Noong Christmas naman ay roon din kami namasko sa Campo Razzo dahil imbitado ang lahat ng farm workers at pamilya nila, kaya nandoon din kami at nakipagdiwang sa kanila. As usual, si Reeve ay kinulit na ako nang kinulit kaya nasanay na rin ako.

Hindi ko alam na magugustuhan ko ang pangungulit na iyon. Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi ako magkakagusto kay Reeve kaya panay lang ang sabi kong hindi ko nga siya gusto. Pero naging madalas siyang pumasyal sa bahay at nakikipaglaro sa mga nag-ba-basketball sa plaza.

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ba pwedeng kay Isidore lang ako magkakagusto? Mabait, matalino, at siguradong aalagaan ka. Si Reeve matalino at medyo maalaga, sige ibibigay ko iyon, pero hindi ko naman masasabing mabait. Mabait siya siguro kapag pinagbigyan mo pero kapag hindi, aba baka magkalaban na kayo sa susunod na araw.

"Ada," tawag ni Isidore sa akin.

"Bakit?"

"Do you know things I can give a girl to Valentine's day?" aniya at mukhang nahihiya.

Kumurap ako. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon sa tanong niyang iyon. Kung oobserbahan, totoong nahihiya nga siyang magtanong at parang ayaw pa na ako ang tanungin.

Sa tanong palang niyang iyon, alam kong hindi para sa akin ang kaniyang ibibigay. Kung para sa akin man, eh di alam na niya ang ibibigay. Kaibigan niya ako at alam kong kilala na ako ni Isidore. Alam niya ang gusto at hindi ko gusto.

"Para kanino mo ba ibibigay?" Kunwari akong naging interesado. Oo, umaasa ako pero alam ko namang hindi niya sasabihin ang pangalan ko. At kung aamin siya ngayon, parang hindi naman tugma sa pagtatanong niya.

"Kay Fia...sana." Ngumiti siya at parang alanganin pang sabihin sa akin iyon.

Ang pag-asa ko ay tuluyang nalugmok. Sabi ko na nga ba. Halata ko naman eh. Matalino si Fia, maganda rin naman at may talento. Ang linis tingnan kahit hindi ko man aminin sa sarili ko.

Ang layo-layo niya kumpara sa akin. Hindi ko naman idina-down ang sarili ko pero iyon naman kasi ang totoo. Paano ba naman kasi ako magugustuhan ni Isidore, eh kaibigan niya ako. Paniguradong kapag kaibigan lang para sa kaniya ay kaibigan lang talaga.

Umahon ang ngiti sa aking labi. Nagkunwari akong excited dahil sa kaniyang sinabi.

"Ang girly naman kasi masyado ni Fia...hmm." Nag-isip ako.

"Kaya nga hindi ko alam ang ibibigay. You're not that girly but your opinion matters because you're my friend. Magtatanong din naman ako kay Mabel mamaya."

"Mga dress. Bigyan mo siya noon kasi parang mahilig naman siya sa ganoon? Kapag nagsisimba kasi nakikita ko siyang nagsusuot."

"Do you think she'll like that?"

"Oo naman. Samahan mo ng hairpins o pantali sa buhok. Bahala ka na basta magaganda lang ang kulay."

Posible pala akong ma-disappoint kay Isidore dahil iba ang kaniyang gusto. Alam kong wala naman sa isip niya ang magkaroon ng girlfriend lalo pa at ang bata pa namin. Ilang taon palang naman kami pero ito siya oh, magbibigay na ng magandang gamit sa babaeng gusto niya.

Masasabi kong swerte ang babaeng magugustuhan ni Isidore kasi is-spoil siya nito, sigurado. Ako ngang kaibigan ni Isidore ay binibigyan niya ng oportunidad na makasama siya sa kahit saan, ano pa kaya 'yong babaeng magugustuhan niya, diba?

"Why are you in such a grumpy mood?" tanong ni Reeve sa akin nang umupo siya sa tapat ko.

Nasa garden ulit ako ng bahay nila at tumatambay na naman. Matapos kong maglinis sa bahay at tulungan si Mama ay dito ako agad dumidiretso. Ang sabi kasi sa akin ni Isidore ay tutulungan ko siyang pumili. Sinabi ko sa kaniya na hindi naman niya ako kailangan at nandoon naman si Tita Letitia para tulungan siya pero mapilit. Gustong tulungan ko siya sa ireregalo niya kay Fia sa Valentine's day.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now