Tinuptop ko nalang ang bibig ko, saka tumango. Ayoko ng lason....
Nilabas ni Sir ang wand niya, saka gumawa ng isang tulay na gawa sa yelo na siya namang dinaanan namin.
Balak ko na sanang mamamangha kaso naisip ko yung mga kinuwento sakin ni Hannah dati... hindi pa ako dapat mamangha, wala pa kami sa Etch.
Tumigil muna sa paglalakad si Sir Weld, nang makarating kami sa ikatlong ilog.
Oh Yes sa wakas makakapagpahinga muna kami!
Paupo na sana ako, but hindi naman sila natinag sa paglakatayo, kaya inayos ko ulit yung posture ko sa pagkakatayo, mamaya may ahas pa dito eh, tas maupuan ko pa. Itinuktok ni Sir yung tungkod niya sa lupa at parang may sinulat siya sa doon.
It lit up.
"It's already 11:38, at kailangan na nating magmadali. Tuwing midnight lang bukas ang lagusan." Sabi ni Sir.
Bumulong ako kay Hannah. "Wala bang magic si Sir Weld na teleport thingies? Kakapagod maglakad eh. Gusto ko munang magpahinga."
"Mailap ang portal papuntang Etch, Samara. Kaylangan talaga muna nating pag-hirapan bago to magpakita sa atin." Sabi niya saka niya kinuha si Fe na naglalambing sa paa niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Samara, tingan mo yung constellation na yan. That's lyra, my favorite."
"Shhhhhhttt..." Pinigilan ni Sir Weld ang pagsasalita ni Hannah, kaya tumahimik kami. May nilabas na wand si Zed saka siya humarap sa likod.
"Dito kalang sa likod namin, Samara. Hawakan mo muna tong si Fe." Sabi ni Hannah saka nilabas ang wand niya, bago humarap din sa likod.
Kinuha ko si Fe, habang si Alum naman ay nasa balikat ko.
"Anong nangyayari?" tanong ni Alum.
"Hindi ko rin alam, Alum." Nag-aalala kong sabi.
"Sinong nandyan?" Sigaw ni Sir Weld.
*meow
*meow
"Pusa lang po pala, Sir." Sabi ni Hannah saka tumingin samin. Bakas sa kaniya na talaga siyang mahilig sa pusa.
Humarap siya samin na buhat ang isang itim na pusa "Look.".
Tatawa na sana ako pero....
"HANNAH!!"
Biglang may lumitaw na isang malaking kung anumangt halaman na sasakmal dapat kay Hannah.
"PURKTRIMUS GIANTIYAH." Agad na tinutok ni Sir ang wand sa likod ni Hannah. Tumama ang magic ni Sir sa kung anuman at agad itong naging parang fairy dust na lavender saka nawala.
Napatakbo naman agad si Hannah saamin. Ang pusang buhat niya kanina lang ay agad namang naging bato, kaya bigla niya itong hinagis, at naging buhangin. Niyakap niya ako at pinakalma ko naman siya.
"Okay lang yan beshy.." Sabi ko habang tinatapik yung likod niya. I was shocked of what I called her. That is how I call my bestfriend when I was younger.
Ilang segundo rin siyang nakayakap sakin, huminga siya ng malalim saka kumalas sa pag-kakayakap sakin. "Beshy? You know what, that's a good call sign." Sabi niya saka kumindat.
Napangiti tuloy ako.
"Sabi ko naman kasi sa inyo mag-iingat kayo eh." Sabi ni Sir Weld.
"Ano po ba yung kanina?" I asked.
"A simple magic trap." Sabi niya na kinagulat ko naman.
Simple pa yun?
"Yes, kaya mas mag-ingat pa tayo kung ayaw niyong ma-trap tayo at hindi na makapunta pa sa Etch. Pasalamat kayo at mahina ang trap na nakaharap natin." Sabi ni Sir Weld, inayos niya muna ang suot niyang damit saka nag-salita ulit. "Malapit na tayo, kaya mas dapat tatong maging handa."
Tulad ng sinabi ni Sir, mas naging mapagmasid nga kami sa paligid namin. Bawat isang hakbang na ginagawa namin ay talagang pinag-iisipan naming mabuti. Wala man akong alam sa mga magic chants na ginagamit nila Sir, kaya ko namang mag-palabas ng magic power sa kamay ko pero sana enough na yun. Hindi nga lang maganda tumayming yung magic ko minsan pag di niya trip di talaga siya lumalabas.
.........
Mga ilang oras na rin kaming naglalakad simula nung kanina.
Mas gumaan at lumamig ang hangin sa kinaroroonan namin.
"Nandito na tayo." Anounce ni Sir.
Halos sabay-sabay kaming nag-sigh nang malakas out of relief, saka kami napaupo sa lupa sa sobrang pagod.
Grabeng cardio naman to! Trecking in the middle of the night phew! Buti nalang walang mga aswang, manananggal o mangkululam sa paligid...
I mean mangkukulam kami pero hindi kami scary noh!
Hindi ito horror novel!
Sir Weld gave us bottles of water na bitbit niya pala kanina pa. Hayy naku naman kailangan pala talagang magpakapagod kami ng sobra, para lang makarating dito.
Hingal na hingal ako.
I looked around.
Merong isang malaking pabilog na flat na bato, una inisip kong sa semento yun gawa, pero nung lumapit kami, i found out na marmol pala iyon na nakabaon sa lupa. It was designed like a magic circle.
"Ito ba yung..."
"Warp." Nakangiting sabi ni Hannah na nasa tabi ko. "Ito yung transportation na kailangan natin, para makapunta sa Echt." Paliwanag niya.
May mga nakaukit na symbols and such sa malaking marble plate na to.
Mmhh.. Teka, mga letra ba ang mga yun?
Lumapit ako sa naka-sulat doon.
Biglang sumakit ang ulo ko pero hindi naman ganon kalala. Ang weird sa pakiramadam. Napahawak ako sa ulo ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Hannah.
Tumango ako.
"Hoy!" Tawag saamin ni Captain Zedrick.
We looked at him. Iwinagwag niya nang nakangiti ang kung anumang brown na telang hawak niya.
Napatingin ako kay Hannah, na malaki ang ngiti. "That's our cloak." Sabi niya saka ako hinila.
"Cloak?"
Oo nga ito, yung soot namin nung last mission.
Pinababa ko muna si Alum sa valikat ko at sinuot ko iyon.
T-teka bakit parang mas malaki to kumpara dun sa last time?
"Pffftttt..." Napatingin ako kay Zedrick. Nakatingin siya sakin at nag-pipigil ng tawa, bagay na ginagawa din ni Alum ngayon.
Tsk, mukha akong hanger.
Nakabihis na kaming tatlong apprentices ni Sir, habang si Sir naman ay naka-cloak na ng black na may light blue lining. Sinuot ko yung hood ko, para di masyadong pansin yung itsura ko. Medyo maluwag, I mean napaka luwag sakin ng cloak kaya walang hirap na kayang mag-pasok labas ni Alum mula sa balikat ko palabas.
Mas okay nato. Pina-stay ko si Alum sa loob ng hood, para naman may maka-usap parin ako. Tsk. Feeling ko kamukha ko si kamatayan ngayon.
Sir Weld instructed us to climb up the warp, may three-step na hagdan siya bago yung mismong platform.
Pumunta kami sa gitna ng parang magic circle.
Nasaharap namin si Sir Weld, habang napapagitnaan ako nina Hannah at Zedrick.
"Goodluck, Samara!" Pilyong bulong ni Zedrick.
I don't know how this transport work, I don't know what to expect.
Alam kong mabo-blow away nanaman ako ng panibagong magic stuff na ito.
Umilaw yung platform na kinatatayuan namin.
At ilang saglit lang.
Pati ang sikmura ko, na blowaway.
~~~
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 13
Start from the beginning
