"Ayan ang hinahanap mo." Sabi niya na hindi ko nakuha. Tumawa si Ivan.

Nagulantang ako ng makita si Calihl sa cellphone. Ngumiti lang ako bago umirap na hinarap kay ate Ivee ang kaniyang cellphone. Hindi ko naririnig ang sinasabi nito dahil naka earpods  si Ate Ivee. Basta tinignan niya lang ako ng natatawa bago iniharap kay Piang kuryosong nagtatanong saakin.

"Ay jusko. Akala ko kung ano." Sabay iwas niya sa nakaharap na cellphone.

Maya maya ay dumating na si Papa. Pinaupo ko siya sa tabi ko at matamang nginitian ako. Sakto namang dating rin ng pagkain kaya nagsimula nakaming kumain. Nagpaalam narin agad si Ate Ivee kay Calihl.

It's been four months? Nakakamiss rin ang pang aasar ng isang 'yon.

"Saan galing 'yan?" Kuryosong tanong ni Ate Ivee  sa bulaklak na nakapatong sa kanyang tabi.

Uminom ako saglit at akmang sasagot pero dahil may madaldal akong kaibigan, siya na ang sumagot.

"Sa manliligaw niya." Sabay halakhak.

Dahil doon muntikan pa akong masamid. Akala koy  wala silang alam kung anong nangyari  pero pagtigin ko sa gilid ko mukha ni Pia na sinisilip ang reaksyon ko. Tumatawa sila Papa at kaunting minuto pa naiba na ang usapan.

Mabuti naman at hindi ko alam kung gaano ako katatag para makatiis. Lalo at anlakas ng loob nila na tirahin ako sa harap ng Papa ko!

Mabuti at hindi rin nagtanong si Papa tungkol doon.

..

Hanz:
11:11

Lunch?

Isang araw text niya saakin habang nakahilata ako sa harapan ng tv. Isang linggo na ng nakaraan ang recognition namin at as usual tambay ako ngayong bakasyon.  Nabalitaan ko rin  na  bumalik si Calihl pero hindi ko pa nakikita ang isang iyon. Mukhang ginagawa niyang bakasyunan ang Buena oliveranza ah?

Lori:

Iniintay ko si Papa.

Pagkasend ko noon ay nag ayos na ako ng pagkain  dahil anong oras na rin naman at puro cellphone lang ang inatupag ko buong umaga.  Kasalanan niya ito  dahil panay ang text niya saakin!

Hanz:

Anong gusto mo? I'll buy you.

Basang basa ko iyon at muntik pa akong madapa sa sobrang excitement sa pag kuha ng kabababa kolang na cellphone. Nag isip ako at hindi ko na namalayan ang mga ngiti ko.

Usual na niya iyong ginagawa. Simula umaga hanggang bago ako matulog tinetext okayay chinachat niya ako sa Facebook kaya nasanay narin siguro ako kahit minsan nakakabwisit siya.

"Oh my God!" Halos maiyak kong utas ng marinig ang unang strum ng gitara ng isang member ng Banda. Sumigaw ako at nakisabay sa mga kanta nila, dinama ang payapa nilang musika.

"Thank you talaga." Sabi ko ng makalabas kami ng arena ni Hanz pagkatapos ng concert ng favorite kong banda.

Matagal na niya akong inaya tungkol doon pero undecided pa ako noon. Tsaka busy rin siya sa pag aaral ngayong bakasyon at alam kong mas importante 'yon.

Umupo kami sa bench habang pinapanood ang mga taong hindi maka moveon sa kanta nila. Kahit ako sobra sobra akong nasiyahan. Kahit second time ko na'to sobrang saya parin at walang bago sa kanila.

"Are you happy?" Tanong niya habang pinapanood ko ang fireworks sa langit.

Nakatagilid ako sa kaniya pero narinig ko siya, namamangha lang ako sa ganda ng langit. They were shinning because of the beautiful fireworks.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now