Chapter Thirty

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kenji!" Napasigaw si Tyrone nang tumumba si Kenji nang makalusot si Marko sa depensa niya.

"Okay lang!" Sagot agad ni Kenji at saka tumayo at bumalik sa laban.


Kenji... napapagod ka na... 'di ba?


Dumaan ang oras at naghahabulan pa rin kami sa score. 64-65 ang score namin ngayon at patapos na ang third quarter. Halata na sa galaw nila na napapagod na sila... lalo na si Shane na kanina pa naglalaro.

Nang matapos ang 3rd quarter, hiningi uli ni Kenji ang records sa akin at binasa ito habang tinitape ulit ni Cara ang daliri niya. Wala siyang awat. Habang tinitape pa rin ni Cara ang daliri niya, nagcocoach siya sa mga myembro namin.

Sa huling quarter, pinalitan ni Jam si Nicko at saka ni Glai si Shane. Kailangan nilang ulit magadjust ng playstyle dahil hindi kasing firm shooter ni Glai si Shane. Magaling si Glai, pero top class si Shane kung tatanungin mo ako.

Konting segundo na lang at magsisimula na ang huling quarter.

"Kenji..." tawag ko.

Lumingon siya sa akin.

Nakayukom ang mga kamay ko dahil... ewan ko ba. Tinawag ko siya pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero alam kong may gusto akong sabihin. Napapaloob din ang mga labi ko sa bibig ko dahil sa kaba.

Kumurap siya at saka ngumiti. "Ayos lang ako," ani niya.

Wala akong nagawa. Tumango na lang ako.


Nagbalik sila sa laro at itong quarter na ito ay wala ng balak magbigay ng awa ang kalaban. Nang makuha ni Kenji ang bola, tatlo agad ang nagbabantay sa kaniya. Wala ni isa sa amin ang may alam ng gagawin niya dahil sa hirap ng sitwasyon niya but he just kept on surprising us. Tumalon siya ng paatras at tinira ang bola. May humarang naman sa kaniya pero dahil nga fade away ang tira niya, hindi ito naabot.

Pumasok ang 3 point fade away shot ni Kenji which brought the score to 67-65. Ito ang unang beses na nakalamang kami.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang dahilan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko sa totoo lang. Paghanga ba? Pagaalala? Excitement? Takot? Who the fuck knows?


Matapos noon, sa kabila naman ang bola. Hawak ni Marko ang bola at gumawa ng sobrang gandang crossover sa harap ni Kenji. Nakalusot ito at nakapagjumpshot. 

Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapabalik ang tingin ko kay Kenji. Nakahiga upo pa rin ito sa court at nakahawak sa binti niya. Halatang nasasaktan siya.

"Timeout! Timeout!" Mukha akong tanga na sumugod sa court habang sumisigaw niyan. 

"Kuya!" Kasama ko si Cara na pumunta kay Kenji.

Nangangatog ang kamay ko. 

"Pulikat," nasaaktang sabi ni Kenji. 

Kapag ang isang basketball player ay sobrang napagod at naubusan ng tubig sa katawan, pwede silang magkafatigue at pulikat. Natandaan ko ngang hindi na napainom ng energy drink si Kenji kaninang break dahil nagcocoach ito. Isa pa, mapapagod talaga siya sa dami ng nagbabantay sa kaniya, plus hindi birong makaone on one si Marko.


"Injury timeout," sabi ko sa ref.

"Jolo, warm up ka na!" Sigaw ni Tyrone.

The Playing Coach's Manager (Redo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon