Chapter 7

2 0 0
                                    

Halos tapos na ang klase at nagliligpit nalang kami ng kani kaniyang gamit. Si Chloe ay nasa kaniyang cellphone habang si Pia ay parang walang balak umuwi,nag kikinain pa habang kaasaran si Ivan.

"Iniintay na ako ni kuya..." Senyas ni Chloe kay Pia na nakatingin lang sa kaniya.

"Gago kayo lang din iniintay ko, bat hindi pa kasi kayo nag sisikilos?" Sabay palibot ng tingin niya sa aming tatlo na nag iintay lang din naman sa kanya.

Marami pa kaming nasa room. Kahit hapon na ay may mga naiwan parin para mag review okaya ay gumawa ng group projects. Hindi naman kami madalas sa  loob ng room pero heto kami ngayon.

"Parang mga tanga" sabay tayo ni Ivan at kinuha ang bag niya. Direderetsong lumabas ng pinto. Kami naman ay dali daling nagsikuhaan ng bag at sumunod sa labas. Hindi mag kanda ugaga si Pia sa pag dadala ng mga kinakain niyang hindi ko alam kung saan n'ya nakuha.

Smooth and afternoon air gracefully landed our faces . Sumama pa doon ang ibat ibang amoy ng pabango ng mga estudyanteng babae na nagdaanan, animoy may pinagkakantyawan sa lalakas ng boses.

Nakita naming naka upo si Ivan sa isang bench habang nag cecellphone. Nang maramdaman ang pagdating namin ay umirap ang lalaki at tumayo.

" Tara na"  Sabi niya lumapit saakin.

" Anong tara na?" Si Pia lumapit sa kabilang gilid ko at tinanggal ang kamay ni Ivan na nakakapit sa gilid ng uniform ko.

" Sabay sabay us?" Parang baklang sabi ni Ivan na pagkakuwan ay nadiri sa sariling salita.

Hanggang sa nakarating na kami sa main gate at patuloy padin sa pagbabangayan ang dalawa. Nakipag kwentuhan naman si Chloe saakin tungkol sa nahihirapan niyang topic sa isang subject. Sinundo narin agad siya ng nag aabang n'yang kuya,Kaya kaming tatlo nalang ang naiwan doon kasama ng ilang estudyanteng nag aabang din.

"Hoy ano na? Bat nakikiabang ka pa dito? Umuwi kana shu!" Pambubugaw ni Pia kay Ivan ng mapansing hindi siya umalis pagka hatid namin kay Chloe.  Usually kase umaalis siya pagkahatid kay Chloe at dumeretso sa Music Club or sa  Red team training ng self defense.

" Okay kalang Lori?" Hindi ko alam kung nag aalala ba si Ivan or nang aasar yung tanong niya. Pero base sa nakikita ko inaasar nya lang si Pia na hindi pansinin at kunyare kausap niya ako!

Pero kung tatanungin.. kinakabahan ako konti? Mabuti nalang at nandito pa ang dalawa at pupwede akong makauwi.

Tumawa ng malakas  si Ivan ng mahampas siya sa likod ni Pia. Parang wala lang sa kaniya ang lakas ng hampas nito. Maninibago ka nalang talaga kapag nanahimik ang dalawang to e. 

"Sasabay ako kay Lori e bakit?" Sagot niya na ikinatingin ko sa kan'ya. Napatingin din tuloy siya saakin at tumawa.

"Joke!, Na prank kita Lori!" Sabay tawa niya ulit.

"Ang jeje mo" bulong ko. Nakangisi.

"Tanga ako ang sasabay diyan." Sabi naman ni Pia.

"Walang nagtatanong" pambabara  naman ni Ivan. At bago ulit siya masaktan,tinakbo niya na ang layo ng isang rumaragasang motor.

Kinabahan ako ng akala koy masasagasaan siya noon at mukang tangka pa siyang bangggain! Mabuti nalang at nakaiwas s'ya.

" Ivan! " Sigaw ni Pia. Mukang kinabahan din.

Tumigil ang motor lagpas kay Ivan kaya doon ako papunta. Sisiguraduhin kong malilintikan ang motoristang ito!

Bago pa ako makalapit sa may ari ng mayabang na motor ay hinila na ako ni Ivan sa gilid sabay sabing..

String ConsequenceWhere stories live. Discover now