Chapter 6

2 1 0
                                        

Ilang minuto lang sa kalayuan narinig kona ang boses ni Pia. Nilingon ko sila at nakitang tatatlo nalang sila. Calihl is not with them. Sigurado akong napagsabihan nanaman si Ivan ni ate Ivee.

"Is she really like that?" Napangisi ako ng narinig kong tanong ni Hanz. Alam kong tinutukoy niya ay si Pia. Hindi ako sumagot dahil malapit narin naman sila saamin. It's good kung siya mismo ang magtanong sa bruha.

"Gusto kong patalunin sa hagdan ang babaeng iyon" Sabi ni Pia, tumingin siya aakin at padabog na umupo sa bench, ganon din ang ginawa ni Chloe. Ivan just chuckled tinanaw ang mga tao.

Wala pa man.. alam ko na kung sinong pinagpuputok ng butse ni Pia. Hindi malabong nakasalubong nila sina Maja. And Maja just being  Maja alam kong may ginawa itong ikaiinis ni Pia. Not in physical but surely emotional that can trigger Pia's emotions.

Kung gaano siya kaloka loka ganon din siya mainis.

"Dapat ginawa mo" pang sususot ni Ivan.

Sumama lalo ang mukha ni Pia nang tignan si Ivan. Nakatayo ako doon sa harap nila katabi si Ivan at Hanz  na nakasandal sa railings.

"Isa kapa akala mo nakalimutan ko ang ginawa mo kanina!" Biglang bulyaw nito kay Ivan.

Mukang may nangyari nanamang hindi ko alam. Tahimik kaming tatlo at si Pia at Ivan lang ang walang sawang nag aasaran. Ngayon tuloy hindi ko alam kung bakit nandito pa kami. 

Maya maya pa ay tumunog ang mahinahong musika sa buong paligid. Napatigil tuloy ang dalwa at napatingin kung saan nanggagaling ang tunog. Kahit kami ay napalingon ng maghiyawan ang mga tao. They keep on teasing  and whistling, may iba pang todo palakpak.

Tumiay pa ako ng hindi ko masyadong makita dahil kay Pia at Chloe na tumayo. Hindi pa nakontento at umakyat sa bench. Hindi manlang  naalala ang mga nasa likuran nila!

"Sana lahat!!!" Sigaw ni Pia na akala mo kanina ay hindi galit. Lalo tuloy akong na curious kung anong nangyayari.

Tinignan ko si Hanz at Ivan na parehong ang atensyon ay napunta doon sa mga taong naghihiyawan. Walang nagtakbuhan at nag uunahan kaya na realize kong hindi yon emergency. Umirap ako bago tinampal ang binti ni Pia para makaisod ng kaunti at maka akyat din ako. Pero mukang walang pakialam ang mga ito. Nakikisigaw narin kasi! May naririnig akong nagsasalita sa mikropono pero hindi ko masyadong maintindihan.

Pinilit kong sumingit  at naiakyat ko naman ang isang paa ko. Humawak ako sa balikat ni Pia pero bigla siyang sumigaw at tinaas ang kamay kaya nawalan ako ng balanseng isunod pa ang Isa kong paa, Nang akala koy mahuhulog na ako naramdaman kong may kumapit sa braso ko para mapaayos ang pagbagsak ng isang paa ko sa lupa.

"Careful" he said. 

Halos sumigaw na ako pero nawalan ata ako ng boses at kahit paghinga koy hindi ko na marinig. Agad akong tumayo ng maayos. Hindi ako nakapagsalita at nakita ko nalang na bumaba na si Chloe sa bench kasunod si Pia na hindi manlang naramdaman na muntik nakong malaglag kanina!

"Grabe si Ate!" Si Pia na hawak ang t shirt niya. Mukang pinagpawisan. Napatingin siya saakin at nakita kong tuwang tuwa siya sa nangyari, kumunot lang ang noo ng makita ako ang mukha kong walang emosyon na nakatingin sa kanya.

"Anong muka iyan?" Tanong niya, nag isip pa siya saglit bago ngumisi"Ah! Tutol ka sa oo ni ate?! Kabit ka!?" Sabay tawa nilang tatlo. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng katabi ko pero sa gilid ng mata ko nakita kong ngumisi siya.

Halos maubos ang pasenya ko at naglakad nalang bigla. Bababa na ako bahala sila diyan!

Malapit na ako sa hagdan pero napalingon pa ako samay kabilang dulo. May nakita akong magkayakap na babae at lalaki at base sa nakikita ko kumukuha sila ng litrato habang nakataas ang kanang kamay ng babae. Nabahala ako at bumama nang tuluyan.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now