"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Reeve nang sunduin niya ako sa bahay.

"My friends invited me to play with them at a subdivision near our school. Ipapakilala kita."

"Ha? Huwag na. Ayaw ko." Agad akong tumigil sa paglalakad habang hinihila ang kamay ko mula sa kaniya. Nasa labas na kami ng bahay at ang kanilang sasakyan ay nakaparada na sa harap.

Nilingon ako ni Reeve. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong pilit kong hinihila.

"Why not?"

"Kasi nga, ayaw ko. Puro kayo mayayaman doon. Hindi ako bagay roon," katwiran ko na totoo naman. Kapag sinabi ni Reeve na kaibigan niya, awtomatiko kong masasabi na puro mayayaman silang lahat. Iniisip ko na tuloy na magiging kakaiba ang tingin nila sa akin dahil mahirap ako.

"Ada, my friends aren't judgemental," aniya.

Tinitigan ko lang siya. Ngayon ko lang masyadong pinansin ang ayos niya ngayon. Naka-headband na pula ang kaniyang buhok kaya medyo nakataas. Nakikita tuloy ang makinis niyang noo at maliit na hugis ng mukha. Ang kilay niyang medyo may kakapalan ay parang sinuklay para maging perpekto ang hugis.

Simple lang naman ang suot ni Reeve. Naka-t-shirt at shorts na hanggang tuhod, pinaresan niya lang ng mamahalin niyang sapatos.

"Sinasabi mo lang iyan kasi kaibigan mo sila."

"I swear, trust me. Ipapakilala lang kita. Nandoon sila sa bahay noong birthday ko."

Birthday niya? Natatandaan ko pa ang iilan, syempre pati na ang Maliya'ng iyon na masama ang tingin sa akin. 'Yong mga lalaki mukhang okay naman pero hindi ko pa rin gustong magpakampante.

"Ano naman ang ipapakilala mo sa akin? Girlfriend? Hindi mo nga ako girlfriend," sinimangutan ko siya.

Ang magaling na Reeve ay tinawanan lang ako. "No. I'll introduce you as my friend."

"Hindi rin naman tayo magkaibigan."

Napalabi siya nang kaunti. Ang mata ay may matalim na tingin sa akin. "What do you want to call us then?"

"Enemies," agad kong sagot. Inilingan niya iyon at marahan niya akong hinila. Nagpadala ako roon pero hindi naman sobrang lumapit sa kaniya.

"I won't accept that, Ada. Either I call you my girlfriend or you'll call me your boyfriend. Choose."

"Wala nga. Ewan ko sa'yo. Sige. Sabihin mo na lang kaibigan mo ako."

Ngumisi siya. "Okay, friend."

Iyon nga. Sumama ako sa kaniya sa main ng Arroyo papunta sa kanilang school. Balak ko pa sanang magpaiwan sa sasakyan nila pero ano pa bang silbi na sumama ako kung hindi naman pala ako bababa.

Hindi naman nagulat ang mga kaibigan niya nang makita akong nasa tabi niya. Hindi ko pinayagan si Reeve na hawakan ang aking kamay dahil ayaw kong kung anu-ano ang iisipin nila.

Hindi na rin naman ako nagulat na nandoon ang Maliya at may iba pang babaeng kasama. Ang sexy ng suot nila at mukhang bago. Samantalang naka-palda ako at naka-tuck in na t-shirt lang. Hindi naman kasi ako palaayos at siguradong wala rin naman masyadong babagay sa akin kasi maliit ako. Hanggang balikat lang nga ako ni Reeve at hindi na ako sigurado pa kung tatangkad pa ba ako.

"Dito lang ako uupo," sabi ko kay Reeve matapos niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya. Okay naman sila. Mukhang mabait kumpara sa mga babae.

"May mga babae roon. The girls are nice too, Ada," pangungumbinse ni Reeve pero umiling talaga ako.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now