Chapter 9 (Pageant)

28 0 0
                                    

Pagkababa ko ng stage ay hinanap ko kaagad si Ian. Kanina ko pa siya hinahanap kahit na nasa stage ako.

"Ash," tawag ni Ian sa'kin. Kasama lang pala niya yung nakuha niyang make up artist.

"Uyy, kanina pa kita hinahanap."

"Congratulations, we watched and masasabi kong kahit wala kang masyadong experience, ang galing mo."

"Thank you," and he hugged me. I hugged him back.

"Congrats, Ash." sabat nung make up artist. "I think, you two, have a something?" dagdag niya.

"Thank you," nakangiti kong sagot pero ramdam kong uminit ang pisngi ko. "Wala po kaming relas---- ." hindi ko natapos ang dapat kong sabihin dahil...

"I'm courting her." matapang na sagot ni Ian.

"Ahh." gulat na reaksiyon ng baklang make up artist.

Pagkatapos ng mga announcement sa amin ay umuwi na rin kami.

Isang linggo ang inilaan namin sa practice at wala masyadong klase. Si Sofia na ginagawa lahat na ipahiya ako pero ako na lumalaban at siya na ang napapahiya. I don't care kung makakaalis ako here in University of St. Tomas. I don't care, marami pang university diyan at I know na hindi basta basta ako makakaalis dito dahil lalaban ako. Tama na ang pangaalipusta niya.

Ito na nga, lunes at first day ng foundation week. Ang pageant. Ian's helped me to buy all of my needs kasama nung make up artist na nakuha niya.

Kinulot lang ang mahaba at natural ba itim kong buhok. First na ipapakita ay ang uniform ng bawat courses.

Ako ang last na magpapakilala dahil ako ang huling natawag nung audition. Si Sofia na ngayon ang nagpapakilala at kitang kita na sikat talaga siya, marami ang nag chicheer sa kanya. Nang ako na ang magpapakilala, full of confidence akong pumunta sa mikropono.

"Hello to each and every one. I am Ashley Lianne Cruz. 17 years of age and I believe, If you don't live it, it won't come out of your horn.. Representing, the beautiful lady of ACCOUNTING.. 1st year college." maraming nagpalakpakan at nagcheer din dahil sa pagpapakilala ko. Marami ring nagchicheer sa accounting of course I'm representing them.

Bumalik na ako tabi ni Sofia at isa isa kaming lumabas papuntang back stage.

"Mangaagaw ka talaga ng eksena. You really want a spotlight? Stupid brat." galit na sabi sa'kin ni Sofia ng nasa back stage na kami.

"Sofia, ikaw naman ang nag recommend sa'kin dito e. Wala akong balak na sumali but you recommended me. Tahimik na nga lang ako e, normal na estudyante lang pero ikaw itong atat na mapahiya ako." malumanay na sagot ko at linagpasan siya.

"Stupid..." sasabunutan na sana niya ako pero hinawakan agad ni Ian ang kamay niya.

"Sofia stop it!" si Ian.

"Ian, wag ka na kasing sumama sa kanya. We're representing our course, ba't nasa accounting ka?" nagmamakaawa at parang inosente ang boses niya. Nakakairita but I don't care!

"Itigil mo na lang ito."

"But Ian,"

"Ash, tara na." at hinawakan ni Ian ang kamay ko at hinila papunta sa area ko na nandun din ang make up artist ko.

"Retouch?" paalam ng baklang make up artist.

Nagsimula na siyang i- retouch ako habang ang gilid ng mga mata ko ay nakatingin kay Sofia na kita ang galit sa kanyang mga mata.

Buong pageant gusto lang akong ipahiya ni Sofia. Nagbabalak na italisod ako pero hindi nagtatagumpay. Hinarang pa ako sa long gown competition.

"And now this is the final. Ang matatawag ay firat runner up at ang hindi matatawag ay ang Ms. Thomasian 2021." announce ng baklang MC.

FROM ACCOUNTANT TO SUDALGA'S WIFEWhere stories live. Discover now