"Wee?" Pang aasar ko sa kaniya. Pasimpleng hinihilot ang binti.

Masakit talaga!

Kakatalon ko siguro 'to kanina

"I don't like the way people stared at you." Deretsang saad niya tsaka dumating ang pagkain. 

Itinago ang gulat at kilig, kumain ng tahimik.

Hindi na ako nagtanong pagkatapos non dahil sabay pang tumawag si Papa at ang mommy niya kaya parehas kaming napalayo sa isat Isa para nakausap sila.

"Ayos lang ako pa, ikaw?" Nakangiting sabi ko at tinignan ang lalaki sa kabilang banda. Kunot ang noo niya at parang inis pero kanlaunan ngumiti.

"Ayos naman. Mag iingat kalang diyan. Kumain kana ba?"

"Yes naman. U?" Natatawang sabi ko.

"Opo." Halakhak niya sa kabilang linya. Sinasabayan ang trip ko.

"I lock mo ang pinto. Wag kalimutan." Paalala ko na tinawanan niya ulit.

"Ikaw rin, ang ugali Lloyora ha."

"Mabait naman ako ah?" Tawa ko.

"Si Hanz ang mabait. Nako pag may ginawa naman iyang kasalanan magkakasagutan kami. May pinirmahan iyang permit." Sabay tawa niya ulit bago napakunot ang noo ko.

"Permit?" Tanong ko pero nagpaalam na agad siya ng tinatawanan ako!

Kunot noo at nakasimangot akong bumalik sa upuan habang iniintay siyang matapos. Mabilis rin naman siyang bumalik ng nakangiti. 'Yon nga lang nawala ng makita ang mukha ko.

"What happened? Is there something wrong?" Batid ko ang pag aalala niya.

"Wala." Sabay ngiti ko at patuloy ng naiwang pagkain. Ganoon din ant ginawa niya pero sinisipat ang itsura ko.

"Iuuwi naba kitang probinsya?."

"Ha? Bakit?"gulat kong tanong. Tinignan siya at nakita ko ang pag aalala sa mata niya. Tumawa na ako.

"Promise wala talaga to." Pang a-assure ko sa kaniya.

Huminga lamang s'ya ng malalim bago nagpatuloy sa pagkain .

"Anong permit?" Maya mayay hindi na mapigilan ng bibig ko. Naglalakad na kami pabalik ng Arena kung nasaan ang sasakyan niya. Umapila ako ng bubuhatin niya ako kanina kaya imbes ang style namin ngayon ay parang mag shota.

Kahit kasi kaya ko namang maglakad at hindi pa ako lumpo ay hindi siya pumayag.  Hinawakan niya talaga ang braso ko na parang hirap na hirap ako maglakad. 

"Pinirmahan ko."

"Para saan?" Tanong ko ulit.

"Wala. Gusto kolang."

Tinignan ko siya bago matawa.

"Ano to parents consent?" Halakhak ko.

"Na kapag may nangyaring masama ikaw mananagot?jusko si Papa talaga!"

Tumawa siya pero napaisip din ako sa sinabi ko. Parang ibang meaning noon saakin!

Putangina.

"I am the one who did that." Pag amin niya.

"As what I already said months ago, You're safe when you're with me. I just assured Tito Lui."

Wala akong nasabi pagkatapos ng mga pangyayaring iyon. Normal parin naman kaming usap pero hindi na ako nagtanong ng nagtanong.  Sabay kaming pumasok sa condo nila malapit sa makati. Namangha ako sa itsura noon. Pinaghalong dark brown at puti ang kulay ng kalooban. Malaking bagay narin na may condo sila rito sa manila dahil kung nalaman kong gagastos siya para sa condo na isang gabi lang tutulugan ay hindi na ako sumama.

Akala ko panga noong una ay sinabi niya lang na kanila ito para hindi ako mag alala sa mga bagay pero si Hazy pa mismo ang nag assure saakin para rito. I mean alam ko namang mayaman sila pero malay ko ba kung bakit assuming ako.

May tatlong kwarto doon. Si Hanz sa kabila at ako naman ay doon sa dating kwarto ni Hazy. Malinis at mukhang naalagaan parin kahit hindi na masyadong natitirhan.

Napaisip tuloy ako kung bakit sila may Condo rito sa maynila .

Hanz:
10:20pm

Hi. Are you still awake?

Nag vibrate ang cellphone kong nakapatong sa side table. Kunot ang noo kong kinuha iyon. Alas dzies na at hindi parin ako makatulog, sobrang dami ko atang iniisip ngayon dagdag pa ang lamig ng aircon. Ganon daw kapag sobrang saya? Hindi agad makatulog at iniisip ang magagandang nangyari.

Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Hindi ako nakasagot kaagad kaya bigla itong tumunog sa tawag. Napaupo ako sa kama at pinakinggan ang sariling boses, nang handa na akong sagutin 'yon biglang nag call ended!

"Hayyyy!" Napahiga nalang ulit ako sa inis sa sarili.

Hanz:

Good night.

Huling reply niya bago ako makatulog. Akala n'ya siguro tulog na ako!

__________________________________________________________________________________

:)

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 13, 2024 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

String ConsequenceOnde histórias criam vida. Descubra agora