Chapter Fifteen

191 18 8
                                    

[Marie]

Ako naman ngayon ang nakaglue ang mata sa court. Nakahabol na ang kalaban sa amin at dalawa na lang ang lamang namin sa kanila. 

Tumapak na sa court ang playing coach naming si Kenji at ito ang pagkakataon na makikita ko siyang maglaro.

Sa pagkakataong ito, sa kalaban ang bola dahil si Jolo ang huling gumawa ng points. Hawak ng point guard nila ang bola at binabantayan siya ni... Kenji? Si Kenji ba 'yon?! Bakit... bakit iba ang expression ng mukha niya?

Nakangiti siya. Yo'ng ngiting naghahamon.

Hindi ko pa siya nakitang ganiyan.

Sinubukang magpasa ng guard nila pero naabutan ito ng kamay ni Kenji tapos biglang nadoon si Shane para kunin ang bola

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinubukang magpasa ng guard nila pero naabutan ito ng kamay ni Kenji tapos biglang nadoon si Shane para kunin ang bola. Napakabilis ng pangyayare dahil pagkakuha ni Shane ng bola, hinagis niya agad ang bola sa kabilang court. Pagtingin ko, nandoon agad si Kenji at sinalo ang bola.

TEKA POTA PAANO SIYA NAKAPUNTA DON? ANG BILIS NAMAN NIYA YATA?!

Pero natigilan ako nang mapansin ko kung paano niya hawakan ang bola. 

Kaliwete?! Sa kaliwa siya nagddribble! All this time, hindi ko napansing kaliwete siya.

Ang bilis ni Kenji kumilos. Hindi na siya nahabol ng mga kalaban kaya dineretso layup na nya ang bola.

Unang 20 seconds, siya agad nakapuntos.

Naghiyawan ang mga tao sa gym.

"Grabe, ang bilis naman yata?!" Gulat na sabi ni Arci.

"'Di n'yo pa nga pala nakikitang maglaro yang si Captain." Sabi ni Kian. "Tangina, halimaw 'yan."

"Parang... hindi siya yung nakaupo doon sa bench kanina." Bulong kong hindi makapaniwala.

"Hindi talaga," sabi ni Jolo. "Pag off-court mabait at magalang siyang tao. Pag nagcocoach siya, kalmado at seryoso. Pero pag pinaapak mo na siya sa court, para kang nagpakawala ng hayop sa gubat."

Napatingin ulit ako sa court at tiningnan ko ang mga mata niya. Oo, hindi na nga siya yung nakakausap ko at tinititigan ko kanina sa bench. Para siyang ibang tao.

Sa laban... nagawang maka intercept ni Harold. Nang makuha nya ang bola, pinasa niya agad kay Kenji ang bola. Hinigpitan ng kalaban ang pagbabantay sa kaniya, pero yung expression ng mukha niya, hindi pa rin nagbabago.. mukhang naghahamon pa rin.

Sinubukang i-steal ng mga kalaban ang bola mula sa kaniya pero pinadaan niya sa likod ang bola sabay dribble sa kanang kamay, tapos umikot siya, balik sa kaliwang kamay at nakalusot. Putanginang yan! Muntik nang hindi masundan ng mata ko 'yung crossover na 'yon sa bilis ng pagkakaexecute!

Ang kaso, pag lagpas niya sa dalawa, may panibagong dalawang kalaban agad nasa harap niya.

 Pero ginawa niya ang bagay na walang inaasahang makakagawa.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon