"Still Basketball, but I don't always make the cut during the Regional. If you're going to win until the Nationals, then I might consider joining the Regional team if ever we win during the Provincial." Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang aking mga daliri.

Bumaba ang tingin ko roon at ngumiti. "Ang hirap ng sa inyo, diba? Pinipili pa kayo for the team. Swerte mo na lang kapag magaling ka talaga."

"Hmm-mm. Kapag di ako nasali, I'll just cheer for you, then. I miss your ostrich-like run." Tumawa siya.

"Reeve!" suway ko. Pinaalala pa talaga.

"But you're so fast. I can't believe you could do it," mangha niyang sabi.

"Lagi na akong sumasali sa sprint, baka hindi mo alam." Tumawa ako. "Talaga bang ganoon ako tumakbo?"

"No, not really. I just love making fun of you. I always get that reaction. Ang cute mo eh." Mahina siyang tumawa.

Napanguso ako. Palaging ganito si Reeve kapag nag-uusap kami. Pinagt-trippan ako palagi. Hindi naman ako naiinis kasi nasanay naman ako kaya minsan gumaganti na lang din kapag may alam akong paraan.

"Reeve," tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"Anong plano mo after graduation sa high school? Dito ka ba sa Arroyo mag-s-Senior High o sa Pueblo na?"

"I'm still not sure. I don't want to depend on Dad's decision either. I want to study in Manila for Senior High. There's an aviation school that offers it, para diretso na."

Tumango ako. "Gusto mo talagang maging Piloto?"

"Yeah. I wanna reach the sky and I might take you there someday. I want you to be my first passenger."

Ngumiti ako. "Eh di, magtitipid na ako simula ngayon. Mahal ang bayad sa eroplano."

"Ililibre kita," hirit niya.

"Sira. Pero seryoso, gusto mo talaga sa Maynila? Ayaw...mo ba talaga rito?" Naging maingat ako sa pagtatanong. Dati palang naman, alam ko ng ayaw ni Reeve sa Marina. Gusto niya sa malaking syudad dahil siguro mas madali niyang makakamit ang gusto niya kapag naroon siya.

"I don't like it here. I only like it because you're here."

"Talaga? Parang hindi naman ako sapat na rason para riyan."

"Maybe, but I tolerated staying here because you're here."

Sumandal ako sa upuan. Ramdam ko pa rin ang pisil ng kaniyang kamay sa akin.

"Kapag doon ka sa Maynila, anong mangyayari sa atin? Tayo pa rin ba?"

"Of course," agad niya akong sinagot. "I don't want to like anyone else, besides you, Little Ada. I'm going to stay loyal to you."

"Hindi naman natin 'yan alam." Bumuntong hininga ako. "Siguradong maraming maganda roon, mayaman at mas bagay sa'yo. Ano ba naman ang panama ko sa kanila?"

"Ada." Inangat niyang lalo ang mga kamay namin. "Are we talking about that again? I made my point, right? I like you and no one's going to stop me from liking or having feelings for you."

"Hindi nga tayo sigurado riyan," pilit ko. "At kung mangyari man iyon, sana sabihin mo agad. Ayaw kong malaman pa sa iba. Hindi kita mapapatawad kapag niloko mo ako."

"I won't, Ada." Tumawa siya. "God, your thoughts are killing me. You're younger than me, yet you thought of me that way."

"Bakit ba? Eh sa ganyan ako mag-isip." Umirap ako.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now