Chapter Twenty Seven

167 13 2
                                    

[This chapter is dedicated to my aunt who acted as my 3rd mother who died this June 15 of cardiac arrest. ((Date of typing this ch. is July 4 in the dawn))]


-----

[Kenji]

"Jolo!" 

Napakurap ako nang makita ko siya, pero na-sense ko din agad na may mabigat na dinadala si Jolo dahil sa expression ng mukha niya at ng aura niya. Kilala ko na kasi si Jolo, kaya alam kong may mabigat siyang dala.

"May sasabihin sana ako... at hihinging pabor," ani nito.

"Sige, umupo tayo sa bench," sabi ko.

Sama-sama kaming umupo at pumalibot kay Jolo.

"Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ako nagpakita ng ilang linggo."

"Ano ang dahilan?" Tanong ko.

"Nuong mag-start ang match natin noon saGray Howlers, nakatanggap ako ng chat sa ate ko na nastroke si tatay, kaya hindi maganda ang laro ko no'on. Matapos no'on parati na akong nasa ospital para bantayan siya. Hindi ko magawang sabihin sa iba ito dahil sobrang sakit sa akin ng mga nangyayare," lumuluhang paliwanag nito.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko habang pinapakinggan si Jolo.

"Hanggang nitong nakaraan lang, nastroke ulit siya. Baldado na si Tatay," umiyak na ito.

Agad kaming umakap sa kaniya.

"Sabi ng doctor, baka isang linggo na lang din ang itagal niya."

Wala sa amin ang makasagot. Hindi namin alam ang sasabihin.

"Captain, next week na ang laban natin sa finals 'di ba? White Samurai ang kalaban natin, 'di ba?" Tumingin sa akin si Jolo.

"Oo," sagot ko.

"Maaari bang... ako ang palaruin mo bilang point guard sa buong match?"

Nanlaki mga mata ko.

"Parati kasi akong suportado ni Tatay sa paglalaro ko ng basketball kaya gusto kong makita niya akong maglaro kahit sa huling pagkakataon lang," humihikbing sabi nito.

Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi ako makasagot. Hindi dahil natatakot akong matalo kami, pero nasasaktan ako dahil sa mga nangyayare sa kaniya.

"Ipapapanalo ko ang laban, pangako."

Nilapat ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at saka ko siya nginitian.

"Alam kong mananalo tayo, Jolo. Pumapayag ako."

Napakagat siya ng labi habang umaapaw ang luha sa mga mata niya. Agad siyang napasandal sa akin at umiyak nang umiyak.

"Nandito ang buong team, Jolo. Gawin mong proud ang tatay mo," sabi ko.

"Pangako! Pupunta ako dito ng alas singko simula bukas pra magpractice hanggang sa dumating ang laban. Hahalili naman ang ate at nanay ko sa pagbabantay kay Tatay pag wala ako."

"Aasahan kita," sabi ko.

"Nandito lang kami, Jolo!" Si Kian.

"Buhatin mo kami sa laban ah?" si Shane.

"Pasasaan pa at hindi naman tayo magiiwanan," si Tyrone.


Oo, Jolo. Hindi ka namin pababayaan.

The Playing Coach's Manager (Redo)Where stories live. Discover now