutin ako dito ng siyam siyam!

Dali dali kong tinapos ang panliligo hindi dahil excited ako kung hindi dahil nakakahiya pag yung natural na panliligo ang gagawin ko dahil super tagal ko talagang manligo. Ewan ko ba ganun ako manligo eh mabagal ahha saka nagmumuni muni ako eh.

Dinala ko din pala ang mini make up pouch ko which is ang laman lang ay bb cream, foundation, concealer, highlighter, eyeliner, liptint at lip gloss.  Pagkatapos kong ilagay lahat ng iyon parang natural look lang ang aking make upan para lang magmukha tayong fresh pa sa fresh ganurn. Hahaha.

Lumabas na ako ang suot ko ay skinny chinno pants na pinapakita ang kapayatan ng aking legs at oversized sweater then mag a-air force 1 ako.

Pagkalabas ko dumiretso lang ako sa closet tapos binuksan ang baba kasi duon nakalagay lahat ng sapatos namin or should i say sapatos ko kasi mga nasa 6 ata ito tapos 3 lang ang kay Josh. Lumabas ako ng kwarto at duon nagsuot sa living room ng sapatos.

Tinabihan naman ako ni Josh na amoy yosi.

"Naninigarilyo ka?" Tanong ko habang nasa sapatos ko parin ako nakatuon at sinisintas ng maayos.

"Hmm nag yosi ako sa labas"

"Pede ba yan dito?"

"Hindi haha wag mong ipagkakalat haha sa fire exit ako nag yosi"

"Lets go?" Tamayo na ako at lalabas na sana ako ng dorm namin pero hinawakan ni Josh kamay ko.

Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong hawak hawak niya yung dalawang helmet. Nagulat naman ako dahil sa seryoso pala siya dun kala ko biro biro lang haha. Tiningnan ko ang kaniyang mukha at nanlalambot na naman ako nagpapacute si Josh? Goddd ang singkit niyang mga mata ay parang bumibilog—

Tinagtag ko ang pagkakatingin ko sa kaniya at walang imik imik na pumunta sa kwarto namin para kunin ang susi ng motor ko sa drawer ko.

Kukunin ko na sana yung isang helmet sa kaniya pero sabi niya siya daw magdadala sabay ngisi na parang bata. Godd si Josh ba talaga ito? Never in my life na may gantong side si Josh kasi last year ang pagkakakilala ko kay Josh ay matalino, magaling kumanta actually kasi ata siya sa banda ng school namin at dayy famous yan, at medyo may pagka bad boy yan ang alam ko kaya nga nagkacrush ako sa kaniya or should i say kaya ako nainlove sa kaniya? Haha mabait naman siya napaka aproachable pero yung side na ganita na parang baby side geeezzz ok im lucky to see it hahaha.

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now