Chapter Thirty One

169 12 2
                                    

[Marie]

"Gooooo!" Sigaw ko habang naka megaphone.

"Let's go! Let's go! Let's go!" Sabi naman ng buong team habang nagjojogging sa school premises.

"Gooooo!" 

"Let's go! Let's go! Let's go!"

"Gooooo!"

"Let's go! Let's go! Let's go!"


After we lost to Golden Salamanders, we decided to make the practice more disciplined and strict. Hindi kami pwedeng matalo sa huling laban namin, dahil iyon ang magdedetermine kung makakasali ba kami sa Regionals or hindi. Siguradong champion na ang Salamanders, ang second place na lang ang paglalabanan namin at ng Cyan Wolves, kaya hindi kami dapat matalo dito.

That Cyan Wolves, though. Nasa isip ko pa rin kung gaano kagaling ang freshman nila. Alam kong siya magpapahirap sa amin sa laban. Hindi dapat kami pumetiks.

When it comes to accepting the fact that we lost, we are doing our best to move on and focus on the current situation. Walang maidudulot kung magrereklamo lang kami at masasayangan. May susunod pa kaming laban. We shouldn't cry over spilled milk.

But Kenji... though. Sa ngayon kasi, 'di muna siya humahawak ng bola dahil nagpapagaling pa siya ng kamay. Puro exercise para sa stamina ang ginagawa niya. I hope pagdating ng laban, okay na ang daliri niya. Ang sama rin kasi ng lagay, natuklap yung kuko niya, pero hindi naman fully, pero masakit pa rin iyon.

But I know, he's gonna do his best.


Natapos ang practice namin ng 8pm and we are all now getting ready to go home.


"Cara, sabay tayong umuwi?" Narinig kong tanong ni Jam kay Cara.

Chismosa mode, on!

"Ah, may dadaanan pa kasi ako eh," si Cara.

"Uhm, saan? Pwede naman akong sumama pa rin," si Jam.

"Matatagalan ako eh. Sa susunod na lang. Sorry ah?" And Cara left.

And there's Jam, nakatayo lang ma parang tuod after being left by Cara. 'Di ko masabi if he's hurting or what, but for now, Cara is doing great in standing her ground. She needs to focus on other things.

"Huy," halos tumaas lahat ng balahibo ko nang bulungan ako ni Kenji sa kanang tenga ko. Bigla kong naramdaman ang paginit ng tenga at ng buong mukha ko.

"K-Kenji?"

"Layo ng tingin mo ah?" Nakangiti niyang sabi sakin.

Error. Error. Error. 

Brain malfunctioning.

Hahahaha. Putangina. Bakit ganyan siya makangiti sa'kin? P..parang matutunaw ako.

Tangina! Nagsisimula na namang kumulo ang sikmura ko. Ano bang--

"Marie?"

"Ah! Haha! May iniisip ako eh!" Palusot ko.

"Gusto mo bang pagusapan? Pares tayo?"

H-Ha?! Pares kami?!

Depota ang lakas ng tibok mg puso ko!

"P...pares tayo?"

"Oo?" 

"P-pero--"

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon