"We need to train. One week nalang Zed, tournament na." Medyo malungkot at naiinis na wika ni Hannah.
"Magkapatid sila di'ba?" Sabat ko.
"Mmh?" Sabay silang tumingin saakin.
"Si... Sir, saka yung mentor nung umatake satin kanina saka nung nakaraan." Paliwanag ko.
"Oo, they are even twins." Sagot ni Zedrick na ikinagulat ko.
May kakambal si singer Weld, I mean si Sir Weld?
"Yet that Warrod hates Sir Weld, so much. Kaya pinupunterya nila tayo. Sir Warrod is a famous and well-awarded mentor and proffesor of Wiz'nth University. He is also one of the Great Sorcerer of Czechteoun, he is as great as Sir Weld once was. He don't want Sir Weld to retrieve his greatness. In short ayaw niya ng kaagaw."
"Sir Weld is going to make a comeback as a mentor in Wiz'nth University." Paliwanag naman ni Hannah. "And we are the comeback team." Tumingin siya saakin. "That's another reason why they are picking on us."
Naramdaman kong parang nanginig yung daliri kong may baptismal ring. Kaya napatingin ako dun at ganon din ang ginawa nina Hannah at Zedrick. Napansin kong kulay green na yung bato sa gitna.
Ngumiti sila.
"They are safe, at paniguradong papunta na sila saatin." Masayang sabi ni Hannah.
Hindi nga nagtagal may isang sasakyan ang dumating. Tumagos iyon sa mga punong nadadaan niyon at tumigil malapit saamin. Kung hindi ako nagkakamali yun yung sasakyang gamit namin nung pumunta kami sa bahay.
Lumabas sina mama at papa mula sa backsit at agad kaming niyakap ni Alum.
"Ayos lang ba kayo?" Nag-aalalang wika ni mama.
Tumango naman ako at muling yumakap.
"Yung tiyan mo, kamusta?" Tanong naman ni papa.
"Nilagyan ko na po ng counterirritant, tito." Paliwanag ni Hannah.
"Mabuti naman." Nakangiting sabi ni papa.
Bumaba si Sir Weld mula sa harap ng sasakyan.
I bowed to him nang nagsalubong yung mata namin.
"Kamusta po sa cabin, Sir?" Tanong ni Zedrick.
"Maayos naman, nagkaroon lang ng ilang palitan ng attack spells, pero agad din silang umalis." Paliwanag ni Sir, kaya nakahinga ako ng maluwag. "Naghintay lamang kami ng ilang minuto pa, para masiguradong hindi na sila babalik."
"Natamaan ba kayo pa?" Tanong ko kay papa.
Umiling siya. "Hindi naman sila lumaban. Nako, huwag nila kaming susubukan ng nanay mo!" Sabi niya na may halong pagmamayabang. Siniko tuloy siya ni mama.
"Hindi naman sila nagtagal, Sam." Sabi ni mama.
"Halina at umuwi na tayo. May mga kailangan pa tayong pag-usapan sa cabin." Paanyaya ni Sir, kaya pumasok na kami sa kotse.
_____
"I-ibig sabihin hindi kayo sasama?" Nanginginig na tanong ko.
"Iiwan niyo nanaman kami ni Samara!" Pasigaw at malungkot na sabi ni Alum.
Yumakap si mama at papa saamin.
Nasa loob kami ngayon ng kwarto ko.
Habang kumakain kami kanina, nalaman ko na isang linggo nalang ay magsisimula na ang enrollment tournament daw ng Wiz'nth University, kung saan ako, si Zedrick at Hannah mag-aaral. Dapat daw sa araw bago pa ang tournament kami pupunta ng Echt, pero dahil daw hindi na kami ligtas na manatili dito, mas maaga na kaming pupunta roon.
BINABASA MO ANG
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 13
Magsimula sa umpisa
