Tumaas ako dala dala ang maliit na kahon,hindi mawala ang ngiti sa labi. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng maliit na shelves at naghanap sa damitan ng kumot.
Ibinaba ko ang kumot sa malalapad niyang balikat. He's really sleeping, base sa nakikita ko. Nakatagilid na kasi ngayon ang mukha niya. Lalo kong nakita ang kalayaan sa sariling makita ang mukha niya ng malapit.
Sigurado akong hindi magtatagal at magigising din siya nang masakit ang balikat. Hindi ko naman siya kayang buhatin, kaya hinayaan ko nalang na nakaganoon siya.
Umupo ako sa sofa at walang balak na matulog. Hindi naman ako inaantok, isa pa umaga narin naman.
"Lori!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni Pia. Nakakunot ang noo, unti unti kong minulat ang mga mata at nakita siyang naka dungaw saakin.
"Good morning!" Sabi niya. Tumawa ng malakas.
Nagtaka at nag unat pa ako saglit bago napabalik sa ulirat.
"Putangina." Saad ko at dali daling umupo. Pinalibot ang tingin sa buong bahay habang rinig na rinig ang tawa niya.
Nakatulog ba ako?!
"Sinong hinahanap mo?" Panunudyo niya, ramdam ko ang pag upo sa gilid ko.
"Umalis na." Napaisod ako ng bumulong siya saakin.
Masamang tingin ang iginawad ko sa kaniya bago tumayo at pumuntang kusina para mag hilamos.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit umalis?" Sabi ni Pia at nakasunod saakin sa kusina.
"Bakit?" Sabi ko nakatalikod sa kaniya, hininto ang gripo.
"Kase... nakita ang pagmumuka mo habang tulog!"Sabay halakhak niya ng malakas.
Sa unang araw ng taon, pangalawang beses akong napamura. Namula ang mukha ko habang iniisip na ganoon nga ang nangyari.
"At hindi mo ba tatanungin--"
"Tigilan mo na ako ha." Sabi ko. Frustrated na umupo sa high chair at masamang tinignan siya. Kung banatan ko kaya 'to? Ang aga aga!
"Ikaw din...bahala ka." tawa niya bago pumasok sa cr.
Naiihi na siguro sa kakatawa. Buti nga.
"Natatae ako sa mukha mo." Sigaw niya pagka lock ng pinto.
Natawa ako at agad ding nawala, napalitan ng pag iisip kung nasaan ang lalaki. Nakita niya ba talaga ako habang tulog? Ano kayang klaseng mukha ang mayroon ako? Anong oras kaya s'ya umalis?
Ibat ibang tanong ko sa utak habang nag sisisi kung bakit kaya ako nakatulog.
"So you're awake now." Mula sa pagkakaupo sa high chair. Nanigas ako sa upuan. I heard footsteps coming in my way. At hindi ako p'wedeng magkamali dahil boses 'yon ni Hanz!
"Good morning." Sabay ngiti niya sa harapan ko bago ipatong ang paper bag ng pagkain.
Hindi ako nagsalita at pilit pinakalma ang sarili. Hindi nakatulong ang naririnig kong tawa ng babae sa loob na ng cr!
Sabi ni Pia umalis na?!
Agad agad akong tumayo kaya agad niya akong nilingon. Kunot ang noo pati kilay.
"Where are you going?" Tanong niya bago pa ako tumakbo papuntang kwarto.
Buti nalang talaga naghilamos ako, pero hindi pa ako nagsisipilyo!
Bumaba ako pagkatapos ng lahat. Nakita kong kumakain na si Pia sa kusina at mag Isa siya doon. Tsaka ko lang nakita ang lalaki sa may pinto at may kausap sa cellphone.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
