"Sama ka mamaya?" Rinig kong tanong ni Pia kay Chloe. Hapon na at pauwi narin kami pero naisipan pa nilang intayin si Ivan na nagpapractice sa music room. Wala na naman akong gagawin kaya dito muna ako. Maaga pa naman. Nakatambay kami sa court kung saan may mga third year na naglalaro.
"Hindi ako sure, E ikaw Lori?" Sabay baling n'ya sa'akin.
"Aba game yan palagi!, Tsaka hindi naman tayo lalagpas ng bayan e!. Para namang hindi kabaranggay Chloe".Naunahan pa'ko sa pagsagot ni Pia.
Nag isip ako kung may gagawin ako mamayang Gabi o kung may quiz kami bukas pero wala naman. Yoong final project lang sa research ang pinapapasa na naipasa kona nung isang linggo pa, bukod don wala na.
Sa buong mag hapong pag iisip kung anong nangyari kaninang umaga ay mabuti naring walang pinagawang magpapahirap sa utak ko ngayong araw.
"Mag papaalam nga ako, kita mo naman and'yan si Kuya Kai e" Banggit n'ya sa kuya nyang kakauwi lang galing manila. Masyado kasing mahigpit,ultimo paghahatid sa school gusto s'ya ang maghahatid kay Chloe. Mas naging mahigpit panga ngayong hindi na kami nakikipag away.
"Basta pupuntahan kita" walang pakialam na Sabi ni Pia at tumayo ng makashoot ng bola ang third year na hindi ko kilala.
"Galing mo kuya! Anong name mo! " Nakakahiyang sinabayan pa n'ya ng pagsigaw 'yon. Napatingin ang lalaki at sumaludo lang sa kaniya sabay kindat kaya tuloy parang bulateng napapahampas kay Chloe. Lumayo naako alam kong madadamay ako. Tumawa ang mga player's at ibang estudyanteng nakakita no'n.
Paiba iba ng nilalandi ang babaeng to walang kasawa sawa. Hindi nga yata n'ya yon kilala, basta gwapo talaga!
"Anong nangyayari diyan?" pagkadating na tanong sa'akin si Ivan,sabay naming pinanood si Pia na natulala doon sa player. Nakasukbit ang gitara niya sa kabilang braso, sa kabila naman ang bag niya.
"Sampalin monga, hibang nanaman." Sabi ko tinapik ang braso niya at nagsimula ng maglakad patalikod sa kanila. Rinig na rinig ko kung paano mag sagutan ang dalawa. Kung hindi lang ako iba sa kanila gugustohin kong sila nalang dalawa. Bagay naman isang aso at isang pusa.
Mag aalas siyete na nang gabi at wala padin sina Pia. Pinagmadali pa ako ng bruha dahil maaga daw siyang pupunta . Sinabi ko naman na dito nalang sa baranggay hall ako daanan para mas mapadali. Naka kulay dilaw akong hoodie na halos umabot hanggang binti, tama lamang yon dahil malamig na pagka Gabi lalo na't sasakay pa kami ng Jeep o trysikel papuntang bayan.
Malapit na ang fiesta doon at ngayon ang pangalawang araw na bukas ang mga pasyalan. May mga banda na tumutugtog galing sa ibat ibang lalawigan pati narin mga palaro sa perya. Bukas din ang mga kaininan na nagkalat sa kalsada. Hindi naman ako masyadong nae-excite lalot taon taon din naman 'tong ginagawa, kahit nga pag fiesta sa baranggay may mga ganito .Pero dahil nakasanayan na namin, nauuwit- nauuwi parin kami dito.
"Andaming tao sa labas!" Pagkapasok na pagkapasok palang ni Pia sa pintuan ng hall ay nagrereklamo na siya, kasunod niya si Chloe at hindi ko insahang kasama nila si Calihl. Yaan tuloy at napaayos ako sa pag upo. Pinanlakihan ko kaagad ng mata si Pia na umirap lang sabay upo. Kaya pala ang tagal nila!
Okay lang sana kung si Ivan e . Wala kasi sa muka ng lalaking to ang pag gala at mukang napilitan lang palagi. Kitang kita ko palang pagkapasok nitong hindi siya nag eenjoy.
"Hi!"bati saakin ni Ivan. Ngumisi ako sa kaniya at hinagilap ang cellphone para makaalis na. Nag unahan silang lumabas at nahuli ang lalaki. Parang gusto ko nalang biglang magpalit dahil pansin kong naka hoodie din siya kulay itim nga lang. Pero paalis na kami at kung mag iinarte pa ako,baka kung ano pang isipin ng mga to.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
