Chapter 8 (Audition)

24 0 0
                                    

"Next week na ang foundation, excited na ako." dinig kong chismissan ng mga babae. Mga second year ata.

Kanina pa ako nakakarinig ng chismissan about sa foundation day na yan. Wala naman akong paki dahil wala naman akong sasalihan, sayang lang ang pera.

"Ako rin. Lalo na sa pageant!" sagot na hiyaw ng kasama nung babae.

Hindi ko na pinakinggan ang pinag-uusapan nila at diretso na lang na naglakad.

"Ms. Cruz?!" tawag ng baklang professor namin.

"Uhm, sir?" sagot ko.

"Come to me later. Mga mamayang 3 pm. Bring some dress, mag-aaudition ka for the pageant." masaya niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. "Ako? Mag-aaudition?" naguguluhang tanong ko. "Sino po ang nag suggest sa'kin?" dugtong na tanong ko.

"Ako..." biglang sumulpot si Sofia. " Kailangan kong makita kung paano ka mapahiya at paano ka magiging mukhang basahan. Don't worry, kung basahan ka... I'm the one there who have elegant and fashion dresses mula mukha hanggang questions and answer." dugtong niya.

"Hindi ako interesado. Pasensiya na po." at nilagpasan ko sila.

Nadaanan ko ang bulletin board na nilalagyan ng mga announcement. Tumigil ako para magbasa. Nakita ko ang pangalan ko at nakita ko rin ang pangalan ni Sofia. I know na matatalo ako kaya hindi talaga ako sasali.

"Good luck," biglang sumulpot si Ian sa likod ko.

"I'm not interested. Bahala na yang pangalan ko. Sayang lang ang gastos."

Umalis na ako doon para iwan siya.

"Sasamahan kitang mamili ng damit." si Ian habang naglalakad kami. Sumunod pala.

"No. Thanks." at mabilis akong naglakad.

"Sasamahan kita o hahalikan kita?"

"Fine."

"Yes!" sigaw niya.

At ayun nga ang nangyari sinamahan na nga niya akong mamili ng dress para mamaya. Siya na rin daw ang bahalang maghanap ng make up artist, may kilala daw siya.

Namake upan na rin ako ng nakuha niyang make up artist at ngayon nandito na kami sa back stage dahil ipapakilala na daw kami. Casual dress lang daw ang dapat na isuot kaya naka casual dress rin ako at si Sofia rin na masama ang tingin dahil parang asong sunod ng sunod si Ian sa akin at laging pinapaayos ang mukha ko pag pinapapawisan ako at binibigyan ako ng tubig. Siguro'y kundi lang may event ngayon at kasali siya ay sinabunutan na ako.

Isa isang tinawag ang mga sumali. May dalawang kapwa ko first year college at sila ang unang tinawag.

"Candidate number 3... Ashley Lianne Cruz." announce ng baklang professor.

Naglakad na ako tumabi sa candidate number 2 with a cute and smooth smile. At sa kasamaang palad, late yung second year kaya makakatabi ko si Sofia.

"Candidate number 4 is not yet here, so let's proceed to candidate number 5... Candidate number 5 is... Sofia Arianna Lopez." announce ng baklang proffesor

Naglakad na si Sofia ng nakangiti at tumabi sa akin. Naghiyawan ang lahat ng siya'y kumaway.

"See, siguro ng talo ka na. Pathetic." bulong niya ng makarating na siya sa tabi ko.

"Ikaw ang may gustong sumali sa akin dito." bulong ko rin.

"Ian's buy you that? Mukha ka pa ring basahan." bitterness is in her voice pero palaban pa rin.

Natawag na lahat ng candidate kaya. Magpapakilala na kami para daw mapili na.

Nang matapos na ang candidate number 2 ako na ang magpapakilala. Medyo kinakabahan ako kaya ang akala ko matutumba na ako dahil sa 4 inch na ito ng paglakad ko papunta sa mikropono.

"Hello to each and every one. I am Ashley Lianne Cruz. 17 years of age from first year... Accounting." pagkatapos kong magpakilala ay naghiyawan sila at nagpalakpakan kung kanina ay tahimik lang sila ng tinawag ako ngayon ay naghihiyawan na sila at ako naman ay nakangiti at kumaway na lang sa kanila.

Nang pabalik na ako sa pwesto ko ay sinalubong na rin ako ni Sofia at nag-eksena ng nagkatapat na kami. Hinarang niya ang paa niya para matalisod kaya hindi ako dumiretso ng lakad, iniba ko ang aking dadaanan at gumawa rin ng moves katulad niya, umikot ako at tumingin sa mga tao tsaka ako ngumiti, kaya lalong naghiyawan ang lahat. Hindi ako marunong sa modelling pero may napapanood naman ako kaya ginagawa ko lang yun lahat. Bumalik na ako sa pwesto ko at si Sofia nasa mikropono na rin.

"Hi, I'm Sofia Arianna Lopez. 20 the queen of business management... 3rd year." sa simpleng pagpapakilala ni Sofia ay nagpalakpakan din lahat.

Nang bumalik na siya sa pwesto niya ay naramdaman ko ng galit na galit siya sa akin.

"Nangunguha ka ng eksena." bulong niya, kahit na nagpapakilala pa ang ibang sumali. "The crown is mine. I'm the queen." dugtong nito.

"Edi sa'yo na. Hindi ko naman balak na sumali dito e. Kasalanan mo ito." bulong na sagot ko.

Kita ko ang inis sa mukha niya kahit na nakangiti siya sa harap at minsan ay kumakaway pa.

"So, ito na yung mga napili," anunsiyo ng baklang prof. "Out of 6 candidate na sumali ngayon. Apat at lang ang maglalabanlaban for the final in the first day of foundation. Next week." dagdag ng baklang prof.

"So ito na talaga... Contestant number 1, Ms. Aicelle Juarez." at pumunta na sa harapan ang contestant number 1. " And the contestant number 4, Ms. Alliana Alvarez" yung second year na late dumating. Pumunta na rin ito sa harapan.

Actually ay hindi ako kinakabahan na hindi mapasali dahil ayoko naman talagang sumali.

"Candidate number 5, Ms, Sofia Arianna Lopez." at nagpalakpakan at naghiyawan ang mga estudyante.

"See who's the queen," bulong niya sa akin na nagmamayabang.

"Congrats," sagot ko.

"And the last but not the list is..." medyo pinapatagal niya, siguro ay pamatay oras na lang din. "Contestant number 3, Ms. Ashley Lienne Cruz." anunsiyo ng prof na nagpatulala sa akin. Siniko pa ako ng katabi ko kaya napabalik ako sa wisyo.

Naglakad na ako papunta sa tabi ni Sofia ng nakangiti. Ang iba ay nagpapalakpakan lang ang iba naman ay isinisigaw ang pangalan ko. Actually ay kanina ko pa hinahanap si Ian pero hindi ko talaga siya makita sa dami ng tao.

:,-)

FROM ACCOUNTANT TO SUDALGA'S WIFEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant