Ramdam kong nilalaro niya ang buhok ko sa likod habang nakatingin saakin.

"S'yempre.." mahinahong sabi ko bago balingan siya.

Nakatingin lang din siya saakin, Ang mga mata ay puno ng saya at paghanga. Ang mga labi ay nakaangat ng bahagya bago gumuhit ang napakagwapong ngiti.

I didn't expect that.

" Don't stare like that." Sabay halakhak niya  kaya sumimangot ako para maitago ang nag lalarong ngiti sa mga labi.

"Gutom kana ba?." Tanong niya matapos niya akong asarin dahil sa kakaibang energy ko kanina.

"Hindi." Utas ko at inilabas ang cellphone. Pinicturan ang labas ng arena. I want some suvenier to treasure.  Pindot ko ang click button at naka ilang click palang ako ay inagaw na ito ni Hanz.  Nagulat ako pero mas nagulat ako ng iharap niya iyon sa kaniya at pinicturan ang sarili.

Hinintay kong matapos siya pero tinignan niya iyon sa gallery na agad kong inagaw. Napatingin siya saakin at ngumisi.

"What?" Sabi ko. Tumungo at tinignan ang mga picture kanina sa loob ng arena. Pero sa loob loob koy gusto kong tignan ang picture niya.

"May picture kana saakin. " He said before he chuckled.

"Ha?" Tanong ko. Nakatingin parin sa cellphone.

As in hindi ko na gets. Assumera naman siguro ako kung iisipin kong may picture ako sa cellphone niya! So baka ang sinasabi niya ay yung picture ng mukha niya na meron ako sa cellphone ko.

"Nothing. " Tawa ulit niya kaya tinignan ko siya at inirapan.

"Ganda." Bulong niya pero narinig ko.

"Ano 'yon?" Nakangisi kong sabi. Pero kahit boses nang aasar ako alam ko sa sarili kong  tinablahan ako.

"What?"

"Yung sinabi mo." Sabi ko sakaniya. He's now holding his cellphone, avoiding my gaze. Mejo namumula rin ang tainga niya. Hindi ko alam kung mainit o reflection lang yon ng mga ilaw sa paligid.

"Let's go, eat."  Hila niya saakin kaya napasunod ako.

He's holding my hand, sinasangga ang sarili sa mga taong nadadaanan. Siya rin ang may dala ng backpack ko na akala moy kabibigat ng laman.  Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant sa kalayuan. Mas'yadong maraming tao para mag sasakyan. Marami na kaming nalagpasan pero dito niya nas pinili sa mejo malayo.

Deretso kaming pumasok  sa restaurant  at lumabas sa kabilang dulo kung saan may tanaw na malayong dagat.

"For you to feel the presence of the Province." Sabi niya bago pa ako makaupo.

Totoong mejo malayo ang mga lugar na ito sa probinsya. Maraming tao, maraming building. Dito mo talaga ma fefeel na malayang malaya ang tao. Pero sa probinsya, bukod sa malaya doon mo nararamdaman na ligtas ka.

"Sumakit paa ko. " Reklamo ko habang hawak niya ang menu. Alam ko naman kasing hindi niya 'yon maiintindihan dahil kausap niya ang waiter. Seryoso niya yong kinausap habang tinatanaw ko ang malayong dagat. Nakikita ko rin sa gilid ng mata ko na tumitingin tingin siya paminsan minsan saakin.

"Buhatin kita pabalik ."  Utas niya maya maya  pagka alis ng waiter.

Napabaling ako sa kaniya dilat ang mata. Akala ko ay nagbibiro pero ng makita kong nakatingin siya sa mata ko ng seryoso tsaka ako umayos.

"Joke lang." Kinakabahang sabi ko at nilibang siya tungkol sa ibang bagay dahil baka gawin nya nga ang sinabi.

"I choose this place because this is not that crowded."  Sagot niya ng itanong ko 'yon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now