"Ako." Tumawa siya. "Syempre, ako."

Sumimangot lang ako. Nang matapos ako sa mga pagkain ay iniwan ko na siya roon. Bahala siyang sumunod dahil maghahanap na lang ako ng mauupuan sa loob. Wala na kasing upuan sa garden nila dahil naroon na halos lahat at nakaupo.

"Sid!" tawag ko nang makarating sa receiving area nila at pababa pa lang si Isidore kasama ang mga pinsan. Gaya ng sabi ni Reeve ay sina Eron at Mich lang iyon.

"Ada, hello!" bati ni Mich at kumaway sa akin. Kumaway ako pabalik at nakangiti na.

"Daming pagkain ah!" puna ni Eron sa pinggan na dala ko.

"Hati kami riyan," singit ni Reeve nang itatanggi ko sanang hindi ko naman mauubos.

Nagtaas ng kilay ang dalawang magpinsan din. Pareho kaming tiningnan ni Reeve nang nakakaloko kaya eksaherado akong umiling agad.

"Hindi, uy! Maniwala kayo sa pangit na 'to."

"Kailan pa kayo naging close?" Taas-baba ang kilay ni Mich. "Hmm, I smell something fishy talaga. Isidore? Care to tell?"

"Kuya likes Ada. That's all," ani Isidore at ngumiti pa. Agad niyang ibinaling ang tingin sa akin.

"Dito ka kakain? We'll be eating outside together with the visitors. May pwesto na kami roon."

"Eh baka kasya lang sa inyong magpinsan?"

"Hindi 'yan. Doon ka na sa amin," singit ni Mich at inakbayan pa ako. Dumikit tuloy sa akin ang pambabae niyang pabango.

"O-okay. S-sige!" Natuwa ako.

Nakisali nga ako sa kanila. Napapagitnaan ako nina Reeve at Isidore. Habang sa harapan namin ay sina Mich at Eron. Parehong kakaiba ang tingin sa amin lalo pa at mas kinakausap ko si Isidore kaysa kay Reeve.

"Sino ba talaga ang gusto ni Ada? Si Reeve o si Sid?" nakakalokong tanong ni Eron at sumandal pa sa kaniyang upuan.

Namilog naman ang mata ko. "W-wala akong gusto!"

Mahinang tumawa si Reeve sa tabi ko. Agad ko namang inapakan ang paa niya para magtigil siya.

"Ooh! So basted na pala agad si Kuya Reeve?" Humalakhak si Mich. "Basted ka pala Kuya eh."

"Shut up," ganti ni Reeve at sumandal na rin sa upuan. "Nanliligaw pa lang naman ako. Hindi niya naman sinabing tumigil ako. In fact, she's been keeping the flowers I sent her."

"Ilang beses ko na kayang sinabi sa'yo na ayoko," humirit ako.

"Nagsabi ka? I was not aware. I don't want to listen either."

"Naku, naku. Hindi ka ba nagseselos Sid? Inaagaw ng Kuya mo ang best friend mo." Inilipat ni Mich ang tingin sa katabi ko.

Kahit ako ay napatingin din at inaabangan ang magiging sagot.

"As long as Ada's happy, I don't have a problem with Kuya. I'm not gonna get jealous."

Ngumiti si Isidore.

Salamat na lang sa lahat, Isidore. Napakagaling mong kaibigan. Talagang ipinaparamdam mo sa akin na wala akong pag-asa sa iyo kahit sa simula pa man.

Pinaglapat ko ang mga labi ko. Ibinaba ko ang aking tingin sa pagkaing sinisimulan ko pa lang kainin. May lumitaw na kamay roon at pasimpleng kinuha ang lumpiang shanghai sa pinggan. Sinundan ko iyon ng tingin.

"Sarap," sambit ni Reeve sabay nguya. Ang mapanuya niyang tingin ay nasa akin. Kahit di niya sabihin, alam ko na agad ang ipinaparating niya.

"Akin 'yan eh," reklamo ko at hindi pinansin ang tingin niya.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora