"Oo nga pala, anong oras na. Magluluto pa tayo, para sa despidida." Sabi naman ni papa at tumulong kay mama mag-ayos.
Tumayo ako mula sa kama ko. Niyakap ko sila mula sa likod. Mahigpit na mahigpit, matagal ko kasi silang hindi makikita.
Umakbay sila saakin.
Ngumiti ako sakanila at tumulong na sa pag-aayos.
Tulad nga ng sinabi nila papa, sa pangalawang pagkakataon, ay naghanda ulit sila ng mga masasrap na pagkain.
Kung laging ganto mabilis akong tataba.
Hindi tulad ng kanina, naging masaya, puno ng biruan at tawanan ang despidida o pagpapaalam namin.
Hanggang sa dumating na ang oras ng pag-alis namin.
"Oh hindi na ba talaga kayo, mapipilit na sumama?" Tanong ni Sir Weld na halong may paanyaya kina mama.
Sandaling nagtinginan sa mama at si papa. Humiga si mama sa dibdib ni papa, habang nakahawak sa kamay ko. "Hindi na po talaga Captain, tsaka marami pa kaming aasikasuhin. Mag-iingat nalang po kayo at ingatan niyo na rin po sana itong uñika ija namin."
"Aba, oo naman, eh ituturing ko itong batang ito bilang anak ko na rin tulad ninyong dalawa." Sabi ni Sir Weld.
"Hindi ho ba, apo dapat Captain?" Pang-aasar ni mama.
"Ay naku, mahaba lang itong balbas ko, pero hindi pa ako lolo." Pagtanggi ni Sir Weld habang sinuklay pa ng kamay niya yung balbas niya.
Nagtawanan kaming lahat.
"Naku Captain hindi parin po talaga kayo nagbabago." Sabi naman ni Papa.
"O siya, siya, siya. Tulad ng sinabi ko sainyo. Kayo na muna ang bahala dito sa mansion ko, dito na muna kayo at siguradong magiging delikado kung babalik pa kayo sa dati niyong tinutuluyan. Protektado na ito ng concealment echantment, kaya wala na kayong dapat ipag-alala." Bilin ni Sir Weld kina mama at papa. "Sige, na at mauuna na kami."
"Anak, mag-iingat ka." Sabi ni papa.
"Magiging bago at presko ang lahat sa Echt para, saiyo. Maging alisto, mapagmatiyag at mamili ka ng pagkakatiwalaan mo." Sabi naman ni mama.
"Galingan mo sa school, Sam. Magkukwento ka saamin sa lahat ng nangyari sa bakasyon ha." Sabi ni papa.
"Payakap nga." Sabi ni mama at niyakap nila ako ni papa. "Sobrang mamimiss kayo!".
"Mamimiss din po kayo ng sobrang-sobra." Sagot ko kay mama.
"Ingatan mo si Samara, Alum ha. Ikukwento mo lahat ng kapasawayan niyan." Sabi ni papa na pinisil ang pisngi ni Alum.
"Opo." Tumalon siya kina mama at papa, at yumakap sa dibdib nila.
"Teka, pa. Parang baliktad eh mas pasaway pa sakin yang si Alum eh." Sabi ko bago ako hinila ni mama at yumakap ulit.
Kota na ako sa yakap, pero kailangan sulutin eh. Buti nalang walang pandemya sa timeline ko, di kailangan ng social distancing ay minimizing physical contact.
"Oh tama na yan, baka hindi na makaalis si Samara niyan." Biro ni Sir Weld.
"Mag-iingat kayo ha?" Sabi ni mama.
"Kayo rin po mama, papa."
"Oh sigi na. Dalian mo na." Sabi ni papa.
Lumakad ako patalikod hila ang bagahe ko, palapit kina Hannah. "Babye ma, babye pa. Ah." Napangsinghap ako dahil muntikan pa kong mapatid.
"Ayan na nga, sabing mag-iingat eh." Sabi ni mama.
"Tung batang to, talaga, oo, manangmana sa pinagmanahan." Sabi ni papa na siniko naman ni mama.
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 13
Start from the beginning
