17. Raising Ruru

87.5K 3.3K 537
                                    

Thank you for your interest in this story. This story can also be viewed on Dreame app.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories.

***

LAURENT

"Ruuuuruuu! Ruuuruuu!" Anang baby creature mula sa nabasag na hwy. Napakacute nito na nagmukhang baby chimera. Kulay rosas ang ulo nito na may claws na parang sa agila. Its small wings are a combination of deep blue and silver. Kumikinang ang mga mata nito habang nakamasid lang saakin. Ayaw pa nitong lumabas mula sa itlog ng yinyang. Marahil ay nahihiya pa o kaya'y natatakot.

Sa mukha ko?

Bigla akong naconcious. Nakasimangot na naman ba ako at pati ang nilalang na 'to ay natakot na naman saakin?

"Ruruuuu... rururu" tunog 'yon ng magkahalong batang ibon na leon na kambing na tunog tao. Weird.

"Ruru! Baby ruru! Come here! Here's ninang Amber and ninong Silex!" Nakita ko ang amusement sa mukha ni Amber na noo'y nakaluhod na at nakalahad ang dalawang bisig sa creature na tinawag nilang ruru.

Umiling-iling ang ruru monster. Nahihiya ito at halatang takot. Parang si Lara lang, mahiyain at matatakutin.

Siyempre hindi sumuko si Amber na sinuportahan pa ni Silex. Susuko ba naman ang kadaldalan nito sa isang paslit na kakalabas lang ng itlog?
"Come on baby... papa Lulu is there!" Anito sabay turo saakin. What the hell did she just call me?

Papa Lulu?

Shit. Hell no!

"Go baby. Leap on papa Lulu's lap!" Amber encouraged the creature. Mukhang nagkaroon naman ng lakas ng loob ang ruru monster at nag-wiggle pa ito ng buntot na hawig sa buntot ng kambing. Its ears rose like it saw me
and liked me.

"Amber could you stop it!?" angil ko. "Cut the papa Lulu thing. Ansakit sa tenga."

"Stop what? He likes you!"

Hah? He? At may kasarian na si ruru.

Nagtiim ang mga bagang ko. I don't like my new name. "Stop calling me Lulu! Masakit sa tenga!"

"Shut up Laurent. Ruru likes it. Papa Lulu, huwag ka ngang ganyan sa bata... Natakot na siya sayo," bulong nito na para talagang may batang musmos na nilalambing.

The creature wiggled again. As if excited to see me and play with me.

"Ngumiti ka! Kahit ngayon lang!" Utos ng madadang babae.

Para akong alipin at walang nagawa kundi luwagan ang ekspresyon ko. Bahagya akong ngumiti na lalong nagpaexcite kay ruru. Kumaripas ang bagwis ng maliliit nitong pakpak. At nagningning ang mga mata nito. I saw rainbows on its eyes --circular rainbows.

Sa di maipaliwanag na dahilan, it softens my heart at nabato ako dahil sa mga memories na ipinakita nito saakin by just staring at his eyes. Matagal yun. Nakakahipnotismo.

"Laurent! Laurent!" Amber ranted na dahilan na pagbalik ko sa ulirat.

"What!?" I blustered.

"Lambingin mo nga 'yang baby mo. Kanina pa 'yan gustong magpakarga!"
"Laurent, he likes you." Suporta ni Silex sa pang-uuto ni Amber. Na natatawa at natutuwa.

What? Baby? May anak na ako? Ano?!

Nang lingunin ko ang ruru monster na nasa itlog parin ay bigla itong tumalon mula sa kinalalagyan. It leaped towards me and I was surprised or shocked is the fitting term.

"Woooah!" bulalas ko.

Narinig kong nagtawanan sina Amber at Silex nang matumba ako sa pagkakaupo. The creature kept on saying "ruruuu" as it cuddles me and curls itself on my chest. Para itong batang sumuksok sa pagkalinga ng magulang.
I remembered carrying Miranda when I was young...

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon