Chapter 22 ( Ang muling pagkikita)

25 1 0
                                    

Miss, can you check my bank account, para kasi siyang na hack" dinig kong parang naiinis na reklamo ng lalaki.

Nakayuko ako kaya tumingala ako para makita ang mukha ng lalaki "Sir..." Napamaang ako, dahil ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang lalaking minahal ko noon.

"Hey, miss, do your job! Don't keep staring me" Sabi niya na parang wala kaming pinagsamahan.

"Uh, sir, what's your bank account name?" Pormal kong tanong.

"It's name by my name." Itatype ko na sana ang pangalan niya para icheck pero, "Chris Ian Sudalga, is my name."

He's really acting that it's our first meet, may konti sa loob ko na nasasaktan but kailangan ko maging pormal, I act like a professional, parang wala lang, like him.

"Uh, sir, I think we need to fix this"

"May nakulang ba? My net worth there is around 30 billion, kundi ako nagkakamali"

"Uh, sir hindi naman po siya nabawasan" pormal na sagot ko.

"Good, I'll wait there hanggang sa matapos niyo yan, by the way, Can I talk to your manager"

"Uh, sure sir, just wait for a while, I'll call mr. Reyes"

"Okay, faster, nasasayang lang ang oras ko."

Dalidali akong pumunta sa opisina ng manager namin.

"Sir," tawag ko sa manager namin

"Come in, ano yun, Ash!" Sanay na akong tawagin ng manager ko ng Ash, lahat Naman kami ay sa nickname lang niya tinatawag.

"Mr. Sudalga, want to talk to you sir" pagpapaalam ko

"Papasokin mo siya" sagot niya

"Sige po, excuse me"

Lumabas ako at nakita kong nakaupo si Ian este Mr. Sudalga, lumapit agad ako at tumayo naman siya.

"Mr. Sudalga, pwede na po kayong pumasok sa office ni Mr. Reyes" tugon ko at walang pasabing nilampasan ako.

Bumalik naman ako sa trabaho pero hindi na ako makapag focus dahil nakita ko siyang muli, ang lalaking minahal ko ilang taong lumipas, ngunit ako'y parang hindi na niya kilala, napakasakit.

Totoo ngang bumalik na siya pero parang hindi na siya ang kilala kong Ian. Oo, masungit pa rin kagaya ng dati but he's not Ian na nakilala kong mahal na mahal ako.

Parang hindi ko gustong paniwalaan ang mga sinabi niya sa talk show. Parang feeling ko kasinungalingan lahat ‘yun.

"Rizza, did you fix his bank account already? Madali bang naalis doon sa nag-hack ‘yung bank account ni Mr. Sudalga?" Mr. Reyes asked.

"Uhmm, yeah! Palitan niyo na lang po here ang PIN number sir." sagot ko.

He changed his Pin number at inayos ko naman ang lahat upang hindi na ito maopen ng hacker.

"Thank you, Ash!" pasasalamat ni Mr. Reyes at tumango naman ako.

"Buti na lamang at sa kanya ka agad lumapit, Mr. Sudalga." baling nito kay Ian. "Siya ang pinakamagaling at hardworking dito. She's Cum Laude in UST and you finished business course in UST right?"

"Yeah and currently studying law in States through online and modular because I'm too busy in my family's business and my own business." Ian's answered.

Wow, magiging attorney na pala siya. Hindi naman nasabi sa talk show a.

"I think, I need to go. Thanks to your staff, a hard-working girl." paalam nito.

Medyo nairita ako dahil tinawag niya akong girl. I'm 23.

"Excuse me," sigaw ko upang makuha ang kanyang atensiyo. "I'm 23, Sir. I'm not a girl. I'm a woman." naiinis na sabi ko.

He just chuckled bago lumabas ng bank.

Tsaka ko lang na-realize ang kahihiyan sa ginawa ko ay pinag-titinginan na ako ng mga kasamahan ko at maging si Mr. Reyes ay tumatawa rin.

Is that his plan? Ang pahiyain ako o ipamukha sa sarili ko na pinahiya ko ang sarili ko?

"Rizza, pinahiya niya ako. Ugh!" galit na galit kong nilalabas kay Rizza. Weekend ngayon kaya naisipan kong bumisita.

"Baka pag-ibig na naman ‘yan ah! Uyy." kantiyaw sa'kin ni Rizza.

"Mommy, wh-at appen to, inang?" Abram’s asked in cute voice. He's just 2 years old, but he know if galit ang nasa paligid niya. Nahihirapan din siyang magsalita kapag letter 'H' ang first letter ng word ar letter 'N'.

"She meet her ex, Anak. You know what is ex? Dati niyang boyfriend." tango-tangong sagot ni Rizza.

"'Wag mo ngang turuan 'yang bata." suway ko.

"I'm not teaching him. He's know what is boyfriend and girlfriend. His father always saying na 'dapat marami kang maging girlfriend soon huh?!'" palusot ni Rizza.

"Kayo talaga. Baka lumaking playboy 'yan." kamot ulong sabi ko.

"Okay lang naman a, astig 'yun. Basta hindi na siyang magchi-cheat pag na-meet na niya ang the one." Rizza chuckled. "Eh ngayon, kumusta ang pa-girl sa'yo ni Ian?"

"Pahiyang pahiya ako, why he did that to me?" I pouted.

"Because I think he's still love you at iniinis ka lang." sagot ni Rizza.

"Naka move on na 'yon. Marami nga raw naging ka-fling e." inis na sabi ko.

"You watched the talk show?" gulat na tanong ni Rizza.

"Hindi. Binasa ko lang." sagot ko.

"Uyy, nakiki-update. Meron pa rin noh?!" pagpupumilit niya.

"Wala na! Wala na! Wala na!" sigaw ko kaya biglang umiyak si Abram.

:,-)

A/N: Naku, naku, Ashley! Kahihiyan na ‘yan. Mas nahiya pa ako sa'yo, y*w* HAHAHA. Pinaiyak ni Ashley 'yung bata 😭

FROM ACCOUNTANT TO SUDALGA'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon