Tumingala siya saakin na nag-aalala. "Does it still hurt?"
"O-okay na naman siya."
"I'm sorry. Akala ko kasi hindi na kita aabutin eh. Buti nalang hindi ka tinamaan ng damuhong Zulus na yun." She sincerely said.
Kaya pala may pana akong nakitang tumama sa puno nung napahiga ako.
"They are Sir Warrod's apprentices. Pati yung tatlong nakaharap natin nung last mission." Sabi ni Zedrick.
"Sa tapat ng bahay namin? Yung tatlong naka-square bangs? Yung lastikman?"
Tumango siya at tumingin ulit sa batis.
"Bakit naman nila tayo kinakalaban? Halos patayin na nila tayo." Sabi ko.
"They are aiming for that." Sabi niya, kaya napatingin ako sa kaniya. "To kill us."
Naalala ko yung sinabi ni Sir Weld nung una kaming nagkita.
"Do you count joining our team as an option?"
"However, its a dangerous place, dangerous people are after us."
Napatingin ako sa singsing na hawak ko. I already joined the team.
Tumayo si Hannah, mula sa kinauupuan niya at lumapit saakin. "Let me see." Tukoy niya sa tiyan ko saka umupo sa tabi ko.
Tinaas ko ng unti yung shirt ko. Medyo namumula pa siya, pero hindi na naman masiyadong ramdam yung sakit.
"Anlaki pala ng timaan, tsk tsk, sorry talaga ha." Sabi niya na mukhang guilty. Itinaas niya yung cuff ng pantalon niya.
"Okay lang yun."
Merong leather holster sa ankle niya at may laman yung mga maliliit na botelya. Kumuha siya ng isang may lamang kulay brownish green na likido. Inalog niya yun saka tinanggal yung cork na nakatakip.
Nakita ko ang parang green na usok na lumabas nang buksan niya yun. Pinahiran niya ang dalawa niyang kamay.
It glows a bit, tapos ipinatong niya yung kamay niya sa tiyan ko.
Ang ligamgam ng kamay niya.
"Tinanong ako ni tita kanina kung sino ang mananalo sa duel nina Zed at tito, kaya I used my fortune telling to tell whose gonna win, yet I saw one of the Zulus hit you with an arrow. Buti nalang nailigtas kita before that arrow hits you." Sabi niya habang hinahayaan niyang nakapatong yung kamay niya sa tiyan ko.
"Thank you ah." Sabi ko.
Medyo kumunot yung noo ko, dahil parang feeling ko simisikip yung balat ng tiyan ko.
Ang wierd.
"Nasaktan ka na nga eh, ti-thank you ka pa." Sabi niya saka inalis yung kamay niya.
Medyo guminhawa yung pakiramdam ko, hindi lang sa tiyan part.
"Pero, thank you accepted." She smiled and wink. Ibinalik niya yung botelya sa ankle holster niya.
"I just can't believe they found us." Sabi ni Zedrick na nakahiga na. Inuunan niya yung kaliwa niyang kamay, habang pinapaikot niya sa kanang kamay niya yung espada na dala niya pa pala. "Wala naman tayong trail na naiwan nung last na lumabas tayo. I made sure of that."
"It's Sir Weld's family house." Mahinang sabi ni Hannah. "It maybe the last place Sir Warrod is going to search for us, but if he detect a small lead, were found defenceless."
"Kung nasa loob lang sana tayo, the whole time." Sabi naman ni Zedrick. "They are not going to find us, without knowing the magic passkey of our door."
YOU ARE READING
Wiz'nth University
FantasyMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
CHAPTER 13
Start from the beginning
