Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala sa labas ng store na iyon habang naiintay sa kaniya.
Oo nauna akong lumabas sa kagustuhan kong makahinga at pagkuwan na realize din naman na para iyon sa kapatid niya at kahit gaano pa iyon kamahal o kamura, Hindi 'yon matutumbasan ng kahit na ano.
Hindi ko kasi inexpect na ganoon siya ka sweet sa mga taong importantante sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minutong pag iintay ay lumabas siya at inaya agad akong kumain. Gusto kong tumanggi pero hindi ko na nagawa ng sinabi niyang pasasalamat manlang sa pagsama ko sa kaniya.
Tinext ko si papa kahit alam na niyang umalis ako kanina. Ayoko kasing mag alala s'ya.
Habang lumilipas ang oras na kasama si Hanz ay hindi ko nagugustuhan ang uri ng paninitig niya saakin. I mean, hindi kasi ako nagsasalita at ganoon din siya.
Wala naman pati akong dapat sabihin!
"I'll pick you up " biglang sabi niya habang tahimik kaming kumakain. Ramdam ko kung paano niya sinipat ang pagkain ko. It's like he want to complain or say something about it,but ends up nothing. I wonder his lips saying those words he thinking!
"Huh?" Napatingin tuloy ako sa kaniya at agad nag iwas. Saakin na kasi siya nakatingin.
"Susunduin kita sa isang linggo" pag uulit niya na may dagdag. Pero hindi ko parin nakuha.
Kunot noo akong hindi nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Iniisip ko kung ano ang sinasabi ng lalaking ito. Tsaka kolang naisip kung anong mayroon sa isang linggo.
"Ah.... Okay.." huling sagot ko. Muli hindi na nag reklamo.
Narinig kong suminghap siya, binaba ang tinidor at kutsa. Napatingin tuloy ako sa pinggan niyang wala nang laman. Titignan ko ang pinggan ko at parang tangang napapikit.
Bakit ang bilis niyang kumain!, Marami pa namang nasa mesa? Diet ba siya?
At dahil nakahinto ako at kung ano anong iniisip nagsalita siya. Napansin niya siguro ang pagtigil ko!
"What are you doing?" kunot noong tanong niya.
Hindi ako sumagot at simpleng tinuloy ang pagkain kahit nakakahiya. Hindi narin naman siya nagtanong ulit kaya minadali ko ang pagkain.
Sa sobrang kaba nagpaalam ako para mag banyo. Nakatulala lang ako sa salamin at hindi ko mawari ang itsura. Nag init ang pisngi ko ng maalala ulit ang paulit ulit na nahuhuli kong tingin niya. Hindi ko alam kung normal lang ba iyon sa kaniya, pero saakin hindi!
Pagkalabas ko ay hinanap agad siya ng mata ko. Kinabahan ako ng hindi ko siya makita. Tinignan ko ang table namin kanina at nakitang andoon pa ang pinagkainan namin, sa kabilang gilid ang papalapit na waiter para siguro linisin at kunin ang bayad namin.
Potangina naman, bat nang iwan?
"What are you doing?" Napadilat ang mata ko ng marinig ang boses niya sa gilid ko. Hindi ako lumingon dahil pumunta siya sa harapan ko.
Niloloko niya ba ako? Halos kabahan ako dahil akala ko'y maghuhugas na ako ng pinggan dito!
Wala pa mandin akong dalang budget!
"A-akala ko umalis kana." kinakabahan at mahinang sambit ko.
Dumaan ang pag aalala sa mukha niya pero nangibabaw ang pag tatanong.
"Why would I?"kunot noong sagot niya. Lumakad palapit sa waitress at kinuha ang paper bag na inabot nito.
"I'm waiting for you." Pahabol na baling niya saakin. He smiled. Assuring smile. Bago siya tumalikod.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
