Magsusuka nanaman ako pag-uwi namin.

"Mmhh... It's not as dizzy." Sabi niya

Nabuhayan ako ng loob. "Really?"

"Mmh." Tango niya. "Yet, it'll cost quite a bit."

"Bakit naman?" Tanong ko saka naupo.

Tinakpan niya yung cream jar at humarap saakin. "There is no exit warp in the Philippines. The closest one is in Bangkok."

"Thailand?"

"Nope. Burma."

I gave her an expressionless face.

Tumawa siya. "Just kidding. Pero dahil dun kakailanganin pa natin ng passports, tickets and fake documents."

"Mamemeke tayo ng documents?" Gulat at may halong disapproval na sabi ko.

Masama yun ah, kalbo lang ako pero di ako masamang tao.

"No worries, may suki si Sir Weld na magaling sa Khao San. Wizard din." Kumindat siya saakin at inayos yung mga anek-anek niya.

Khao San, bagong lugar nanaman. Hindi ko na nga maalala yung mga kinabisote ko kahapon.

Napahiga ako at tumingin sa kisame.

I sighed.

Miss ko na sila.

Umupo na si Hannah sa kabilang part ng kama.

"Missing them already?" Sabi niya habang binabalik yung mga pang-apply niya sa mukha dun sa maleta niya.

I sighed again, tumingin sakaniya at tumango.

"Aww..." Ngumiti siya saakin at pinalo ako ng mahina.

I felt comforted by that, kaya ngumiti ako.

"Alam mo, I envy you so much." Sabi niya.

Anu daw naiingit siya?

"Saakin?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Bakit?" Pagtataka ko to the 163rd power.

Prinsesa siya ng isang malaking kaharian anong ikaka-inggit niya saakin?

Gusto niya rin magpakalbo?

Ngumiti lang siya at hinampas ulit ako ng mahina. "Basta."

Umakyat na siya higaan.

"Miss ka na rin nila tita for sure. Sobrang sobra." Sabi niya.

Namula yung pisngi ko. "Nakakahiya." Bulong ko.

"Anong nakakahiya dun? Kahit nga ako namimiss ko na sila eh." Nakangiting sabi niya. "I wish they can go with us. Masaya rin kasi kabonding ang mga Pyramaean, lalo na yung mababait."

"Uy Pyramaean din si Zedrick~" Sinundot ko yung tagiliran niya.

Inaasar pa naman sila ni Sir kanina.

"Ikaw rin naman ah." Sabi niya saakin.

I lost my expression, but I tried a smile.

Awkward akong tumawa. "I'm not." Sabi ko.

"Huh?"

"Che, parang di mo naman alam." Sabi ko at saka dumapa.

Hindi siya sumagot, parang mas yneasy pa ng pakiramdam niya kaysa saakin.

"Ampon ako." Sabi ko.

"Mmh."

"Sa totoo lang hindi naman tinago ng magulang ko saakin na ampon ako. Siguro simula nung nagkaisip ako unti-unti na nilang sinasabi saakin. Una tanong tanong lang ako, bakit pula yung mga mata nila, hanggang sa sinabi na nila na hindi ako talaga galing sakanila, pero di naman naging malaking bagay yun. Sila parin ang magulang ko at ako parin unika ija nila." Nakangiting paliwanag ko.

Naalala ko ang mga salitang iyon na mula sa bibig ni mama.

"I envy you, nanaman." Sabi niya. "You are so understanding."

"3 years akong nakakulong, kaya wala akong ibang magawa kung hindi mag-isip at intindihan ang mga bagay-bagay." Tumatawang sabi ko.

Biglang bumukas ang pinto namin ni Hannah, kaya napatingin kami run.

"Hindi ba sabi ko, mag pahinga na kayo?" Seryosong sabi ni Sir Weld. "Matulog na kayo, may pupuntahan pa tayo bukas."

Pinatay ni Sir ang ilaw, nasa gilid lang kasi ng pintuan yung switch. "Goodnight mga bata."

Na-cringe ako sa sinabi ni Sir, napatingin tuloy ako kay Hannah. Tumawa siya.

Inayos niya ang higa niya. "Goodnight Sam."

"Goodnight." Sabi ko naman.

Nanatiling nakabukas yung lampshade, kaya aninag ko parin yung kisame.

I sighed.

Di parin nagsisink-in saakin lahat. Ang daming nangyari nitong nakaraan.

Pero I have to admit.

Enjoy naman ako.

Kinuha ko si Alum, mula sa paanan ko at niyakap siya.

Umingit siya, pero hindi naman nagising.

Goodluck saatin Alum.

Ipinikit ko na ang mga mata ko.

~~~

Wiz'nth UniversityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant