"Congratulations, Ada! I knew you could do it!" si Isidore.

"Salamat sa inyo at sa pagpunta!" sabi ko pabalik.

Regular school day ngayon pero heto sila at sumusuporta sa akin. May iilan pa akong kaklase na bumiyahe rin mula Arroyo papuntang Pueblo dahil sa Marina ginanap ang Regional Meet.

Wala naman akong next na event dahil isa lang naman ang sinalihan ko. May iilan kasi kaming kasama na tigdadalawa ang event at pakiramdam ko sobrang hirap na nun, kahit na manalo ka sa kahit isa roon.

"Are you sure you're okay here?" panigurado ni Reeve nang ihatid ko sila sa gate kung saan naghihintay ang sundo nila.

"Oo naman." Ngumiti ako. "Alaga naman ako nina Coach dito kaya huwag ka ng mag-alala."

Nagpigil ng ngiti si Reeve. "I wish I could've joined the Regional team," aniya.

"Eh may contest ka nga. 'Di pwedeng ipagpaliban iyon," giit ko.

Nakasama na sana siya sa Regional team kung hindi lang siya kinuhang pambato para sa quiz bee nila. Kung papipiliin lang din naman ako, mas gusto kong doon na lang siya sa quiz bee niya para hindi siya mapagod. Graduating pa naman siya at siguradong mas kailangang magfocus siya roon.

"I don't think I'm going to win tomorrow," aniya.

"Bakit naman?" Kinunutan ko siya ng noo. "Ang talino mo kaya. Nire-review rin kita diba?"

"Yeah, but you won't be there tomorrow so I'm not sure if I could answer all of them correctly."

Nilukot ko ang aking ilong sa sinabi niya. "Ang corny mo."

"Hey, I skipped my class for you! You should skip the awarding tomorrow too, for me."

"Hindi pwede! Aba, nagpakapagod akong tumakbo ha!"

Humalakhak siya at inakbayan ako. "I'm just kidding. I know you wanted to receive that award so come and get it. I'll do my best tomorrow, too."

Hinawakan ko ang kamay ni Reeve at siya ay tiningala. Nakadungaw na siya sa akin. Ang ilang hibla ay tamad na nalalaglag at humaharang sa kaniyang noo at ibang bahagi ng mata. Ang kaniyang tusong tingin ay ganoon pa rin, nga lang mas malambot ngayon habang nakatingin sa akin.

"I'm so proud of you. Really," bulong niya.

"Salamat kasi nandito ka. Kahit wala ako sa event mo bukas, proud din ako sa'yo, manalo man o matalo."

Pinisil ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Ngumisi si Reeve sa akin at ang isang kamay naman niya ay kinurot ang aking ilong. Ilang beses na siyang nakakurot sa akin ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit laging ang ilong ko ang pinagdidiskitahan.

"Ingat kayo sa biyahe, ha?" paalala ko sa kaniya nang bumitaw na siya.

Nasa loob na sina Sid at Mabel at siya na lang ang hinihintay. Pwede naman kaming mag-usap pagbalik ko pero talagang ayaw niya akong bitawan ngayon.

"Okay. You too. Be careful here. Drink plenty of liquids because you're tired and eat well."

"Yes, po. Opo. Tanda ko po." Ngumisi ako sa kaniya at itinulak ko na siya patungo sa sasakyan.

Pinisil niya ang kamay kong tumulak sa kaniya. Humalakhak ako at hindi muna dinama ang sobrang kabog ng aking dibdib habang hawak niya ang kamay ko. Lumambot ang tingin sa akin ni Reeve bago niya ako binitawan. Ramdam ko pa rin ang dagundong ng dibdib ko habang lumalayo siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naramdaman iyon.

Kinapa ko ang aking dibdib. Huminga ako nang malalim para kumalma. Ilang minuto akong nanatili roon bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng venue.

Kinabukasan ay ginanap ang awarding ceremony, alas tres ng hapon. Ginanap naman ang competition ni Reeve noong umagang iyon kaya hindi rin ako nakadalo. Advice kasi sa amin na manatili na lang muna sa venue para hindi magkagulo at baka raw may mangyari pang masama sa amin.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now