CHAPTER 13

Mula dari awal
                                        

As early as... tonight.

Pero, hindi sasama saamin, sila mama.

"Hindi naman ganoon yun, Samara." Malambing na pagpapagaan ni mama ng loob ko habang naka-akbay siya saakin.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Ngayon lang ulit kami nag-samasama, tapos naghihiwahiwalay na ulit kami.

B-bakit?

"Samara, tumingin ka nga kay mama." Sabi ni mama, at marahang ini-angat ang ulo ko at tuming sa pula niyang mga mata.

Ngumiti siya, pero tumutulo rin ang luha niya. "Hindi namin gusto na iwanan kayo ulit, dahil alam mong mahal na mahal namin kayo ng papa mo." Sabi niya saka hinaplos yung mukha ni Alum na nasa lap ko ngayon.

Sinandal ni Alum ang mukha niya sa kamay ni mama.

"Pero kailangan niyong mag-aral. Kailangan niyong pumunta sa Echt, para maintindihan ang lahat." Sabi ni mama.

"Sa totoo lang anak, gustong gusto naming sumama ni mama mo." Hinawakan ni papa ang ulo ko. "Pero kakailanganin naming dumaan sa proseso. Nanatili kami ng lagpas sa bilang ng taon na ibinigay saamin ng embassy, at kung magkakataon, marami pang problemang pagdadaanan at ayaw naming maka-apekto iyon sayo."

"Kung magkakasama naman tayo handa kaming maghintay ni Alum." Katwiran ko, habang tumutulo parin yung luha ko.

Huminga ng malalim si papa at tumingin kay mama.

"Anak, hindi naman namin kailangang bumalik sa Echt. Wala na kaming babalikan doon, mas marami na ang oportunidad namin dito ngayon. Pero ikaw, isa ka sa Gold Generation, sainyo nakasalalay ang kinabukasan ng Echt."

Napaliwanag na saakin ni Sir Weld ang Gold Generation.

Tuwing 50th year, isa sa mga batang isinisilang ang tatanghaling mejia. Ang mejia ang magpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng Echt. At sinasabi ring ang mga kabataan sa taong ito ay mas malalakas at mas may kakayanan kumpara sa mga hindi kabilang sa Gold Generation.

"Anak, hindi naman kami mawawala eh. Ilang buwan lang, tapos pag summer vacation at sem break niyo magkikita na ulit tayo."

Lumiwanag yung mukha ko sa sinabi ni papa. "Talaga po?"

Eh kasi naman eh akala ko 4 years akong mawawalay sakanila. 3 years pa nga lang sa ISEEB, halos ikamatay ko na.

Ngumiti si papa. "Oo naman. Papayag ba naman kaming hindi."

"Oh, ano okay ka na ba?" Nakangiting tanong ni mama.

"Hindi parin." Sabi ko, saka nagpunas ng luha. "Mamimiss ko kayo eh." Sabi ko ng nakayuko.

"Awww..." Sabay na sabi nina mama at papa saka ako kiniss sa magkabilang pisngi.

"Ako, walang kiss?" Sabi ni Alum na parang bata.

Natawa si papa. "Syempre naman meron ka rin."

Sabay rin nilang kiniss si Alum.

"Mamimiss din namin kayong dalawa." Sabi ni mama na patuloy ang pag-agos ng luha kahit nakangiti. Yumakap siya saamin.

"Sobrang sobra." Sabi naman ni papa at yumakap na rin.

"O siya tapusin na natin itong pagliligpit ng mga dadalhin mo." Sabi ni mama at nagsimula na ulit sa pag-aayos.

Paano kasi nung umalis sila kahapon, kinuha na rin pala nila yung mga papeles at mga gamit ko sa bahay.

Bumili na rin sila ng ilang bagong damit at short. Dahil medyo tumangkad ako simula nung huli kaming magkakasama.

Wiz'nth UniversityTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang