"O siya, mag-iingat kayo." Paalam ni Sir Weld.
"Una na po kami tita." Sabi naman ni Hannah, saka siya yumuko.
Lumapit si Zedrick kina mama at papa.
Pinagdikit niya ang dalawa niyang kamay. Kamao ng kanan at palad ng kaliwa, bago siya yumuko.
Ganoon din ang ginawa nila mama.
"Flameo!" Sabi pa nila sa isa't isa.
"Be the best captain of your team as you can." Sabi ni papa sa kaniya. "I know you can."
Tumango siya.
Sumunod na siya saamin at pumunta sa unahan.
"Goodluck sa enrollment, kayo nang bahala kay Samara." Sabi ni papa na kuamakaway na saamin nang medyo malayo na kami.
We walked for a little longer bago ako nagsalita.
"Hannah, wala ba talaga tayong sasakyan, talagang maglalakad lang tayo? Akala ko ba malayo yun?" Tanong ko bago ako napatingin sa damit ko.
We didn't even wearing any magical dresses bali nakapang-alis lang kami.
"Samara we don't need a car to get there. We need a warp." Sabi ni Hannah na lalong ikinagulo ng isip ko.
Warp?
"Samara." Zedrick coldly said kaya kinabahan tuloy ako out of nowhere. "...ang ganda ng buhok mo ngayon ah." Tuloy niya.
Kumunot tuloy ako.
Sa totoo lang, mahirap pala maging ka-close tung dalawang to. Aso't pusa na nga sila, dumagdag pa ako.
Kung pagbabasehan namin ang mga familiar namin.... si Zed yung aso, si Hannah yung pusa at ako?
Tsk
Kinaltukan ko agad yung ulo niya. Pero syempre tumalon muna ako para maabot yung ulo niya. Tangkad eh.
"Manahimik ka ngang bakla ka." Sabi naman ni Hannah na may patulak pa sa kaniya.
"Aray ang saket nun ah. Baka gusto mong patunayan ko saiyong hindi ako bakla." Sabi ni Zed kay Hannah.
"Tama na ang asaran. Kailangan natin makarating sa gitna ng gubat bago pa mag-umaga. Maging mapagmasid kayo. Samara, pumagitna ka kina Zed at Hannah. Wala ka pang mga spell na natutunan dahil hindi ka sa Etch lumaki. Hannah, Zed, Ingatan niyo si Samara. Siguradong may mga wizard at witch na kapwa natin mag-eenrol na pipigilan tayo, para mabawasan sila ng kalaban."
Grabe naman po pala ni-hindi pa nag-sisimula yung enrollment pero nag-start na ang labanan.
"Samara." Tawag ni Zed sakin kay pumagitna na ako sa kanila saka kami tumuloy sa paglalakad.
Dumeretso kami sa masukal na parte ng gubat.
Tahimik lang kaming naglalakad puro puno puno puno...
Maya-maya parang may narinig akong agos ng tubig.
Nakarating kami sa may ilog.
Nauuhaw tuloy ako.
Naalala ko yun mala El Minerale kaninang umaga eh.
"Sir, Pwede po bang uminom?" Tanong ko.
"Kung iinom ka sa ilog na iyan huwag na. Tulad ng sinabi ko marami ring mga wizard na papunnta o nnasa Etch na sa mga oras na ito ngayon, Siguradong ang ilan sa kanila ay nag-iwan ng mga patibong. Maaring sa dinadaanan natin ngayon o sa ilog na iyan, di natin alam may lason pala yan. Mag-ingat kayo sa lahat na gagawin niyo. Maging ang pagsasalita."
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 13
Start from the beginning
